Tintin Bersola-Babao is preggy with second baby after waiting four years

"We really prayed for this second baby. Kasi nga, four years old na si Anya at akala ko nga, aabot na ako sa edad na 40 at hindi na masusundan si Anya. Pero hindi naman kami nawalan ng pag-asa ni Julius. Alam namin that God will bless us with a second baby kapag handa na kami talaga. And siguro nga, it's the right time that we have this baby," says Tintin Bersola-Babao.


Masayang ibinalita ni Tintin Bersola-Babao sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na buntis siya ulit. Sa huling visit daw niya sa kanyang doctor ay kumpirmadong six weeks pregnant na siya.

Kung masaya ang mag-asawang Tintin at Julius Babao para sa second baby nila, pinakamasaya raw ang panganay nilang si Antonia at excited na itong matawag na "Ate Anya."

Kuwento ni Tintin, "Isinama ko siya sa check-up ko. Tuwang-tuwa siya noong makita niya sa monitor ang gestational sac. In-explain ko sa kanya na diyan manggagaling ang magiging kapatid niya. Tawa siya nang tawa kasi matagal na niyang gustong magkaroon ng kapatid. Happy siya kasi magkakaroon na siya ng playmate at matatawag na siyang 'Ate Anya.'"

Four years ngang hinintay ng mag-asawang Tintin at Julius ang pagdating ng second baby na ito kaya malaki ang pasasalamat nila sa Diyos.

"We really prayed for this second baby," sabi ng TV personality. "Kasi nga, four years old na si Anya at akala ko nga, aabot na ako sa edad na 40 at hindi na masusundan si Anya. Pero hindi naman kami nawalan ng pag-asa ni Julius. Alam namin that God will bless us with a second baby kapag handa na kami talaga. And siguro nga, it's the right time that we have this baby."

UNEXPECTED TIMING. Natatawa si Tintin dahil kung kailan naman daw siya pumayat at naging endorser ng Belo Medical Group para sa SmartLipo, doon pa siya nabuntis. Kaya goodbye na raw ulit sa pagiging sexy.

"Kung kelan nga ako nagkaroon ng billboard and print ads for my new slim body because of SmartLipo, doon ako biglang nabuntis. May nagsabi nga sa akin na kapag pumayat ako, doon ako mabubuntis. Yun na nga ang nangyari!" tawa niya.

Dagdag ni Tintin, "Pero no regrets kung tumaba ulit ako. It's such a blessing for me, my husband, and Anya to have a new member in our family. I can always be sexy again. Pero ang baby na ito, pagkakaingatan namin dahil we waited for this moment to arrive for such a long time."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon ay hindi pa nakakaranas ng anumang paglilihi si Tintin. Unlike noong magbuntis siya kay Anya na marami siyang gustong kainin.

"Hindi pa naman nagki-kick in ang paglilihi. Siguro in a few more weeks pa. Wala pa naman akong kine-crave. Normal pa rin ang pagkain at pagtulog ko," kuwento niya.

Masyado pa raw maaga kung ano ang magiging gender ng bagong baby nila. But it doesn't matter daw kung boy or girl. Ang importante ay normal at healthy ang baby.

"May girl na kami ni Julius at gusto niya sana ay boy naman. Pero hindi kami magde-decide niyan, e. Only God can do that for us. If we deserve a boy, then lalaki ang magiging baby namin. Kung girl pa rin ang ibigay sa amin, okey lang din. This baby will have the same amount of love na Ibinigay namin kay Anya."

Ang due date ni Tintin ay sa February 2010. Pakiramdam ni Tintin, baka magkalapit pa ang birthday ni Anya at ng bagong baby niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN