Nadine Samonte admits she is still not friends with "Suspetsa" co-star Yasmien Kurdi

"Hindi naman kasi talaga kami close ni Yasmien. Ayong makipagplastikan. Kung magiging close kami, mangyayari yun. Basta kami, okey kaming magkatrabaho. Sana, wala nang intrigahan na kesyo nagpapatalbugan kami. Walang ganoon. Basta, work na lang kami," says Nadine Samonte about co-StarStruck graduate and co-star Yasmien Kurdi.


Lumalakas ang SRO Cinemaserye Presents Suspetsa, kung saan pinagsama-sama ang mga kontrobersiyal na young stars at StarStruck Batch 1 graduates na sina Nadine Samonte, Yasmien Kurdi, at Jennylyn Mercado.

Patuloy pa rin daw nag-iisnaban sina Yasmien at Nadine sa set. Pero hindi na lang iniintindi ni Nadine ang mga pang-iintriga sa kanila.

"Hindi naman kasi talaga kami close ni Yasmien," sabi ni Nadine sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Ayong makipagplastikan. Kung magiging close kami, mangyayari yun. Basta kami, okey kaming magkatrabaho. Sana, wala nang intrigahan na kesyo nagpapatalbugan kami. Walang ganoon. Basta, work na lang kami."

Best of friends pa naman ang roles nilang tatlo sa nabanggit na serye ng GMA-7.

"Hindi talaga kami nagkaroon ng chance ni Yas na maging close. I just don't know why. Si Jen, kahit paano, naging close kami dahil sa Super Twins. Nagsasabi ako sa kanya ng sikreto.

"Ang kaibahan namin ni Yas, hindi kami ganoon. Pero hindi kami nag-aaway. Hindi ko kasi nakasama nang matagal si Yas. Yun ang totoo roon. Sana, wala nang negative reaction!" natatawang sabi ni Nadine.

Mula pa raw sa StarStruck days nila, hindi sila nagkikibuan. Marami na silang pinagsamahan sa GMA-7, pero parang walang effect.

"Huwag na lang mag-react, hayaan n'yo na lang kami," sabi ni Nadine.

YASMIEN'S FIGHT. Wala ring masasabi si Nadine sa kasong inihabla ni Yas sa co-star nilang si Baron Geisler kaugnay ng isang insidenteng humantong diumano sa acts of lasciviousness.

"Ay, wala akong alam diyan! Ang sa akin lang, bilang babae, kung ano ang nararapat, yun ang gawin ni Yas. But I'm not in the position to make a comment, kasi wala naman akong alam, at wala akong kinalaman. Aware lang ako na may nangyaring ganoon daw sa set," aniya.

Hindi naman daw sa deadma siya, pero kung may magtatangka rin daw sa kanya ng ganoon, lalaban din siya. Hindi rin niya alam kung ano ang puwede niyang gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero, hindi ko kasi alam ang puno't dulo. Sa akin kasi, my mom is always with me. Lagi siyang kasama sa taping kaya bago pa may mangyaring ganoon, nanay ko na ang sasangga at magtatanggol para sa akin. Basta, para sa akin, kung ano ang mali, dapat ituwid."

NO BILLING PROBLEM. In fairness sa panig ni Nadine, never ding naging problema kung mas pinaboran sa billing si Yas.

"Yun din ang dapat, kasi sa StarStruck, sila ni Jen ang major finalists kumbaga. Doon na lang natin i-base yun. Walang problema sa akin. Kung ano ang para sa akin, tinatanggap ko. At bahala na lang sila kung saan nila ilagay ang pangalan ko.

"Basta sa istorya, okey naman. Pantay-pantay kaming tatlo. Walang lamangan doon. Iba-iba kami ng characters," paliwanag ni Nadine.

Sa kauna-unahang StarStruck, si Jennylyn ang itinanghal na Ultimate Female Survivor, First Princess si Yasmien, at pumangatlo naman si Nadine.

STRIKE WHILE THE IRON IS HOT. Ito ang karaniwang motto ng maraming young stars sa kasalukuyan. Isa na si Nadine sa naniniwala rito. Habang bata pa siya't malakas ang raket, hataw lang siya nang hataw.

Gaya na lamang ng pagpasok niya sa franchising business. Kapalit ng talent fee niya para sa Fragrances of the Stars bilang isa sa mga endorsers, pinapasok na rin nga ni Nadine ang pag-i-invest mula sa kanyang kinikita.

"Mas maganda kasi yun kesa sa pera ang kapalit, mas okey na yung negosyo," sabi ng young actress. "Ang gusto ko lang, habang kumakayod ako't malakas pa ang kita, steady lang yung kita, at mas magagawa yun through a business.

"Hindi ko pa alam kung saang branch ng Fragrances of the Stars ang ipupuwesto para sa akin. I'm trusting Absy [Dacer, owner of the franchise] as to his plans. Kasi, malaki rin naman ang tiwala niya sa akin na makakatulong ako para maengganyo pa ang maraming mamimili ng produkto."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Katatapos lang daw na mabayaran ni Nadine ang hinuhulugan niyang condominium unit sa may Ortigas kaya mas nakaluluwag na para mag-ipon na naman siya para sa ibang investments.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN