Paula Taylor says Vic Sotto knows how to treat his co-star

Thai model-actress Paula Taylor has played opposite William Hurt and Cary Elwes. So what does she think of Enteng Kabisote, er, Vic Sotto? "He is nice, considering he's like a superstar. He's down-to-earth and he keeps me alive."


Pinatawa ni Paula Taylor ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa mga sagot nito sa mga tanong namin, gaya ng "How is she related to Elizabeth Taylor?" na sinagot nito ng "She's my long lost cousin" at "very lost" sa tanong na how is she related to Maui Taylor.

Bago may ma-offend, nagbibiro lang si Paula sa sagot tungkol kay Maui dahil it turned out, hindi niya kilala ang sexy actress. Ang model namang si Nikki Taylor ay baka tunay niyang long-lost cousin dahil Australian din ito gaya niya.

Naniwala ang PEP sa kuwento ni Vic Sotto that Paula eats anything and everything dahil kinain lahat ang inihain sa kanya habang ini-interview siya para sa LOL (Love On Line) movie nila ng TV host-comedian.

Tinanong lang ni Paula kung ano ang pangalan ng pansit, lumpia, ginataang halu-halo at isang uri ng kakanin, tapos kinain na at natawa pa nang biruin ng press na "she's not hungry." Nabanggit pa ni Vic na kumakain siya ng sisig, dinuguan, pero ayaw na lang alamin kung saan gawa ito. Ang ayaw lang nitong kainin ay balut dahil na-trauma nang pakainin ito during The Amazing Race, dahil tuka ng sisiw ang unang nakain. Ang pinaka-favorite niyang Filipino food ay sinigang.

"I've been coming here for a long time now for work, I love it here and I know a little bit of Tagalog. I know 'mainit', 'sobrang mainit'. Earlier, Leo Martinez taught me 'tangna, ang init-init'! I sent it to my friends and they told me it's bad words. I didn't know. Ha-ha-ha!"

BIG STARS. Dumating sa bansa si Paula para sa shooting ng movie nila ni Vic sa direction ni Tony Reyes. Honored ang 26-year-old international model, TV and movie star nang malamang ipinahanap siya ni Vic para kuning leading lady dahil bagay sa kanya ang role ng foreigner na love interest ni Vic sa LOL. Nasa Thailand siya nang dumating ang offer at nagustuhan naman niya, kaya tinanggap ng agent niya rito. Nangako si Paula na tutulong sa promotion at narito rin siya sa opening ng movie sa August 19.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kilala si Paula ng mga Pinoy dahil sa mga billboard ads at TV commercials niya for Myra-E, Plains and Prints, Canon cameras, Rebisco Whole Wheat Crackers, Kenny Rogers Roasters at Colgate. May sitcom siya ngayon sa Thailand at nakagawa na ng four movies, ang pinaka-latest ay ang Shadows kasama sina Cary Elwes, Thai actress Ploy Jindachot at Willam Hurt.

"I was scared at first when I learned I'll be working with William Hurt, but he was very friendly, a very nice guy and there's no reason for me to be intimidated. I played wife to Cary Elwes," pagkukuwento nito.

How about working with Vic Sotto?

"It's a nice experience because he is nice, considering he's like a superstar. He's down-to-earth and he keeps me alive."

Tinakot si Paula ng press na famous si Vic for charming his leading ladies, at sinang-ayunan nitong charming nga ang leading man.

"He's very charming in the sense that he looks after his co-star."

Ikinuwento pa ni Paula na pinadalhan siya ng videos ng movies ni Vic gaya ng Enteng Kabisote at mga litrato nito para makita niya kung ano ang hitsura ng kanyang makakapareha. Hindi nito alam kung saan siya nakita ni Vic, until may nagsabi sa kanyang may nag-suggest ng pangalan niya, inaprubahan at saka siya ipinahanap para formal na nag-offer ng nabanggit na pelikula.

MUM ABOUT MARK. Malihim sa kanyang lovelife si Paula dahil hindi inamin at hindi kinumpirma ang nababalitang relasyon nila ni Marc Nelson, na gaya niya ay may Australian blood din.

So, how's Mark? "He's good."

How are they together? "We're good."

Is he in town? "Yeah! Everytime I got an offer, I always called him and asked for his suggestion. We're okey," sabi lang ni Paula.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN