Jake Cuenca doesn't believe Cristine Reyes would say anything bad about him

Jake Cuenca believeshe and Cristine Reyes made a good love team in Precious Heart, but he never got to know her. "Di naman talaga kami masyadong nag-uusap. Like sa set okey ang samahan namin but texting or calling, hindi. It's a very professional relationship."


Kasabay ng magandang tinatakbo ng kanyang career ay ang patuloy na pagbato ng kabi-kabilang mga intriga kay Jake Cuenca.

Kamakailan nga ay lumabas ang balita na sinisiraan daw siya ni Cristine Reyes na nakapareha niya sa Precious Heart Romances. Agad namang dinepensa ni Jake na hindi siya naniwala sa kuwentong ito, lalo't naging maayos naman daw ang working relationship nila ni Cristine.

"I don't think she'll do that kasi parang okey naman kaming dalawa, okey yung samahan namin, it was smooth sailing till the end of the taping and... I feel very blessed na naka-partner ko siya. Sana di totoo yun kasi okey naman ang working relationship namin sa set, okey naman ang pinagsamahan namin sa Precious Heart."

Aminado si Jake na hindi sila naging close ni Cristine while taping Precious Heart pero kampante siya na hindi siya sinisiraan nito gaya ng nababalita.

"Di naman talaga kami masyadong nag-uusap. Like sa set okey ang samahan namin but texting or calling, hindi. It's a very professional relationship. I'm very confident naman na she's not doing that so I don't have to double-check kung totoo ba yung issue o hindi."

Hiningan din namin ng reaskyon si Jake sa balitang babalik na raw sa GMA-7 ang aktres.

"Well, she's old enough to make decisions of her own, if she thinks successes in different bases, desisyon niya yun pero siyempre nakakapanghinayang naman talaga kasi I really treasured our pairing, our tandem in Precious Heart. I hope na may kasunod pa yun so maybe in the future magkaka-partner din kami uli but like I've said, she's old enough to make decisions of her own."

HORROR MOVIE. Na-interview namin siya sa pictorial ng Villa Estrella, a horror movie under Star Cinema kung saan makakasama ni Jake sila Shaina Magdayao, Maja Salvador, Geoff Eigemann at iba pa. Masayang ibinalita sa amin ni Jake na ito ang kauna-unahang pelikula niya sa Star Cinema at excited siyang makasama sina Shaina at Maja.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre to be part of a movie with both of them was a very big deal kasi siyempre si Shaina matagal na rin kaming nagkatrabaho. This is a follow-up on what we've been doing in the past, at the same time with Maja. Feeling ko ang suwerte-suwerte ko na nakasama ko ang dalawang prinsesa ng ABS.

"This is my second pero kasi yung first horror movie ko I did was just a cameo role, it's for Canary Films' Spirit of the Glass. [Villa Estrella] is my first major movie, dito ninyo ako mapapanood na talagang nasa full-length movie na mula simula hanggang sa huli, nandun ako. This is also my first movie under Star Cinema so talagang blessed ako to be doing this movie. I feel very honored na sinama ako dito."

Sa blockbuster results ng mga horror movies na nagawa ng Star Cinema, aminado si Jake na may pressure sa parte nilang mga artista.

"May pressure but we're confident with what we have coz talagang pinaghirapan namin ang pelikulang ito. It took a while for us to do this movie so we're very confident na magugustuhan ito ng mga tao."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN