Jay-R and Krissa Mae: Not dating, but enjoying each other's company

"I don't call it dating because we're friends. Enjoy kaming lumabas and let's see what happens next. Hindi ko pinu-project na magkarelasyon. Kung darating, tingnan na lang natin," says Jay-R about Krissa Mae.


Parang UFO ang newest showbiz couple ang Prince of R&B na si Jay-R at ang dating GoBingo girl na si Krissa Mae Arietta sa dami ng sightings nila. Kagabi, June 10, sa launching ng Groove album ni Billy Crawford sa Circa Bar sa Eastwood City, ang PEP (Philippine Entertainment Portal) naman ang nakakita sa dalawa.

Nauna rito, nakita si Jay-R na nagbabantay kay Krissa Mae sa set ng upcoming GMA-7 primetime series na All My Life, starring Aljur Abrenica and Kris Bernal. Inihatid pa raw ni Jay-R ang dalaga sa salon ni Fanny Serrano para magpa-makeup dahil magge-guest ito sa SiS.

Sa mga darating na araw, tiyak na marami pang sightings sa kanila.

ENJOYING EACH OTHER'S COMPANY. Nakaw-eksena ang pagdating nina Jay-R at Krissa Mae sa launching ng album ni Billy. For some time, sa kanila at hindi kay Billy na-focus ang attention ng press. Tuluy-tuloy sa isang bahagi ng bar si Jay-R, pero si Krissa, napilit ng PEP na paupuin at sagutin ang ilang katanungan.

Ayaw gamitin ni Krissa Mae ang word na "dating," pero lumalabas sila ni Jay-R for two to three weks now. So far, nag-e-enjoy raw sila sa company ng isa't isa.

"Matagal na kasi kaming magkaibigan. Sa SOP kami unang nagkakilala at lumalabas kami ngayon," sabi nito.

Is Jay-R courting her?

"Hindi ako dapat ang sumagot niyan kundi siya dahil siya ang lalaki," sagot ni Krissa Mae. "Bawal din akong sumagot tungkol diyan, pagagalitan ako ng GMA Artist Center [GMAAC]. Pasaway daw ako, nagpapa-interview nang hindi nagpapaalam."

Pagkatapos nito ay tumayo na si Krissa Mae at lumayo na sa amin.

Bigla tuloy naming naaalala na nang unang ma-interview si Krissa Mae sa presscon ng Gagambino, napaka-accommodating nito nang ipakilala ni Lhar Santiago sa amin. Lahat ng tanong namin ay sinagot niya. Sabagay, nagsisimula pa lang siya noon at hindi pa naiintriga kay Polo Ravales.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Fast forward, kailangan pang ipaalam ngayon sa GMAAC pag ininterbyu si Krissa Mae sa mga tanong na ang kanyang isasagot ay hindi pagmumulan ng pagme-memo sa kanya ng talent arm ng GMA-7.

SOUL SEARCHING. Mas pleasant ang interview ng PEP kay Jay-R, na madaling pumayag nang ipakiusap namin kay Tinnie Esguerra from Arnold Vegafria's management office.

"Yeah, break na kami ng gf ko [Liza Calove] dati. She's in Los Angeles right now," banggit ni Jay-R.

Did he fall out of love with his ex?

"No," mabilis niyang sagot. "I did not fall out of love. Gusto ko lang mag-focus sa career ko ngayon."

Kung gusto niyang mag-focus sa career niya, bakit may Krissa Mae sa buhay niya ngayon? Bakit madalas silang magkasama? Are they dating?

"I don't call it dating because we're friends," sabi ni Jay-R. "Enjoy kaming lumabas and let's see what happens next. Hindi ko pinu-project na magkarelasyon. Kung darating, tingnan na lang natin."

Naapektuhan ba ang relasyon nila ni Liza sa nangyari sa sister nito, na nahagip ng train habang may hiking ang grupo nila during his recent vacation in Los Angeles? (Click here to read related article.)

"Hindi naman," sagot ng singer-actor. "Sa ngayon kasi, nagsu-soul searching ako. Maraming questions sa mind ko na kailangan ng sagot."

Handa na ba siya for a new relationship?

"I don't know, but I'm single kaya hindi ko masabi. Ang love naman, dumarating when you least expected it. I can't really say kung kailan uli ako magge-girlfriend. Focus muna ako sa work ko," sabi niya.

If ever, is Krissa Mae the right girl to be his next girlfriend?

"I can't say. Maybe. Pero Filipina pa rin for sure ang gusto kong maging girlfriend dahil ang Filipina ay mahinhin, respectable at very conservative. Yun ang mga type ko."

Ano ang state of mind niya right now? Is he at peace?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm just soul searching really and trying to find myself. Hindi ko alam kung up to when ang phase na ito, sana sandali lang. Ang daming questions sa mind ko, like, what I wanna do, what I wanna be... Ang daming unanswered questions and I'm glad my family and friends—like Billy [Crawford] and Kris [Lawrence]—are there to support me. I can confide in them."

Biniro ng PEP si Jay-R na magandang theraphy ang love at makakatulong nang malaki sa kanya kung sa halip na puro problema, si Krissa Mae na lang ang isipin niya.

"Let's see" lang ang sagot nito.

Tawa naman ang reaction ni Jay-R sa isa pang biro ng PEP na sayang at taken na si Kyla, na kasama niya sa SOP, dahil matutuwa ang fans nila na noon pa nagwi-wish na matuloy sa romantic relationship ang kanilang singing team-up.

"Si Kyla naman is always there to help me, she's a friend," aniya.

UPCOMING ALBUMS. Ibinalita ni Jay-R na dalawang albums ang kasalukuyan niyang ginagawa ngayon. Isa rito ay Volume 2 ng hit album niya ng remake ng old songs, at isang inspirational album tungkol sa love and peace.

"Inspired ako to record the inspirational album dahil lahat original compositions. I composed one song entitled 'Wings of A Dream.'Pero ang album ko, wala pang title kahit next month na ang release," wika ni Jay-R.

Bago tapusin ang pakikipag-usap kay Jay-R, pinuna ng PEP na kahit nakangiti at tumatawa, halata pa rin ang lungkot sa mga mata niya. Obvious na may nararamdaman pa siyang sakit at umaasa ang PEP na sabay ng kanyang soul-searching ay gumaling din ang nararamdamang emotional pain.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN