Sam Milby is proud to be Bea Alonzo's "first" in daring love scene

It's the first time for Sam Milby, too: "Twenty-five na ako and she's not exactly a kid anymore. I think we just both want to mature in terms of acting. Kailangan ngayon sa career, magbigay ng something new."


Natigil pansamantala ang shooting ni Sam Milby para sa bago niyang pelikula sa Star Cinema na And I Love You So with Bea Alonzo and Derek Ramsay sa direksyon ni Lauren Dyogi.

Nagpunta sa London si Direk Lauren para sa audition ng Pinoy Big Brother. Kaya naman may time si Sam na makapag-taping ng top-rating teleserye niya with Angel Locsin and Diether Ocampo na Only You. Halos araw-araw nagti-taping si Sam ng Only You bilang paghahanda naman sa pag-alis niya ulit patungong U.S. para sa show ng Star Magic sa huling linggo ng Hunyo.

"Mga 70 percent na ang nakunan namin," nakangiting pagbabalita ni Sam sa set ng Only You.

For the first time, pumayag daw si Bea na gumawa ng napaka-daring na love scene with Sam sa And I Love You So. "Meron kaming love scene (ni Bea). Actually, na-shoot na."

What did he feel? "Wala," sagot ni Sam. "It's my first love scene sa movie. So, it's the first for both of us. I think, 25 na ako and she's not exactly a kid anymore. I think we just both want to mature in terms of acting. Para something new, something different, di ba? Kailangan ngayon sa career, magbigay ng something new."

Unang nagkasama sila ni Bea sa first movie ni Sam na Close To You. Nagkasama rin sila sa teleseryeng Maging Sino Ka Man bagama't si Bea at si John Lloyd Cruz ang magkapareha sa show.

"This is our first love team as kami ni Bea," pagmamalaki ni Sam.

BEA GIVES IT UP FOR SAM. Sa kanya lang daw bumigay si Bea sa isang napaka-daring na love scene na never niyang ginawa sa maraming project nila ni John Lloyd. Ano ang masasabi niya rito?


"Ah, natuto na siya. Uhm, wala, I think it's not about kung sino ang ka-partner niya. I think it's more of the fact that she wants to mature as an actress. I think that's the reason why."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba siya flattered na sa eksena nila ni Bea ginawa yun ng young actress? "I am flattered. Of course, I am flattered naman. Na, I mean, na ako ang first time sa kanya (sa) love scene at saka ano, bathing suit."

Naseksihan ba siya kay Bea? "Ahhh, it was fun. We shot in a beautiful location in Zambales. Nakakatuwa kasi yung shooting location namin parehas ng location ng Maging Sino Ka Man. It was just kasi in a same island but different place lang. Sa San Antonio 'ata. Natutulog kasi ako habang papunta doon."

Ano naman ang reaction niya sa nababalitang sex video diumano ni Bea? "May nagbalita sa akin. Actually, dumating sa set ng And I Love You So, kasi parang [si] Direk Lauren got a text message that time. And, ah, I mean, Bea was like, 'hindi ko alam kung bakit lumabas ito, never ko nakilala si Hayden [Kho]' sabi niya."

HIDDEN CAM IN DRESSING ROOM. "But then ako, may nagsabi sa akin na parang sex video. Parang may sumisilip na camera habang nagbibihis si Bea. So, siyempre hindi ko alam, even she wouldn't even know.

"Yun lang ang nasabi niya na never siya nakilala si Hayden. So, siyempre, I don't believe naman even [if] it comes out. But I mean, if there's a hidden camera habang nagbibihis na hindi niya alam, kawawa naman."

Belo endorser din siya, di ba? "Yes," sagot niya. "I'm not affected by, ah, I mean, I think that's kinda different. It's not part of, ah, I mean, the video is totally different than the company, di ba?

"I don't think that it affected the business. I mean, some people would look at it, yeah. But some people would look at it like maybe it did not. So, for me, it's no."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kaya imposible na nakunan sa ilang pagkakataon si Sam habang nagpapa-treat sa Belo clinic?

"Na may 'Hayden camera' sa Belo?" natatawang tanong ni Sam. "Hindi, ah, I mean, nothing's come out na may hidden camera sa Belo. Pero if nothing has come out, I don't have reasons to believe it, especially with Bea. If it comes out and then, may karapatan ka na maniwala."

Ano naman ang masasabi niya kay Hayden? Nakilala ba niya si Hayden bilang Belo endorser?

"Never. Never ko siyang nakilala. Uhm, I feel really bad for the girls. Siyempre, I mean, binigyan nila ng pagtitiwala sa kanya and then they'll find out na, kahit wala siyang plano na lumabas yung mga video, but still just to video, I mean, without the girl knowing, it's so kawawa."

May napanood ba siya isa man sa mga lumabas na video ni Hayden? "I only saw the dancing video. Yung Careless Whisper."

Wala ba siyang balak kantahin yun sa ASAP? "Ha?! Like sa ASAP? Hindi naman," tapos ni Sam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN