Tito Dougs quietly leaves showbiz

Douglas Quijano (extreme right) with talents Richard Gomez, John Estrada (with girlfriend Priscilla Meirelles), and Lucy Torres-Gomez during the 63rd birthday celebration of the talent manager last July 25, 2007. Douglas would have been 65 on July 24.


A beloved showbiz icon quietly leaves showbiz.

Hindi inaasahan ang biglaang pagkawala ng beteranong talent manager na si Douglas Quijano, Sabado ng umaga, June 13, kung kaya't ganoon na lang ang gulat ng mga taga-industriya sa balita.

Nagsimula si Tito Dougs, tawag sa kanya sa showbiz, bilang kolumnista at manunulat sa Graphics noong huling bahagi ng dekada 60.

Bilang manager naman, si Tirso Cruz III ang una niyang hinawakang talent noong ipinangalaga ito ng tito ni Pip na si Joey Cruz, na siyang unang nag-manage sa magiging screen partner noon ng Superstar na si Nora Aunor.

Bukod sa pagiging manunulat at manager, wala yatang hindi nagawa si Tito Dougs. Naging katulong siya ni Lily Monteverde noon sa pagtaguyod ng nagsisimula pa lang na Regal Films. Ngunit bukod dito, nakapagtayo na rin siya ng produksyon kasama ng ilan niyang kaibigan, ang Sine Filipino, na siyang may gawa ng Lipad Darna Lipad; Zoom, Zoom, Superman!; at Si Popeye, Atbp. Isa rin siya sa credited scriptwriters ng Zoom, Zoom, Superman!, na isang trilogy at pinagbidahan ni Ariel Ureta.

Sa Regal Films, si Tito Dougs ang tumayong producer sa isa sa affiliate productions na MAQ Productions. Naging malaking bahagi rin si Tito Dougs nang muling magbukas ang ABS-CBN noong dekada 80, pagkatapos itong ipasara ng Marcos administration noong Martial Law. Siya ang naging producer/consultant ng mga unang co-produced shows sa ABS-CBN, tulad ng Palibhasa Lalaki at Regal Shockers.

Halos lahat ng pinakamalalaking artista ay dumaan sa kanyang pangangalaga. Siya ang unang manager nina Tirso Cruz III at Aga Muhlach. Si Tito Dougs ang nag-discover ng Guwapings na sina Mark Anthony Fernandez, Jomari Yllana at Eric Fructuoso; na dinagdagan ni Jao Mapa sa bandang huli. Siya rin ang tumayong manager hanggang sa huling araw niya nina Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez, John Estrada, Joey Marquez, Wendell Ramos, Antonio Aquitania, Anjo Yllana, Gelli de Belen, Jay Aquitania, Benj Basa, at pati na rin si Richard Gutierrez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Active consultant si Tito Dougs sa YES! magazine, pati na rito sa (PEP) Philippine Entertainment Portal. Founding member din siya ng Philippine Artists Managers, Inc. (PAMI).

TITO DOUG'S SECOND HOME. Ilang taon na ang nakararaan, sa dalas na pagpunta ni Tito Dougs at ilang malalapit niyang kaibigan na mga manunulat, nagdesisyon siya na bumili ng lote sa Lucban, Quezon, kung saan doon na siya maninirahan. Umuuwi na lang siya ng Maynila kapag kailangan. Isa sa pinakamalapit niyang manunulat, si Jerry Olea, ang patnugot ng Abante Tonite, ay taga-Lucban at siyang nagdadala doon tuwing Pahiyas Festival.

Alas-diyes ng umaga ng Sabado, June 13, natagpuan ang labi ni Tito Dougs sa kanyang kuwarto sa bahay niya sa Lucban ng house guest na si Ces Evangelista, dating editor ng Hi! magazine at film director.

Ayon na rin sa nag-attend na doktor kay Tito Dougs na si Dr. Uli Nantes, heart attack ang ikinasawi ng manager. Tinutukoy na ang time of death ay malamang na alas-dose pa ng hatinggabi dahil "purple" na raw ang paa ni Tito Dougs nang mabuksan ang pinto sa kuwarto nito. Kumplikasyon na rin ng atake ng kanyang diabetes.

Mabilis ang naging pag-set up ng meetings ng mga alaga niya at mga co-members niya sa PAMI. Tanghali isinagawa ang meeting ng mga alaga niyang nasa Pilipinas ngayon sa bahay ng kaibigan at partner ni Tito Dougs sa events organizing na si Marilen Nuñez. Alas-dos naman ng hapon ang meeting ng mga PAMI kasama ang ilang manunulat, sa Via Mare sa Tomas Morato, na paboritong kainan ng grupo.

As of press time, hinihintay pa sa Lucban, Quezon, ang pagdating ng kapatid nitong galing Antipolo para pirmahan ang death certificate bago ito madala sa Manila. Sa Chapel 7 ng Heritage Memorial Park ilalagak ang mga labi ni Tito Dougs at malamang na sa Loyola Memorial siya ililibing katabi ng kanyang ina at isang kapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May isa pang kapatid na babae si Tito Dougs na nasa Canada na hihintayin ang pagdating. Pauwi na rin ang ilang malalapit kay Tito Dougs tulad nina Richard at Lucy, na nasa U.S., at si Annabelle Rama na nasa Hong Kong.

64 si Tito Dougs at magsi-65 sana siya sa July 24.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN