Pokwang reacts to Cristine Reyes's alleged problem with Banana Split co-stars

"Hindi ko alam kung papa'no nagsimula 'yan talaga. Una, sinasabi niya sa mga interbyu niya na hindi siya galit sa amin. So, bakit kung walang gano'ng isyu, e, bakit lumalaki, di ba? Yun lang ang masasabi ko. Kagaya ng sinabi niya, matanda na ako, so, hindi ako pumapatol sa bata. Hindi ako pumapatol sa bata na tatanda rin balang-araw," says Pokwang about Cristine Reyes (inset).


Kontrobersiyal at maintriga ang balitang pag-alis ng young actress na si Cristine Reyes sa gag show na Banana Split at diumano'y muling pagbabalik nito sa GMA-7. Isa sa mga maugong na balita kung bakit ayaw na ng kapatid ni Ara Mina sa gag show ng ABS-CBN ay dahil pinagkakaisahan daw ito ng ilang cast members ng show.

Maliban sa diumano'y iringan sa pagitan nina Cristine at Angelica Panganiban, nasabit din ang komedyanang si Pokwang sa isyu na tinawag daw na 'matandang 'yan' ni Cristine.

Kanina, June 9, ay nakausap sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ si Pokwang para mahingan ng panig sa tila lumalalang isyu kay Cristine at sa cast members ng Banana Split.

Agad na naitanong kay Pokwang kung nasaktan ba siya sa bansag daw sa kanya ng young actress na "matandang 'yan"?

"Okay lang yon, tutal lahat naman tayo do'n pupunta," sagot ni Pokwang. "Tatanda rin naman tayong lahat nang bonggang-bongga. Hindi na naman kailangang ipagdiinan pa 'yon, alam ko naman ang edad ko. At itong matandang sinasabi niya, e, nakatulong naman sa show [Banana Split] at punong-puno ng talent."

E, ng ganda?

"Ganda? Marami ako niyan. Inside and out!" bulalas ng comedienne.

"HINDI AKO PUMAPATOL SA BATA." Saan ba nagsimula ang galit ni Cristine sa kanya?

"Hindi ko alam kung papa'no nagsimula 'yan talaga," sabi ni Pokwang. "Una, sinasabi niya sa mga interbyu niya na hindi siya galit sa amin. So, bakit kung walang gano'ng isyu, e, bakit lumalaki, di ba? Yun lang ang masasabi ko. Kagaya ng sinabi niya, matanda na ako, so, hindi ako pumapatol sa bata. Hindi ako pumapatol sa bata na tatanda rin balang-araw."

Ano yung napansin niya kay Cristine noong magkatrabaho pa sila sa Banana Split?

"Actually, alam mo, nung wala pa ako sa Banana Split, talagang may naririnig na ako na gano'n siya, na moody siya. Wala pa ako d'yan. Huwag naman sanang ibagsak sa akin ang sisi kung nagkakaroon ng mga ganyang [isyu] dahil, unang-una, wala naman akong ginagawa sa kanya. I'm just doing my job. Alam mo yung trabaho ko na ibinigay sa akin sa Banana Split, magbigay ng saya. Hindi mag-drama [at] mag-tantrum," saad ni Pokwang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Iisa lang ba ang dressing room nila?

"Hindi. Yung dressing room namin sa Wowowee, yun na ang dressing room namin for life. 'Saka, mare [Ogie Diaz], dumadalaw ka sa set, alam mo naman kung gaano kasaya, di ba?"

Gusto ba ni Cristine ay tahimik lang? Baka maingay sila?

"Siguro naman, hindi naman yung ingay na nakakairita. 'Saka papa'no niya naman maririnig dahil nakahiwalay naman siya ng dressing room?" paliwanag ni Pokwang.

Sa set ba ay nagkakaroon din sila ng problema? Nagkakairitahan ba sila?

"Sa set, ginagawa lang namin yung mga dapat gawin. Siyempre, komedyante ka, kung ibinibigay sa 'yo yung nakakatawa, kailangan mo talaga na mataas na yung energy mo, di ba? Na galing ka do'n sa masaya. Papa'no ka magbibigay ng magandang punchline kung galing ka sa kalungkutan?" aniya.

"ALAM NAMIN ANG KATOTOHANAN." Paano niya babasahin ang ugali ni Cristine?

"Siguro, wala na akong panahon pa na basahin ang ugali ng bawat tao dahil sa dami naman ng trabaho. Kaya wala naman akong panahon na anuhin nang anuhin pa ang mga ganyang problema nila. May problema din ako."

Ikaw raw ay isa sa dahilan kung bakit gusto nang bumalik ni Cristine sa GMA-7?

"Huwag na lang tayong magdamay ng ibang tao sa mga problema natin," sabi ni Pokwang. "Tulad ng sinabi ko, ipagdasal na lang natin kung ano yung mga problema natin. Ingiti natin 'yan. Itawa nang itawa natin, yayaman pa tayong lalo."

Ano ang mensaheng maibibigay niya kay Cristine?

"Ang masasabi ko lang, lahat tayo tatanda, di ba? Pero sa mga komedyanteng katulad ko, kahit tumatanda tayo, hindi tayo mawawalan ng raket. Ito ang sikreto sa trabaho natin, e. Pag may ibinigay sa ating trabaho, mahalin natin. Hindi lahat nabibigyan ng chance. Anytime... bukas, may mga sisibol na maganda, mas fresh, mas nakakatawa, mas seksi, mas flawless... So, di ba, dapat pag binigyan tayo ng chance na ganito, grab it! Trabahuhin mo nang trabahuhin. Mag-ipon ng kaibigan from utility hanggang sa pinakamalalaking tao, mahalin mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pakikisama is the best. Yun ang keyword do'n. Makisama ka," diin ni Pokwang.

May nagsasabing hindi kawalan si Cristine sa Banana Split. Ano ang masasabi niya rito?

"Alam mo, nanghihinayang din ako dahil bagay na bagay sa kanya yung role na binigay sa kanya sa F4. Talagang nabigyan niya ng justice 'yon. In fairness talaga, bagay na bagay sa kanya yung role na 'yon. Kaya lang siguro, yun na nga, baka hindi na siya masaya. Hayaan nating hanapin yung kanyang happiness."

Hindi ba siya apektado kahit konti?

"Slight," pag-amin ng komedyana. "Pero okay lang 'yon. Lahat naman tayo do'n ang punta, di ba? Basta ang importante, masaya kami at kumikita kami ng pera!" masayang pahabol niya.

May mga nagsasabing hindi raw totoo na inalok niya ng pagkain si Cristine na pinagsaluhan nila ng iba pang cast member ng gag show. Pinagkaisahan pa raw nila itong huwag pansinin at iniinis pa.

"Hayaan na lang natin. Ang importante, alam namin ang katotohanan," pagtatapos ni Pokwang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN