Cristine Reyes denies move to return to GMA-7 is to be near ex-boyfriend Dennis Trillo

Cristine Reyes douses reports that Angelica Panganiban is one of the reasons she wants to leave the Kapamilya Network: "Kami ni Angelica, okey kami. Masasabi ko na isa siya sa showbiz personality na di talaga showbiz. Totoo siya sa sarili niya."


Hanggang sa ngayon ay hanging pa rin kung babalik na ba sa GMA-7 si Cristine Reyes o pipirma uli ito ng kontrata sa ABS-CBN. Kumpirmadong dalawang linggo na siyang hindi sumisipot sa taping ng Banana Split kung saan isa siya sa mainstays.

Samut-saring mga bersyon ang lumalabas kung bakit nagdadalawang-isip raw ngayon ang sexy actress na i-renew ang kontrata sa Kapamilya network at magbalik sa Siete.

Usap-usapan ang pagkakampihan daw nina Angelica Panganiban, Pokwang, at RR Enriquez sa taping ng sitcom na Banana Split, kung kaya't naramdaman daw ni Cristine na out of place siya sa grupo. May kuwento rin na ang aktres din daw ang naninira kay Jake Cuenca nang minsang magkapareha sila sa Precious Heart Romances

Mga bagay na agad namang binigyang linaw sa amin ni Cristine nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pictorial shoot ng Mint kung saan siya ang endorser.

"Diyan sa isyu ng paglipat, hindi ako magsasalita nang tapos kasi under negotiation pa ang lahat. So, ayoko pang magsabi sa kung ano ang mangyayari. Siguro saka na lang kami magsasalita pag nakapag-decide na kami at Ate VR [Veronique del Rosario], my manager, sa kung anuman para ma-explain ko rin ang sarili ko. Basta sa kung saan mas maganda at mas masaya ako."

Hindi ba siya naging kuntento sa itinakbo ng career niya sa ABS-CBN kaya siya nagdadalawang-isip pa sa ngayon kung pipirma uli sa ABS-CBN o babalik na lang sa GMA-7?

"Ay, hindi, sobrang thankful at sobrang nagpapasalamat ako sa laki ng tiwala sa akin ng ABS, sobrang thankful ako sa itinakbo ng career ko dito. Naniniwala ako na sila talaga ang gumawa ng pangalan ko, sila ang nagpasikat sa akin.

"Darating lang minsan sa buhay natin na maghahanap tayo ng mga bagay na magpapasaya sa atin. Darating tayo sa part na kailangan nating mag-decide sa mga bagay-bagay," pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RESPECT FOR KATRINA. Sa balitang ikinasama daw ng loob ni Cristine na nagkampihan sina Angelica, Pokwang, at RR sa taping ng Banana Split na feeling daw tuloy ni Cristine ay left out siya, sinagot naman ito ng aktres.

"Siguro that time kasi, yung mga nakapanood ng Banana Split, nung time na yun, di talaga ako nakisali kasi yung topic is yung mga video-video. E, nagbibiruan sila tungkol sa mga videos, scandals-scandals, medyo dumistansiya ako, ayoko munang makisalo dun dahil involved ang kaibigan kong si Katrina [Halili].

"Ayokong isipin niya na pinagtatawanan ko siya, ayokong sumama ang loob sa akin ng kaibigan ko. So, hindi ako nakisali sa ganun kasi di rin maganda na pinagtatawanan mo yung mga bagay na ganun ka-sensitive.

"Kami ni Angelica, okey kami and masasabi ko na si Angelica na isa siya sa showbiz personality na masasabi ko na di talaga showbiz. Totoo siya sa sarili niya."

LOST ROLE. May balita rin na maaaring isa rin daw sa rason ng hidwaan nina Cristine at Anagelica ay ang remake ng Mexican nobelang Rubi, na in-offer daw kay Angelica pero inalok din daw kay Cristine.

"Hindi, alam ko before pa, as in matagal na, nakukuwento sa akin ni Angelica na may show siyang gagawin at ito nga yung Rubi. Di totoo na sa akin yung Rubi, kay Angelica talaga yun."

Nilinaw rin ni Cristine ang balita na nag-impose daw siya na hanggang 2 a.m. lang ang taping hours niya, bagay na ikinairita daw ng ilang staff at kasama niya sa Banana Split.

"Di naman totoo 'yan, di 2 a.m. but 5 a.,m. and di na naman siguro masama ang 5 a.m. Ako dumarating ako on time sa set, as in before call time nandun na ako to work."

ABOUT JAKE. Regarding naman kay Jake Cuenca kung saan bali-balita na sinisiraan niya raw ito, pinagtatakhan ni Cristine kung paano kumalat at lumaki pa ang balita. Handa raw siyang makatrabaho uli ang aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro sa amin na lang yun. Pero okey na kami, maayos naman na, so di na siguro kailangan pang sabihin dahil ayoko rin ng issue, 'saka okey naman si Jake na katrabaho. I'm honest to admit na di naman talaga kami close na textmate. Hi and hello lang pag nasa work kami, ganun lang.

"Kung magkakatrabaho uli kami, hindi naman ako ang makakapag-decide nun, di ba? I mean, wala naman akong right if ever ang gusto talaga ng management is pagsamahin kaming dalawa.Basta ako, ang pinagsabihan ko lang nun is yung director at yung PM namin. I don't know kung bakit kumalat o kung kumalat ba."

Bulung-bulungan din na nagkabalikan raw kasi sila ng ex-boyfriend na si Dennis Trillo kaya raw nagdesisyon si Cristine na bumalik ng GMA-7 kung saan mas magkakasama nga naman sila uli.

"Di ko alam kung sino ang nagsulat niyan kasi di naman kami nagkikita ever since the breakup at kahit saang events di kami nagkikita. Ako, mas gusto ko munang mag-solo, ayoko muna magdate-date, lalo na ng relationship," sabi ni Cristine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN