Shaina Magdayao says she doesn't need to be in a loveteam

Fat is death to an actor's career, or so some members of the entertainment media think. They've been pressing Shaina Magdayao to tell her boyfriend John Prats to lose a little. The loyal young actress, however, sees it in another light. "Kayo talaga!" she chided them at a Villa Estrella presscon. "It's called happiness!"


Nakakaalarma ang pagtaba ni John Prats. He may have a very handsome face, pero umani ng batikos si John sa fashion show ng Bench, Kashieca at Human sa Fashion Week ilang linggo na ang nakararaan, dahil sa paglobo nito. Isang bagay na pati kay Shaina Magdayao ay ikinulit ng marami sa press conference kagabi ng Star Cinema Productions para sa horror film na Villa Estrella.

"Okey lang sa akin na ganoon siya, pero marami talaga ang nagsasabing magpapayat siya," sabi ni Shaina. "Wala siyang time para mag-work out. Natatawa lang naman ako pag may comment na ganyan sa kanya."

Ibig sabihin niyon, tanggap ni Shaina kung mataba ang boyfriend niya?

"Kayo talaga! It's called happiness. Pero, hindi na kami nakakalabas pa. Pamilya ko nga, hindi ko na nakikita, si John pa kaya? Pero every day, we see to it na may communication. Hindi naman sa di ko maamin yung relasyon, o marami kaming inaalagaang kung ano. Ganoon lang ako. Kapag tungkol sa pribadong bagay, I'm like that, 'cause I'm a private person.

"Nakikita naman ninyo kung ano na yun. Kayo na ang bahala roon. What you see is what you get. Hindi na kailangang magsalita pa," nangingiting sabi pa ni Shaina.

Hindi raw niya maipaliliwanag ang kaligayahang naibibigay sa kanya ng kung anumang kaugnayan mayroon siya kay John.

"You can't explain that," ani Shaina. "Nararamdaman mo na lang 'yan. Hindi siya detalyado, na kasi ganito o ganyan, kaya ako masaya.

"Makulit si John. Pinasasaya niya ako sa pagpapatawa niya. Maski stressed ako at walang tulog, he's such a jolly person, napapasaya niya ako. Maski ang pamilya niya, napakagaan. Bata pa ako, kilala ko na ang family niya. Hiyang nga raw si John dahil tumataba," at lalo siyang natawa.

GALLANT TO EVERYONE. Nakatutuwa nga raw si John dahil hindi lang siya ang napi-please nito. Maski iba pang members of the family nila, lalo na ang kanyang mga kapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi lang ako ang may roses, pati mga kapatid ko," sabi pa ni Shaina. "Sanay siya sa mga babae sa family nila. Mom niya at sister niya [Camille Prats], alam niya kung paano mag-alaga ng mga babae."

Ironically, hindi nakilalang loveteam sina John at Shaina. Parang hindi rito nakatuon ang pansin ng kani-kanilang career.

"Walang naka-line up na pagsasamahan man lang namin," sabi ng dalaga. "Okey lang na nagkakasama kami sa sayaw, sa ASAP '09, pero, iba kasi ang nakaplano for him. Pero, kung mayroon at maganda ang project, bakit hindi kami magsasama?"

Hit na hit ang career ni Shaina sa ngayon kahit wala siyang permanenteng ka-loveteam. Sa top-rater na Kambal sa Uma ng ABS-CBN, si Jason Abalos ang kasama niya at tanggap ito ng marami. Sa pelikulang Villa Estrella, sila ni Jake Cuenca ang magkapareha.

"Masaya na ako nang ganito, walang masyadong restrictions dahil nasasanay ang mga tao na iba-iba ang kasama ko," aniya. "Mas gusto ko yung mas marami akong ibang nakakatrabaho. Tumatakbo nang maganda ang career ko kahit hindi ako nakikilala sa ngayon na may ka-loveteam. Masaya na ako sa ganito. At puwede naman pala," dugtong niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN