Vic Sotto eyeballs Paula Taylor in Internet comedy and likes what he sees

Game show host Vic Sotto (left) says his foreign co-star in LOL (Love On Line) Paula Taylor (right)is game for anything, even for the exotic delights of Philippine cuisine. "Hindi siya mahirap pakainin, kahit ano kinakain niya. Minsan, may dinuguan kami sa set, pinakain siya, kinain niya, nang sabihin sa kanya kung ano ang dinuguan, sagot niya, 'I don't wanna know.'"


Dinalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press ang first shooting day ng LOL (Love On Line) nina Vic Sotto and his new leading lady, VJ-actress-commercial model Paula Taylor, sa Harbour Square, CCP Complex last Friday, June 12. Hinintay muna ng PEP na tapusin ni bossing Vic ang mga eksena nila dahil day effect ito at hinahabol nila ang oras bago ang beautiful sunset ng Manila Bay.

Bakit si Paula Taylor ang kinuha niyang bagong leading lady?

"We need a foreigner for the role," kuwento ni Vic. "Nag-usap-usap kaming mga producers, sina Orly (Ilacad) ng OctoArts Films at si Malou (Choa-Fagar) for APT Entertainment, si direk Tony Y. Reyes. May nakakita kay Paula sa isang billboard at nang mag-inquire si Malou, nalaman niyang hindi lamang pala ito commercial model, isa rin pala siyang VJ, actress at may sitcom siya sa Thailand at swak na swak sa kanya ang role.

"Magka-chat kasi sa story sina Jose (Manalo) at Manilyn (Reynes), pero ang gamit nila, pictures namin ni Paula. Kapag kasi pictures nila ang ginagamit nila, walang makipag-eyeball sa kanila, pero nang gamitin nila ang pictures namin, marami na silang nakikipag-chat sa kanila. Kami ni Paula, nagkatuluyan, ewan ko sa kanila," biro pang kuwento ni Vic.

Kumusta naman si Paula?

"Ayos siya, magaling, hindi maarte, very professional, she comes on time, at mahusay siyang magpatawa. Hindi rin siya mahirap pakainin, kahit ano, kinakain niya. Minsan, may dinuguan kami sa set, pinakain siya, kinain niya, nang sabihin sa kanya kung ano ang dinuguan, sagot niya, 'I don't wanna know.' Kumain na rin daw siya ng balot sa Amazing Race Asia 2 na ang pinakain pa sa kanya noon, may tuka pa raw ang sisiw."

IS GIRLFRIEND PIA JEALOUS? Pinabulaanan ni Vic ang sabi-sabing nagseselos si Pia Guanio kay Paula Taylor.

"Hindi totoo iyan. Si Pia, hindi na nati-tense sa mga ganoong issue. She's not the type na magkaroon ng insecurity, she's very secure. We see to it na blameless ang aming relationship, hindi kami gumagawa ng bagay na makakaselos, makakagalit sa amin. Nasa ayos ang lahat ng bagay sa amin. Alam niya kung nagtatrabaho ako, trabaho lamang talaga iyon. Hindi namin alam kung saan nanggagaling o saan nagsimula ang mga balitang iyon, hindi na lamang namin pinapansin, basta wala naman kaming ginagawang masama."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabanggit kay Vic na magkakatapat daw ang sitcom nila ni Pia na Ful Haus every Sunday sa GMA-7 after ng talent show na All Star K at ng mga kaibigan nila, ang bagong kasal na sina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos, ang George and Cecil sa Channel 2.

"Palagay ko, hindi kami magkakasabay kasi magulo ang mga time slot. Hindi ko nga alam kung ano talaga ang kasabay ng show namin sa Channel 2, kung Sharon ba o ang TV Patrol. Siguro mas maganda sa mga televiewers, pareho nilang panoorin ang aming shows."

May baby na sila ni Pia sa Ful Haus. Ang cute-cute ng baby na gamit nila sa show. "Yes, at ang bait niya, hindi siya iyakin."

Ayaw pa ba nila ni Pia na magka-baby na rin? "Bakit naman hindi, pero kapag kasal na kami ni Pia. Huwag kayong mag-alaala, kasi ia-announce naman namin kung kailan kami magpapakasal," nakangiting sagot ni Vic.

JOSE'S TROUBLES. Naitanong na rin kay Vic kung apektado ba si Jose sa kasong kinakaharap nila ng asawa nito?

"Oo, apektado si Jose, pero wala na siyang magagawa at ayaw ko na ring mag-comment kasi nasa court na ang kaso. Ang alam ko lang, noon pa nagkakaproblema ang asawa ni Jose, na nagsimula iyon kapag natatakbuhan din siya ng mga biniling alahas sa kanya ng mga customer niya, na wala siyang magawa kundi siya ang magbayad sa kinunan niya noon. May isa lamang yata silang binabayaran na gusto ay bayaran sila agad nang buo, at nang hindi mangyari ang gusto nila, nagdemanda.

"Iginawa pa nga nila kami ni Pia ng story, na may utang din daw sina Jose sa amin. Mali sila dahil hindi kami bumili ng alahas sa asawa ni Jose dahil si Pia, hindi naman mahilig sa alahas. Kailan ba ninyo siya nakitang nagsuot ng mamahaling alahas, mga costume jewelries lamang lagi ang suot niya kahit sa formal occasions. Biro na lamang namin kay Jose, naninira lamang ang mga iyon at huwag na lamang niyang pansinin dahil matagal na naman siyang sira. Magtrabaho na lamang siya nang magtrabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Wally (Bayola) nga dapat ang sidekick ko dito sa movie, kaya lang sa isang eksena, na-fracture ang mga daliri ng isang paa ni Wally kaya pinalitan siya ni Jose. Three months kasi ang sinabi ng doctor niya na dapat niyang ipahinga ang paa niya para gumaling agad ito."

KEEPING IT COOL AT GAME SHOW. Kinumusta na rin ng PEP si Vic sa pag-host nito ng Who Wants To Be A Millionaire, na sabi'y cool na cool ang hosting niya.

"Okey naman, pero ngayon ko lamang na-realize na mahirap palang mag-host ng game show na iyon. Kailangang maging cool ka talaga dahil sa pag-interview mo pa lang sa mga contestants, ang huhusay na sila, pero once na naupo na sila sa hot seat, kapag hindi nila sure ang answer, kailangan na lamang nilang piliin na kunin ang cash na nakuha nila kaysa bumalik sa wala.

"Ako naman, bago ang show, binabasa ko muna ang mga questions, para rin sa correct pronunciation. Hindi rin ako puwedeng mag-comment hanggang hindi nagsasabi ng 'final answer' ang contestant. May nagtanong nga sa akin kung bakit daw hindi namin gawing live ang show. Hindi puwede, dahil sa lifeline pa lamang na 'Call a friend', mauubos na ang oras mo kapag live ang show.

"Two episodes lamang ang naiti-tape namin every other week, mahirap kasing buuin ang set dahil ang laki-laki nito. Pero nagpapasalamat kami sa lahat ng mga nanonood sa amin every Saturday, 6:00 p.m. sa TV5 dahil mataas lagi ang rating ng aming game show."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN