StarStruck alumnus Kiko Juinio reinvents himself after beating drug habit

"Nagbago ako, naayos ko ang sarili ko. Nalaman ko na mali pala yung ginagawa ko. Nagpunta ako ulit sa GMA. Nag-ask ako ulit ng one more chance. Kung puwede nila akong bigyan ng another chance na ipakita na nagbago na ako," says StarStruck alumnus Kiko Juinio.


Bago pa man magtanong ang ilan kung sino itong si Kiko Junio, siya ang ka-batchmate nina Aljur Abrenica, Kris Bernal, at iba pa sa Batch 4 ng artista search ng GMA-7 na StarStruck. He made it sa top 20, pero siya ang isa sa mga unang na-eliminate.

May attitude problem noon si Kiko, at aware siyang ito ang dahilan kung bakit nawindang ang kanyang nag-uumpisang career.

"Na-realize ko na lang na unti-unting nawawala ang showbiz life sa akin," sabi niya. "Wala akong ibang pupuntahan, e, ako ang breadwinner sa pamilya namin. Kailangang kumilos ako para tulungan ko sila, pero ano ang mangyayari nga sa akin kung wala nang nagtitiwala para bigyan ako ng trabaho?"

Humarap sa PEP (Philippine Entertainment Portal) si Kiko para sa panayam na ito kamakailan sa McDonald's, Timog Avenue, at doon ay napansin namin ang malaking kaibahan. Ang dating chubby na bagets ay nag-lose ng weight, mukhang tumangkad, naging malinis ang mukha at maayos ang buhok, pati ang pananamit.

"Dati kasi, hindi ko sineseryoso ang career ko," sabi niya. "Para akong naglalaro at hindi ko alam kung ano ang gusto ko. Ngayon ko ipakikita kung gaano ako kaseryoso para gawin ang nararapat para sa career ko. Ipapakita ko sa mga taong magtitiwala sa akin na importante sa akin ang mga gagawin ko."

THE DARK TIMES. Maraming tsismis na lumabas sa pananahimik ni Kiko noon. Hindi nga kasi siya nakikita sa sirkulasyon. Kesyo nalulong na siya sa droga, nagko-call boy na, at kung anu-ano pang negatibong balita.

Sa exclusive interview ng Showbiz Central kay Kiko noong May 31, umamin si Kiko na gumamit siya ng droga noon, partikular na ang Ecstasy.

"Na-try ko, nakagamit ako," sabi niya. "Sa mga nakakasama ko rin siguro, sa mga friends... Five months to six months siguro straight. Akala ko, puro ganun lang, wala nang katapusan yung ganun. Feeling ko, wala naman akong ginagawang masama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi umaabot sa point na hindi ako uma-attend ng taping. Nag-commit ako sa kanila ng isang trabaho, and then hindi ko gagawin. So, yun yung time na sarili ko sobrang masasabi kong nasa drug stage pa ako nun. Kasi, hindi mo rin kilala yung sarili mo, parang hindi mo kilala lahat ng tao, yung tumutulong, wala kang pakilaam. Yung trabaho mo napapabayaan mo, ganun.

"And then, dumating yung point na nagagalit na sa akin yung mom ko. Hindi na ako kinakausap, wala na akong trabaho," lahad ni Kiko.

Pero itinanggi naman ni Kiko na pumatol siya sa gay benefactors para ma-finance lang ang kanyang paggamit ng droga.

"Marami, siyempre, maraming offers, maraming nanliligaw... Never akong nakipag-relationship sa 'third sex,'" deklara niya.

Isang araw ay na-realize din ni Kiko na walang kapupuntahan ang kanyang paggamit ng drugs.

"Kasi, dumating din ako sa point na tumingin din ako sa salamin, kinausap ko yung sarili ko na parang ganito na lang ba ako forever? Siyempre, hindi. Walang matutuwa sa akin, walang magkakagusto sa akin, walang taong magtitiwala sa akin kung ganun ako."

A NEW MAN. Ngayon, handa na raw siya for another shot in showbiz.

"Nagbago ako, naayos ko ang sarili ko," sabi ni Kiko. "Nalaman ko na mali pala yung ginagawa ko. Nagpunta ako ulit sa GMA. Nag-ask ako ulit ng one more chance. Kung puwede nila akong bigyan ng another chance na ipakita na nagbago na ako."

Natapos na niya ang Dapat Ka Bang Mahalin? sa GMA-7 at naghihintay lang siya ng panibagong assignment.

"Tinutulungan ako ni Tito Manny [Vallester] sa mga raket-raket, out- of-town shows sa probinsya," banggit ni Kiko sa PEP.

STARSTRUCK STRICKEN BY CONTROVERSIES. Nasasangkot ang ilang personalidad mula sa StarStruck sa mga eskandalo.Una na riyan si Katrina Halili kaugnay ng Dr. Hayden Kho sex video files. Sumunod ang acts of lasciviousness case na isinampa ni Yasmien Kurdi laban sa aktor na si Baron Geisler; at sa isang kahalintulad din daw na kaso, nasangkot naman si Aljur Abrenica na may nag-file din daw na isang 15-year-old na dalagita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masasabi ko lang doon, hindi na rin sila bata para hindi malaman kung ano ang tama at mali," sabi ni Kiko. "Gawin na lang nila kung ano ang sa tingin nila, tamang hakbang sa mga situwasyong nasasangkutan nila.

"Nariyan na 'yan. Harapin na lang nila. Kung ano ang makapagpapabuti sa career nila at sa buhay nila, gawin na nila. Umiwas na lang din sila sa mga intriga. Mas maganda kung isipin na lang nila kung paano maaayos ang trabaho nila."

Aware si Kiko na he's not better than anyone at mas marami ngang palpak sa kanya, kaya nga ginagawa niya ang lahat ng paraan para mapabuti ngayon ang landas na tinatahak niya.

"Instead of making issues, trabaho na lang. Kaya sa akin, kung anuman ang sinasabi nila, dinededma ko na lang," sabi niya.

Hindi kaya natatakot si Kiko na isang araw, may lumabas ding sex video na involved siya?

"Hindi naman ako natatakot kasi alam kong maganda na ang ginagawa ko," sagot niya. "Maayos lang akong nakikipagtrabaho. Yung ginagawa ko ngayon, tinitiyak kong nasa tama lahat."

Ilang buwan din siyang natengga at naroroon lang daw siya sa hometown nila sa Pampanga, sa Clark.

"Yung family ko ang sumuporta talaga sa akin. Doon ko na-realize na kailangang magpakatino ako para sa kanila. Ayoko nang ma-disappoint pa sila."

May mensahe ring gustong iparating si Kiko sa ibang mga kabataan na naliligaw ng landas.

"Huwag na nilang gawin kung alam nila hindi tama. Kung walang magagawang mabuti yung isang bagay, huwag na nilang gawin. So, siguro mag-focus na lang sila sa trabaho nila, mag-concentrate sa career nila. Ako kasi, nadanasan ko na kasi yung as in wala. Umabot ako sa point na walang-wala ako, yung mom ko, hindi ako matulungan. Na kahit may gusto kang bilhin, hindi mabili kasi super wala. Sana huwag na nilang hintayin na dumating pa sa kanila yung ganun," pagtatapos ni Kiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN