Marco Alcaraz is now friends with ex-girlfriend Isabel Oli and her ex-boyfriend Paolo Contis

"Especially, sa umpisa, fresh pa ang hiwalayan sa amin ni Isabel [Oli], hindi kami nagkikibuan. Noong sila na ni Paolo [Contis], nakakailang, pero may times noon na nag-uusap kami ni Paolo. Pero never naming napag-usapan si Isabel," says Marco Alcaraz.


Si Isabel Oli lang daw ang tanging nakarelasyong taga-showbiz ni Marco Alcaraz. Sa anumang personal na kadahilanan, nag-split sila at dinamdam ni Marco yun.

Lahad niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal), "May times talaga na hindi ko siya kinakausap kahit nagkikita kami. Lalo na noong naging sila ni Paolo [Contis]. Understandable naman yun. Maski kami ni Paolo, parang naiilang sa isa't isa. Hindi kami nagkikibuan noon. Especially, sa umpisa, fresh pa ang hiwalayan sa amin ni Isabel, hindi kami nagkikibuan. Noong sila na ni Paolo, nakakailang, pero may times noon na nag-uusap kami ni Paolo. Pero never naming napag-usapan si Isabel."

Pero nang maghiwalay sina Paolo at Isabel, automatically ay parang naging kampante na raw sina Marco at Paolo sa isa't isa.

"Parang kasama yun doon sa respetuhan, na maging civil na lang noong una," sabi ni Marco. "Pero ang nakakatuwa doon, naging parang shoulder to cry on nila ako, separately, nang magkahiwalay sila. Hindi kumportable ang set-up noong una. Ngayon, pare-pareho kaming magkakaibigan talaga. Kung nagkikita kami ni Isabel, nag-uusap na kami. Pero mahirap na yung balikan. Kanya-kanya na kaming buhay, e."

BUTT EXPOSURE. Nakipagkita ang PEP kay Marco sa Starbucks Katipunan, Q.C., sa tapat ng Ateneo de Manila, at doon ay inalam pa namin ang iba't ibang bago kay Marco, lalo na't hindi siya tumututok sa lovelife.

"Gusto ko kasi, sa katagalan sa showbiz, may ginawa akong tumatak naman sa isipan ng mga tao," ani Marco. "Something significant, gaya ng Pitik-Bulag, which was directed by Gil Portes. Kahit paano, alam ng mga tao na hindi basta gumagawa ng pelikula si Direk Gil na hindi niya binubusisi, at talagang may quality.

"Hindi ko naman sinasabing pang-award ang ginawa ko, pero alam kong mapapansin ako rito, kahit paano. This is something serious. At hindi lang ito pelikulang puro hubaran.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lahat ng artista, nangangarap na magka-award, o mapansin man lang ang akting. Hopefully, soon. Masuwerte ang iba na nakakuha agad ng recognition kahit bago pa lang sila. Para sa akin siguro, it should be a longer process. Baka kailangan ko pa ng mas maraming experiences para lalo pa akong gumaling at mahasa," saad niya.

Tiyak na hihintayin ng followers niya, lalo na ng mga bading ang paghuhubad na ginawa niya sa Pitik-Bulag, gaya ng pagrampa niya nang naka-underwear lang sa fashion shows ng Bench.

"I showed my butt in this film. Yung mga eksena namin ni Paloma, bed scenes and all, hindi ko pa alam kung paano na-edit yun. Pero, talagang sizzling. Pero part ng istorya yun, at hindi naman dapat na yun lang ang panonoorin. At saka hanggang butt exposure lang ako. Sa fashion shows, naka-underwear naman ako palagi at hindi pa ako nagtotodo-hubad," paglilinaw ni Marco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN