Angel Locsin says she did not mean to offend Vilmanians by praising the Superstar

"Sa akin lang, mayroon tayong Superstar [Nora Aunor], mayroon tayong Megastar [Sharon Cuneta], mayroon tayong Diamond Star [Maricel Soriano], at mayroon tayong Star For All Seasons [Vilma Santos]. Para sa akin, bilang baguhang artista, kailangan ko talagang magbigay ng respeto at tribute dahil sila ang nagsimula ng drama talaga sa atin. Sila talaga yung pinaka-peg natin," says Angel Locsin.


Sa nakaraang launching ng libro ng scriptwriter na si Ricky Lee, Si Tatang at mga Himala ng Ating Panahon, umagaw ng atensiyon ang pagbabasa ni Angel Locsin ng ilang linya ni Nora Aunor bilang Elsa mula sa pelikulang Himala (1982). Positibo ang naging feedback ng pagbabasa ni Angel, kung saan maging si Ricky ay kumbinsido na bagay sa aktres ang gumanap bilang Elsa kung ire-remake ang nasabing pelikula.

Pero naging mapakla naman sa panlasa ng ilang Vilmanians ang nabitawang salita ni Angel na ang Superstar daw para sa kanya ang "pinakadakila" sa lahat ng mga artista sa industriya. Hindi naging maganda sa pandinig ng mga masusugid na tagahanga ni Gov. Vilma Santos dahil bukas na aklat naman ang relasyon nina Angel at Luis Manzano, na anak ng Star For All Seasons.

NORA VS. VILMA. Binisita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang taping ng pinagbibidahang soap ni Angel sa ABS-CBN, ang Only You, kagabi, June 8. Kinuha namin ang komento ng aktres sa negatibong reaksiyon ng ilang Vilmanians dahil sa mga papuring pinatungkol niya sa Superstar.

"Pasensiya na po, ayoko po na may ma-offend or ma-hurt ako lalo na pagdating kay Tita [Vilma]," simula ni Angel. "Bago ko ginawa yun [pagbabasa], kinausap ko si Luis talaga. Alam naman nilang nasa puso ko si Tita.

"Sa akin lang, mayroon tayong Superstar, mayroon tayong Megastar [Sharon Cuneta], mayroon tayong Diamond Star [Maricel Soriano], at mayroon tayong Star For All Seasons. Para sa akin, bilang baguhang artista, kailangan ko talagang magbigay ng respeto at tribute dahil sila ang nagsimula ng drama talaga sa atin. Sila talaga yung pinaka-peg natin.

"Nag-good evening ako sa kanila. Sinabi ko na, 'Gagawin ko kung anuman ang makakaya ko ngayong gabi para magbigay ng tribute sa nag-iisang Superstar, si Ms. Nora Aunor. Pero alam kong hindi ko ito mapapantayan.' Yun ang mga sinabi ko," lahad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HIMALA REMAKE. Handa ba siyang gawin ang remake ng Himala kung sakali ngang i-offer ito sa kanya?

"Wala pang nagsasabi sa akin," sabi ni Angel. "Ang ginawa ko lang ay yung reading ni Mr. Ricky Lee. Sumuporta ako sa isang henyong manunulat, nagbigay-tribute ako sa nag-iisang Superstar natin. Ako, para sa akin, walang makakapantay, walang makakatulad sa kanya [Nora]. Siguro, siya lang talaga yung una at huli dahil wala nang makakagawa ng ginawa niya.

"Yung masabi lang na 'bagay sa iyo yung role' ay flattering na. Pero iba pa rin ang original. Mahirap yung pantayan o tapatan."

LUIS MANZANO. Speaking of Luis, masayang ikinuwento ni Angel sa PEP na maayos naman daw ang itinatakbo ng relasyon nilang dalawa. Nagbiro pa nga ang aktres na busy ngayon si Luis kay John Lloyd dahil sa pelikulang ginagawa nila under Star Cinema, kasama si Ate Vi.

"Sobrang nakakatuwa kasi in character sila pag nagkukuwento sa akin. Pumunta pa nga sila sa gay area in New York, ang lalakas ng loob nila! Nakita ko na rin yung photos nila together na kinunan in New York," kuwento ni Angel.

ONLY YOU. Nagpahayag naman ng pasasalamat si Angel sa mga taong patuloy na sumusuporta sa Only You, na pinagbibidahan nila nina Sam Milby at Diether Ocampo.

"Siyempre, sobra kaming nagpapasalamat. Nahirapan kami nung una kasi ang gusto ni Direk Rory [Quintos] yung bagong atake talaga. Kami kasi nila Diet and Sam, nasanay kami sa drama. Nanggaling kami sa drama, so nahirapan kami sa umpisa.

"Ang ginawa namin, ibinigay namin ang buong sarili namin para makapag-perform kami ng ganito. Umiiyak ka, pero hindi masyadong madrama. Happy ako na naa-appreciate ng mga tao yung effort namin para sa show," saad ni Angel.

Marami ang nagsasabi na bagay sina Angel at Sam at mayroon silang chemistry bilang magkapareha. Hindi kaya ito pinagseselosan ni Luis, lalo't naging vocal naman si Sam na "ultimate crush" niya before si Angel?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala pa namang nakaabot sa akin na ganun," sabi ng aktres. "In fairness kay Luis, napakalawak niyang tao, hindi siya seloso, napakatalino niya. At siguro, yun ang sikreto kung bakit masaya at maayos ang aming relasyon.

"Kung puwede ba kami ni Sam? Ayokong isipin yun kasi okey yung bonding namin as friends. 'Saka pangit naman na mayroon akong boyfriend, pero nag-iisip ako ng ganun. Masaya ako sa buhay ko at happy na ako na ako ang naging leading lady niya sa Only You."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN