Luis Alandy steps into Mark Gil role in Ngayon at Kailanman TV remake

Luis Alandy doesn't mind being given character roles. "Kahit na kontrabida yung role ko, nabigyan ko ng justice yung role na ginampanan ko. Hindi ko na pinapasok sa utak ko na kailangang bida ako. Naranasan ko na rin maging bida."


Dalawang taon na raw si Luis Alandy bilang isang Kapuso star at nagpapasalamat raw siya na sa loob halos ng dalawang taon, never niyang masasabi na nabakante siya. Kaya naman nang magkaroon daw siya ng pagkakataon, sinulit na niya ang pagbabakasyon ng less than two months sa States.

Kaya masaya raw siya na sa pagbabalik niya, may panibagong project siyang gagawin, Ngayon at Kailanman, kunsaan siya ang magre-reprise ng dating role ni Mark Gil. At sa mga nakapanood ng movie version nito, siguradong bawat isa ay magsasabing isa ang role niya sa magmamarka sa bagong afternoon series ng GMA-7.

Kuwento ni Luis tungkol sa role niya: "Because of me, nawala sa amin ang hacienda. Ako yung dahilan kung bakit din... parang napalitan si Heart [Evangelista], or sa movie na natin i-base. Napilitan si Sharon na bumalik sa hacienda para pakasalan si Richard now played by JC de Vera. Parang pinapaano ko sa kanya na siya lang makakatulong sa akin dahil hinahabol na ako ng pinagkakautangan ko."

Napanood lang daw niya ang movie nang malaman niyang kasama siya sa cast at pinadalhan daw siya ng kopya, two weeks pagkagaling niya ng U.S.

HAPPY WITH ROLES. So far, masaya raw siya sa mga character roles na binibigay sa kanya ng network.

"Mas okey sa akin ang mga character roles at saka, tulad dati sa Impostora at La Vendetta, kahit na kontrabida yung role ko, yung ending naman, nabigyan ko ng justice yung role na ginampanan ko.

"Yung mga ganun kasi, hindi ko na pinapasok sa utak ko na kailangang bida ako. Naranasan ko na rin maging bida. Pero with my two years na naka-contract ako sa GMA, limang soap opera na rin ang nagagawa ko."

During their Kapamilya days, nagkasama at nagkasabay na silang dalawa ni Heart at hanggang ngayon nga na pareho na silang mga Kapuso. Hindi ba pumasok sa isip niya na sana, he was in JC's shoes instead na kapatid ni Heart sa Ngayon at Kailanman, na siya sana ang leading man?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko naisip yun, ah," natatawa niyang sabi. "Hindi ko pa naisip actually. Ako naman, I'm happy for JC kung nasaan man siya ngayon in terms of his career. Ako, happy naman ako sa career ko... not really support roles, I don't wanna say support roles, pero it is supporting roles kung paano nila tawagin. But, it's more of character roles.

"I've done naman mga bida-bida sa mga movies. Sa mga special, sa series hindi pa. Pero, kung sabihin nga, never give up on a dream. Kung minsan, gusto ko rin magbida, pero hindi pa ngayon ang panahon siguro, darating din."

MATTERS OF THE HEART. In his last series, Luna Mystika, he was also with Heart, kaya kumportable raw siyang katrabaho ito.

"Kami naman ni Heart kasi, since galing kami sa kabila, nagkakilala na kami ro'n. At ease kami sa isa't isa kung paano kami mag-usap. Anything under the sun, nasasabi niya. Tapos naaasar ko siya with her ex niya."

Hindi siya na-attract kay Heart?

"Nagagandahan ako sa kanya, pero hindi umabot sa ganoong level na nagkagusto or na-in love. Siguro, crush-crush na medyo bagets pa, bago pa lang siya. Kasi, alam ko, noong time na yun, uso pa ang mga Chinese, Japanese, Korean looks. So, yun..."

Happy naman daw siya sa non-showbiz girlfriend niya na nagtatrabaho sa call center for two years na, although wala pa raw sa plano niya yung pagpapakasal.

"Serious naman ako with her, pero, yun nga lang, wala pa ako sa plano na maging committed lifetime. Darating din siguro yung ganoong time," nakangiti niyang sabi.

Nangiti lang ito when we asked him kung bakit parang hindi na siya nali-link or nagkakaroon ng karelasyon na showbiz. His last showbiz girlfriend was Dianne Medina of the Kapamilya network.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN