PEP EXCLUSIVE: Birthday boy Baron Geisler won't let controversy dampen his celebration

"Masaya ako na tumatanda na ako, 27 na ako. Masaya ako that my girlfriend is here. Buong-buo naman yung suporta sa akin ng family ko, tuluy-tuloy lang din ang mga trabaho," says Baron Geisler, who is celebrating his 27th birthday today, June 5.


Ngayong araw na ito, June 5, ang 27th birthday ni Baron Geisler.

Kaninang umaga ay tinawagan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Baron para batiin at kausapin na rin tungkol sa pinagkakaabalahan niya at sa kontrobersiyang kinasasangkutan niya.

Napag-alaman namin na nasa Pampanga si Baron since last night, June 4, kasama ang kanyang girlfriend na si Rachel Stephenson. Doon na raw nila sinalubong ang kanyang birthday. Tonight naman ang dinner niya with his family.

Kuwento rin ni Baron, "Kakapagpa-tattoo lang namin [ni Rachel]. Bale yung initial talaga namin yung naka-tattoo sa may pagitan ng mga daliri namin. Sa kanya, it's my initial na BFVG; and sa akin naman, her initial na RNS."

Timing naman daw na wala siyang schedule sa mismong birthday niya kaya he got the chance to spend quality time with his girlfriend, na kagagaling Australia, at sa pamilya niya.

Sa ngayon, ayaw muna raw niyang isipin na by second week of June ay pabalik na muli sa Australia ang kasintahan.

"Ayokong isipin. Ayoko munang isipin na parang bilang ang araw niya rito kaya... Basta, ayoko munang isipin yun. Right now, gusto ko lang maging masaya kasama siya at isulit yung days na nandito pa siya sa bansa at kasama ko," sabi ng aktor.

YASMIEN'S COMPLAINT. Hindi naman kaila sa lahat na sentro na naman ng kontrobersiya si Baron dahil sa reklamong "acts of lasciviousness and unjust vexation" na isinampa laban sa kanya ni Yasmien Kurdi sa Camp Crame. Ayon sa young actress, "binastos" daw siya ni Baron during their first taping day of SRO Cinemaserye Presents Suspetsa.

Hindi ba naging hadlang ang mga isyung kinakasangkutan niya para maging masaya siya sa birthday niya ngayon?

"Hindi naman," sagot ni Baron. "Basta alam ko naman din kung ano ang totoo. Masaya ako na tumatanda na ako, 27 na ako. Masaya ako that my girlfriend is here. Buong-buo naman yung suporta sa akin ng family ko, tuluy-tuloy lang din ang mga trabaho."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang masasabi niya na hindi pala nagtapos sa pag-uusap nila ni Yasmien sa telepono, through Direk Maryo J. de los Reyes, ang kung anumang gusot meron sa pagitan nila? Nababalita kasi ngayon na itutuloy pa rin daw ni Yasmien ang kaso against him.

"Pagdating dun, ayoko munang magsalita," iwas niya. "Ayoko munang magsabi ng kahit na ano. I have my attorney naman, so siya na yung bahala kung anuman."

Ang malinaw kay Baron, ang alam daw niya ay maayos na ang naging pag-uusap nila ni Yasmien nang pag-usapin sila ni Direk Maryo over the telephone.

Pero gusto ba niyang maayos kung anumang isyu with Yasmien?

"Oo, sana... Ako naman, trabaho lang ako. Yun lang ang gusto ko, magtrabaho. Masaya ako na continuous yung mga work na dumarating. Sana maayos na kasi noong nag-usap kami, actually, okey na, e. Alam ko, maayos naman sa amin pareho," saad ng aktor.

Kinumpirma ni Baron na noong huling taping nila, wala silang scenes ni Yasmien na magkasama. "Hindi ko alam kung magkakaroon pa kami ng scene sa susunod na taping. Pero noong last taping, wala talaga," aniya.

May message ba siyang gustong iparating kay Yasmien?

"Take care, God bless," maikling sabi niya.

Kumusta naman ang working relationship niya with GMA-7 gayong identified talaga siya bilang Kapamilya?

"They are very good. They treat me as their own," sagot niya.

Ayon kay Baron, may dalawang movies daw siyang naka-schedule gawin.

"Aalis kami ng June 23, papunta kaming Bohol. Two weeks straight yata kami sa Bohol for the shooting. Ito yung sina Aljur Abrenica at Kris Bernal. Bale yung character na gagawin ko, supposedly yata, kay Eddie Garcia. So, it's really a good role at maganda ang story," banggit ni Baron.

May isa pa raw siyang pelikula na ididirek naman ng tumatayong manager niya na si Direk Maryo J. delos Reyes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung isa, ayoko munang sabihin. Ayoko munang magsalita kung ano yun. Basta, I'm going back to my roots, sa indie film," sabi ni Baron.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN