Gladys Reyes currently working on three shows for three TV networks

Gladys Reyes is in the cast of GMA-7's Daisy Siete, the sitcom George & Cecil on ABS-CBN and the lifestyle show Moments on Net 25.


Wala raw problema kay Gladys Reyes kung magtrabaho siya sa tatlong TV networks. Ngayon kasi ay kasama siya sa cast sa Season 22 ng Daisy Siete na "Kambalilong" sa GMA-7; nasa cast din siya ng sitcom na George & Cecil ng ABS-CBN; at may sarili siyang lifestyle show sa Net 25, ang Moments.

Paliwanag ni Gladys, hindi naman siya exclusive sa anumang TV station kaya puwede siyang magpalipat-lipat. Matagal na raw siyang gumagawa ng show sa GMA-7 at wala naman siyang reklamo.

Magaganda naman daw ang shows na naibigay kay Gladys sa Kapuso network, gaya ng Bahay Mo Ba 'To?, Love To Love, Marinara, Bakekang, Tasya Pantasya, My Only Love, at ang pinakahuli ay ang Lalola.

Noong bigyan siya ng role sa George & Cecil, tinanggap niya dahil muli niyang makakasama ang kaibigan niyang si Judy Ann Santos. Nakailang pelikula na sina Juday at Gladys at halos lahat ay drama: Mara Clara: The Movie, Sana Naman, Kung Alam Mo Lang, I'm Sorry My Love, Kasal-Kasalan (Sakalan), at May Pag-ibig Pa Kaya.

"Year 2002 pa kami huling nagkatrabaho ni Juday," banggit ni Gladys sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Pelikula pa 'yon, e. Sa TV kasi, last kami nagkasama ay noong Mara Clara pa. Kaya ito bale ang reunion naming dalawa. This time, sitcom naman itong pinagsasamahan namin at hindi na ako maldita sa kanya. Sa ibang tao na ako nagtataray ngayon."

Hindi naman daw naging problema sa schedule niya ang pagkakaroon niya ng shows sa tatlong networks.

"Ginagawa ko na itong George & Cecil noong kunin ako ng Daisy Siete," sabi ni Gladys. "Okey lang naman daw kasi once a week lang itong sitcom ko with Juday. Every Sunday lang. Yung Daisy Siete kasi, from Monday to Friday. Bongga rin kasi ang role ko roon bilang masungit, trying hard, at matapobre na film producer na si Madam L. Patawa rin ako doon kaya enjoy kami parati sa taping.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa George & Cecil kasi, makakatrabaho ko rin ang husband ko na si Christopher [Roxas]. Never na kaming nagkasama sa isang TV show ulit. Noong Mara Clara pa kami nagkasama. Hindi ba't doon nagsimula ang love story namin? Kaya first time ngang nangyari ito sa amin ulit. Pero sa movies, nakailang pelikula kaming nagsama at kadalasan with Juday and Wowie de Guzman pa."

Sa Net 25 naman ay sariling talk show naman niya ang Moments na two years nang nasa ere.

"Hindi nga namin inaasahan na magtatagal ang show sa ere," sabi ni Gladys. "We get good support mula sa mga sponsors namin. Tapos madali pang kausapin for guesting ang mga celebrity moms at ibang moms from different walks of life. Bongga ang mga sumusuporta sa Moments kaya tumagal kami.

"More than sa mga series na ginagawa ko, enjoy ako being a talk show host kasi madaldal talaga ako at mahilig akong mag-research sa mga topics namin sa Moments. Plus, isa akong mother din to two kids na sila Christophe [4 years old] and Aquisha [9 months old] kaya alam ko ang hirap at sarap ng isang ina," pagtatapos ni Gladys.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN