Model-actor Lauren Novero plays an "executioner" in Kinatay

Kinatay" data-url="https://www.pep.ph/news/22071/model-actor-lauren-novero-plays-an-executioner-in-kinatay" data-desc="Lauren describes the brutal rape scene in the movie." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/1a80c05c2.jpg"> Kinatay" data-url="https://www.pep.ph/news/22071/model-actor-lauren-novero-plays-an-executioner-in-kinatay" data-desc="Lauren describes the brutal rape scene in the movie." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/1a80c05c2.jpg"> Kinatay" data-url="https://www.pep.ph/news/22071/model-actor-lauren-novero-plays-an-executioner-in-kinatay" data-desc="Lauren describes the brutal rape scene in the movie." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/1a80c05c2.jpg">

Kinatay" data-url="https://www.pep.ph/news/22071/model-actor-lauren-novero-plays-an-executioner-in-kinatay" data-desc="Lauren describes the brutal rape scene in the movie." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/1a80c05c2.jpg"> Kinatay" data-url="https://www.pep.ph/news/22071/model-actor-lauren-novero-plays-an-executioner-in-kinatay" data-desc="Lauren describes the brutal rape scene in the movie." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/1a80c05c2.jpg"> Kinatay" data-url="https://www.pep.ph/news/22071/model-actor-lauren-novero-plays-an-executioner-in-kinatay" data-desc="Lauren describes the brutal rape scene in the movie." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/1a80c05c2.jpg"> Kinatay" data-url="https://www.pep.ph/news/22071/model-actor-lauren-novero-plays-an-executioner-in-kinatay" data-desc="Lauren describes the brutal rape scene in the movie." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/1a80c05c2.jpg">

"Actually, ako yung kumatay, yung nag-execute at nag-chop-chop [ng prostitute character na si Madonna, played by Maria Isabel Lopez], tapos hati-hati na kami; inumpisahan ko, sila na yung tumapos," says Lauren Novero about his role in Kinatay.


Mabilis nang nakikilala sa markadong character roles ang model turned actor na si Lauren Novero. Sa indie movies siya nagsimula, tulad ng Mga Pusang Gala ni Direk Ellen Ongkeko-Marfil, Twilight Dancers ni Mel Chionglo, at Kaleldo ni Brillante Mendoza.

Sa telebisyon, matatandaan ang pagganap niya sa katatapos na seryeng Pieta ng ABS-CBN. May kasunod na offer ang Dos kay Lauren na isang importanteng papel sa bagong teleseryeng Dahil May Isang Ikaw.

Kamakailan ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Lauren at nabanggit naman niya ang tungkol sa mahalaga niyang partisipasyon sa pelikulang Kinatay (The Execution Of P) ni Brillante Mendoza, ang nagwaging Best Director sa Cannes International Film Festival 2009.

"Actually, ako yung kumatay, yung nag-execute at nag-chop-chop [ng prostitute character na Madonna, played by Maria Isabel Lopez], tapos hati-hati na kami; inumpisahan ko, sila na yung tumapos," ani Lauren, kasama ang mga aktor na sina John Regala at Julio Diaz (bilang executioners) at Coco Martin (sa role ng bagong graduate ng police academy).

Nabigla raw si Lauren nang malaman niya ang kanyang role.

"Naguluhan ako nung una, hindi ko alam na ganun, hired killer, hitman ako. Hindi muna sinabi sa akin yung role ko dun," pagtatapat ng aktor.

Typical sa mga crime stories, na may big boss ng sindikato, at mga tauhan nito ang grupo nina John (bilang si "Sarge"; dating pulis o ex-military), Julio, Lauren, at Benjie Filomeno (pinakamatandang miyembro ng gang).

"Kami yung nagtatrabaho pag meron siyang gustong ipapatay...mga drug dealer. Pag nagkaroon siya ng problema, 'O, puntahan n'yo si [ganito], kayo na bahala.' Tapos, makakakuha kami ng bayad."

Kakaiba ang papel at kinailangang pag-atake sa role.

"Wala akong mga lines dito," sabi ni Lauren. "Tingin lang, ganun kasimple yung ginawa ko, pero mahirap din."

Nangiti pa siya dahil may biglang naglaro sa isip.

"Hindi na... 'Si Lauren, kailangan sexy yung makikita natin,' although umaarte. Hindi gano'n. This time, matatakot sa akin ang viewers."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nabanggit din niya na may kapansin-pansing katangiang pisikal ang character niya.

"Nilagyan ako ng tattoo sa likod, buong likod, hanggang puwet," nangiti uli si Lauren.

Biro nga mismo sa kanya ni Direk Brillante, "Pinagpiyestahan ang puwet mo sa Cannes!" na ikinatawa rin ng morenong aktor.

DIFFERENT VIEWING EXPERIENCE. Para kay Lauren, isang kakaibang viewing experience ang Kinatay, in the same way na kakaibang karanasan ang naging pagtatrabaho niya para sa nasabing papel.

"May maselang eksena na hindi mo naman maku-consider na sexy," sabi niya. Tulad daw ng gang-rape scene ni Maribel Lopez. "Tingin ko, habang pinapanood mo 'yon, wala kang mapi-feel na sensation, matatakot ka, maaawa ka. Yung hitsura niya bago siya ma-rape, nakakaawa—bugbog, namamaga ang mukha, puro pasa.

"Hindi siya yung tipikal na rape scene," banggit pa ni Lauren. On his part, "Nang-rape ka, na parang hindi ka tao, parang baboy, walang libog, hindi mo trinato as person yung tao."

Ibig lang sabihin ni Lauren, ganun katindi ang "inhumanity" na makikita sa nasabing eksenang rape.

"Yun ang gusto ni Direk na mangyari, na matakot ang tao dahil totoo ito at hindi ito yung ginagawa lang sa mga pelikula, na wala lang, gawa-gawa lang. Kasi nangyayari at ilang beses nang nangyari. Yun ang gusto niya."

Sa pananalo sa Cannes '09 bilang Best Director ni Brillante Mendoza ay ipinaaabot ni Lauren ang pagbati niya, pati na rin ang kanyang mensahe: "Hindi kasi niya ako isinama sa [mga] Cannes Filmfest. Sana, sa susunod, kung meron man uli."

Bilang kaibigang direktor, nakaganap si Lauren sa dalawang pelikula ni Brillante (Kaleldo at Kinatay), at sa isa pa (Twilight Dancers ni Mel Chionglo) na si Brillante, o Dante Mendoza, ang producer.

Wala siyang tampo, pero nais ipabatid ni Lauren na gusto rin niyang makasama sa entourage ni Direk Brillante, kung sakali't mapili uli ang pelikula nito sa Cannes o iba pang international filmfests.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEW TELESERYE. Excited din si Lauren sa tuluy-tuloy na pagtatrabaho sa telebisyon, via the new teleserye Dahil May Isang Ikaw for ABS-CBN.

"Tinawagan uli ako sa ABS, may bagong soap kami," banggit niya. Mga bida sa teleserye sina Jericho Rosales at Kristine Hermosa, John Estrada, Gabby Concepcion, at Lorna Tolentino.

Sa katatapos na afternoon action-drama na Pieta, markadong kontrabida ang role ni Lauren, tipong prelude sa ginawa niya sa Kinatay.

Ang image niya, tila from bad to worse...

"Naku, napakalayo! Siguro, rapist lang talaga... Biro lang!" natawa uli si Lauren.

Sa Dahil May Isang Ikaw, hindi niya ini-specify kung goon siya uli o anuman, basta mahalaga raw ang character niya. At mahalaga ito sa tulad ni Lauren.

"Nasa flashback ako, mahaba-haba rin [ang role]. Kaya lang, on-and-off, mawawala ako," banggit niya.

Sa front story, meron din siyang participation, hanggang matapos ang serye.

"Malaki yung role... Ako yung susi sa mga sikretong mari-reveal. Hindi ko alam yung eksaktong istorya, pero ganun yung sinabi nila, ako raw ang magri-reveal 'dahil ikaw ang nakakaalam.'"

Parang si Lauren pa ang "bida," base sa title na Dahil May Isang Ikaw (na susi ng kuwento)?

"Okey, maganda," sabi niya, sa tonong nagbibiro. "Actually, sana, hindi naman ano... Tingin ko naman, hindi ako papatay, patatandain [lang] ako dito."

Conscious na rin si Lauren sa image niya. Baka raw ma-typecast na siyang bad boy. Pero kung hindi man goon o boy-next-door type, basta character roles, okey lang ngayon sa nagpapakaseryosong aktor.

Kinatay" data-url="https://www.pep.ph/news/22071/model-actor-lauren-novero-plays-an-executioner-in-kinatay" data-desc="Lauren describes the brutal rape scene in the movie." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/1a80c05c2.jpg"> Kinatay" data-url="https://www.pep.ph/news/22071/model-actor-lauren-novero-plays-an-executioner-in-kinatay" data-desc="Lauren describes the brutal rape scene in the movie." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/1a80c05c2.jpg"> Kinatay" data-url="https://www.pep.ph/news/22071/model-actor-lauren-novero-plays-an-executioner-in-kinatay" data-desc="Lauren describes the brutal rape scene in the movie." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/1a80c05c2.jpg">


Kinatay" data-url="https://www.pep.ph/news/22071/model-actor-lauren-novero-plays-an-executioner-in-kinatay" data-desc="Lauren describes the brutal rape scene in the movie." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/1a80c05c2.jpg"> Kinatay" data-url="https://www.pep.ph/news/22071/model-actor-lauren-novero-plays-an-executioner-in-kinatay" data-desc="Lauren describes the brutal rape scene in the movie." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/1a80c05c2.jpg"> Kinatay" data-url="https://www.pep.ph/news/22071/model-actor-lauren-novero-plays-an-executioner-in-kinatay" data-desc="Lauren describes the brutal rape scene in the movie." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/1a80c05c2.jpg"> Kinatay" data-url="https://www.pep.ph/news/22071/model-actor-lauren-novero-plays-an-executioner-in-kinatay" data-desc="Lauren describes the brutal rape scene in the movie." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/1a80c05c2.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN