Baguio City lifts persona non grata order on comedienne Candy Pangilinan

"Kumbaga, in-educate nila ako, at the same time, napagsabihan nila ako. Pero ang pinakamaganda sa lahat ay nakita po nila ang sinseridad at pinatawad nila ako. Binaba nila ang persona non grata at lahat po ng kasong isinampa nila. Doon ko nalaman na may mga kaso pa pala akong dapat harapin," says Candy Pangilinan.


Tinanggal na ang hatol na persona non grata (Latin term meaning "person who is not welcome") kay Candy Pangilinan sa Baguio City at iniatras na rin ang ilang kaso sa kanya. Ito ang masayang ibinalita ng komedyana kanina, June 9, sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ.

Matatandaang hindi nagustuhan ang joke ni Candy sa isa nitong show sa Baguio, kung saan ang di-sinasadyang nahagip ay ang mga kababayan nating Igorot. (Click here to read related article.)

Ano ang ginawa niyang paraan para makipag-ayos sa mga taga-Baguio?

"Nasa plano ko naman po talagang pumunta sa Baguio at harapin ito para malaman po naman nila yung side ko. At the same time, gumawa na rin ako ng letter of apology to the whole local government ng ating mga kapatid sa Cordillera. Pumunta na nga po ako do'n at humarap na ako sa Council," umpisang kuwento ni Candy.

Totoo bang pinangaralan siya tungkol sa kultura ng mga Igorot?

"Kumbaga, in-educate nila ako, at the same time, napagsabihan nila ako. Pero ang pinakamaganda sa lahat ay nakita po nila ang sinseridad at pinatawad nila ako. Binaba nila ang persona non grata at lahat po ng kasong isinampa nila. Doon ko nalaman na may mga kaso pa pala akong dapat harapin."

Naibalita rin ni Candy na bilang "penalty," isinama siya sa committee para sa Centennial celebration ng Baguio. Aniya, "As a matter of fact, I will be a part of the Centennial body sa celebration ng 100 years ng Baguio starting this September.

Ano naman yung sinasabing ritwal na kailangan niyang pagdaanan?

"Ang sabi nga nila, the ritual itself is the mere fact na pumunta po ako doon. And to face them is spiritual. All the cleansing ritual daw nila, iparinig ko raw sa mga anito. It will be done also at the end of the year."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Considered na rin daw na ritual ang pagiging advocate ni Candy sa pag-educate sa mga tao about the culture and people of Cordillera.

"Nagpapasalamat na lang ako na may maganda pong kinalabasan ito," dagdag pa ng komedyana.

Anong leksyon ang natutunan niya sa sitwasyong ito?

"Marami. Less talk, less misquotes," pabiro niyang sagot.

Makakaapekto ba ito sa pagiging stand-up comedian niya?

"Hindi naman po. Sa pagkaka-explain ko naman sa kanila, I think ang nangyari, it was taken out of context. But nevertheless din, nakasakit po ako ng tao kaya humihingi po ako ng paumanhin. Nagkaintidihan naman po kami.

"But then, ang pinakamagandang lesson kong natutunan dito is that in humility there is power. Do'n po nakikita ang sinseridad ng isang tao."

Patuloy ni Candy, "Nagulat din po ako sa turn of events. Nung una kasi, takot na takot ako sa kanila. But eventually, naging kasamahan ko na sila sa bandang huli."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN