Anne Curtis is back from her one-month European vacation

"Masaya siya, masarap! It was a good experience, I got to meet new people, I got to discover all the castles, all the cathedrals... So, maganda talaga. It was a good experience for me," says Anne Curtis about her recent trip to Europe.


Fresh from her one-month vacation in Europe, mukhang nakapagpahinga at nakapag-recharge nang husto si Anne Curtis. Masayang ikinuwento ni Anne sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, June 7, sa ASAP '09 ang masaya niyang experience sa Europe with her friends.

"Masaya! May mga impromptu visit ako sa ibang countries. Like, all of a sudden, I visited France. Bigla akong napupunta ng Paris, which is not really original part of the plan; which is good kasi ang dami kong napuntahan in Spain in one month," kuwento ng aktres.

Bago pa man dumating ang mga kaibigan ni Anne, two weeks na siyang nagbabakasyon mag-isa sa Spain.

"Masaya siya, masarap! It was a good experience, I got to meet new people, I got to discover all the castles, all the cathedrals... So, maganda talaga. It was a good experience for me."

Isa sa mga kaibigan na kasama ni Anne sa kanyang European vacation ay ang fashion editor ng Preview na si Liz Uy, ang ex-girlfriend na diumano ng aktor na si John Lloyd Cruz. Agad naming kinumusta kay Anne si Liz, at ano ang reaksiyon niya sa nababalitang breakup nito kay John Lloyd.

"I'm with my non-showbiz friends. Yeah, I'm with Liz. But I'm not in the position to say anything talaga," iwas ni Anne.

GIFT FOR SAM. Bago pa man umalis ng bansa si Anne ay biniro siya na baka sa Europe niya makilala ang special someone na ipapalit niya kay Sam Milby. Aminado si Anne na marami siyang na-meet na tao, pero wala raw siyang nakilala na nagpatibok ng puso niya.

"Kung meron, sana kasama ko ngayon. I met a lot of people, I met a lot of people na I had coffee with or hang out with, pero ganun-ganun lang," sabi niya.

Speaking of Sam, he celebrated his 25th birthday last May 23, panahong nasa Spain si Anne. Ikinuwento ni Anne sa PEP na may gift siya para sa ex-boyfriend na binili niya sa Spain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yeah, I have a gift for him. But I haven't given it pa. Bumili na ako dun [Spain] ng birthday gift for Sam."


NO RIFT WITH TONI. Sa isang interview ni Toni Gonzaga kay Sarah Geronimo sa Entertainment Live ay nabanggit ng TV host-actress na crush ni Sam Milby si Sarah. Hindi kaya nakaramdam kahit kaunting selos si Anne na crush pala ng ex-boyfriend niya ang Pop Princess?

"E, di cute! Kahit naman ako super crush ko si Sarah, e, she's really cute. Selos? Wala at all. It's okay to me, a crush is a crush, and crush is fine."

May lumabas na kuwento na sa nasabing interview ni Toni kay Sarah ay hindi raw mabanggit-banggit ni Toni ang pangalan ni Anne. Nagkaroon tuloy ng idea ang iba na baka totoo ngang may rift sina Anne at Toni gaya ng nabalita before. Ano ang masasabi ni Anne dito?

"Ay, ewan, wala talaga akong alam. I don't think so naman. I don't really think there's anything wrong. Toni and I are fine, we get along, we say hi to each other, so there's no rift talaga. Hindi kami nagte-text-an, but we always say hi, hello to each other, kaunting chikahan pag nagkita kami. Ako, I strongly don't believe in that issue," pahayag ni Anne.

BACK TO KAPUSO? Sa nababalitang balak na pagbalik ng GMA-7 ni Cristine Reyes ay nabuksan na naman uli ang balita na baka isa rin daw sa maaaring bumalik ay si Anne, na gaya ni Cristine ay under Viva Artists Agency rin.

"Wala akong alam. But I can say na masaya naman ako sa ABS. Ako kasi, I'm under Viva, so I will follow Viva," sagot ni Anne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN