Dion Ignacio learns to tighten his belt in times of crisis

"Sanay na ang pamilya ko na maghigpit ng sinturon. Minsan meron, minsan wala talaga. Mabuti na lang at hindi ako maluhong tao. May naiipon ako kapag may regular akong trabaho. Kaya kapag dumating ang ganitong klaseng sitwasyon, may madudukot ako sa ipon ko," says Dion Ignacio.


Breadwinner ng kanyang pamilya ang StarStruck 1 Avenger na si Dion Ignacio. Aminado siya na kapag matagal siyang walang trabaho ay nararamdaman niya at ng kanyang pamilya ang krisis.

Kaya nasanay na raw si Dion na magtipid at gano'n din ang kanyang buong pamilya. Nagpapasalamat siya dahil tinutulungan naman daw siya ng kanyang stepfather para matustusan ang anumang pangangailangan nila.

"Hindi ko naman ikinakahiya na minsan dumadaan kami sa ganyang pagsubok. Hindi naman kasi all the time may show tayo. Marami na kasing artista sa GMA-7, at masuwerte ka na lang kapag isinama ka sa cast. Masuwerte pa rin ako kasi nabibigyan pa rin ako ng show. May mga guestings pa rin sa iba't ibang shows kaya malaking tulong pa rin 'yon sa akin at sa pamilya ko," sabi ni Dion sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Pagkatapos kasi ng Sine Novela na Saan Darating Ang Umaga? nila ni Yasmien Kurdi ay hindi agad nabigyan ng panibagong show si Dion, kaya nakaasa na lang muna siya sa mga guesting at out-of-town shows. Malaking tulong din ang pagkakaroon ni Dion ng taxi service kunsaan kasosyo niya ang kanyang stepfather.

"Sanay na ang pamilya ko na maghigpit ng sinturon," sabi ni Dion. "Minsan meron, minsan wala talaga. Mabuti na lang at hindi ako maluhong tao. May naiipon ako kapag may regular akong trabaho. Kaya kapag dumating ang ganitong klaseng situwasyon, may madudukot ako sa ipon ko."

BACK TO SUPPORTING ROLE. Natutuwa si Dion at nakasama siya sa cast ng bagong GMA Sine Novela na Ngayon At Kailanman. Ginagampanan niya ang role ni Dags, ang mapagkakatiwalaang kaibigan ni Edwin (played by JC de Vera) sa Hacienda Noche. Originally ay si Rustom Padilla ang gumanap na Dags sa movie version nito.

Kahit bumalik sa pagiging supporting actor si Dion ay wala siyang reklamo. Ang importante raw ay may trabaho siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May mga nagsabi nga sa akin na bakit nag-support ulit ako, e, nag-leading man na ako kay Yasmien sa Saan Darating Ang Umaga?. Ang sagot ko naman, walang kaso sa akin 'yon. Hindi ako mapili sa role. Wala naman akong karapatan na mamili, di ba? Thankful ako na may trabaho na naibigay sa akin," ani Dion.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN