Ruffa Gutierrez left parents' home this morning after intense fight over rumored liaison

The volatile relationship between the Gutierrez women boiled over Sunday morning over Ruffa's (left) alleged relationship with a younger actor. Mother Annabelle Rama (right) is furious with the actor whom she calls "walang respeto." Ricky Lo promises more details in next week's Startalk.


Kinumpirma mismo ng talent manager na si Annabelle Rama sa entertainment columnist na si Ricky Lo na "lumayas" ang panganay at kaisa-isa niyang anak na babae na si Ruffa Gutierrez sa kanilang tahanan sa DasmariƱas Village, Makati City, kaninang umaga, June 6.

Ayon sa report ni Ricky sa Startalk kanina, kasama raw ni Ruffa ang kanyang dalawang anak na sina Lorin at Venice.

Kuwento ni Ricky, "Ayon kay Annabelle, umalis si Ruffa pagkatapos ng isang matinding away sa pagitan nilang mag-ina. May kinalaman diumano ito sa isang lalaking nauugnay ngayon sa aktres.

"Bagama't hindi pinangalanan ang lalaki, sinabi ni Annabelle na... Sa pag-uusap din namin kani-kanina lang, ang lalaki raw ay walang respeto... Words ni Annabelle 'to ha, 'Ang bata-bata mo pa, nanliligaw ka sa babaeng may dalawang anak na!'

"Ayon pa kay Annabelle, sa aming pag-uusap, tigilan na raw ang pagpapadala ng pagkain at regalo ng lalaking yun kay Ruffa. At ayon kay Annabelle, hindi raw niya titigilan ang lalaki hangga't hindi siya tumitigil sa panliligaw kay Ruffa."

Sinabi pa ni Ricky, "Sa palagay ko ay alam n'yo na at alam ko rin kung sino ang lalaking tinutukoy ni Annabelle."

Sa susunod na linggo raw ay ibubunyag na nila ang pangalan ng lalaki at ang dahilan ng paglayas ni Ruffa sa kanilang tahanan.

Hindi man binanggit ng Startalk ang pangalan ng lalaki, naging laman ng balita lately ang pagkakaugnay ni Ruffa sa aktor na si John Lloyd Cruz. Pero pinabulaanan ito pareho nina Ruffa at John Lloyd sa kanilang magkahiwalay na interviews.

Bago ang paglalayas ni Ruffa ay naibalita na nagkagalit na naman sila ng kanyang ina. Pero nagkabati rin sila nang maaksidente ang kapatid ni Ruffa na si Richard Gutierrez.

Nang mag-guest si Annabelle noong May 24 sa The Buzz, kung saan co-host si Ruffa, ay ikinuwento ng mag-ina ang kanilang hindi inaasahang pagbabati. (Click here to read related article.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN