Atty. Adel Tamano says Vicki Belo is innocent: "We have witnesses."

A security guard logbook may be Dr. Vicki Belo's best evidence that she has no knowledge about what happened to Hayden Kho's sex videos after she left Erik Chua to work on her hard drive.


Ilang araw rin mula nang dumating sa bansa si Dra. Vicki Belo na hindi ito halos nakausap ng media hinggil sa bagong isyung kinasasangkutan nito. Isa siya sa sinampahan ng complaint ni Katrina Halili as accessory to the crime sa kontrobersiyal na sex video, along with Erik Johnston Chua, Herbert "Bistek" Rosario, at Princess Velasco.

Noong Sabado, June 13, sa Startalk, live nang naupo at na-interview ng mga host ang legal counsel ni Dra. Belo na si Atty. Adel Tamano. Ang unang tinanong ni Ricky Lo sa kanya ay kung ano ang naramdaman ni Dra. Belo now that she's being charged as "accessory to the crime."

"Yung word that can best describe it [is] unfair," simulang pahayag ni Atty. Tamayo. "Unang-una, although maraming naawa kay Katrina, siguro nakakalimutan natin na biktima rin si Dra. Belo. She is the one na inagawan ng boyfriend. In spite of everything, she still supported Katrina and got her as endorser of Flawless [a company co-owned by Dra. Belo].

"Tapos ngayon, siya pa ang ipa-file ng kaso. Unfair din kung babasahin mo yung file na kaso nila Katrina, wala talagang ebidensiya. Kasi, hindi puwede sa batas natin, hindi puwede yung mga haka-haka, yung who do you think is guilty. Hindi enough, e.

"Kailangan may ebidensiya ka. At kailangan maalala natin na si Dra. Belo, yung burden to prove that [she's] innocent, hindi yun na kay Dra. Belo. Hindi niya kailangang i-prove na hindi siya ang nag-upload ng video. Ang dapat mag-prove na nag-upload ng video si Dra. Belo ay si Katrina at Erik Chua."

MUDDLING THE ISSUE. Ayon naman kay Lolit Solis, di raw ba ang isyu lang, kung sino ang kumuha ng video, kung sino ang nag-upload. Bakit daw kung saan-saan na napupunta ang isyu ngayon?

"Well, sumasang-ayon ako dun, 'no," ani Atty. Tamano. "Na talagang ang main issue here is the taking of sex video. But kasi, ginawa nang isyu yung pagdi-distribute ng video. At ako, it's very clear, hindi ayon sa haka-haka, ayon sa ebidensiya mismo, it's not Dra. Belo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Itinanong naman ni Joey de Leon ang tungkol sa inconsistencies daw sa mga naging pahayag nina Dra. Belo, Erik, at Bistek.

"Well, ang sa akin, yung inconsistencies talaga ay sa affidavit ni Erik Chua. Kung susuriin n'yo lang mabuti, sa simula pa lang, mali na siya. Yung residence ni Dra. Belo is on Tamarind Street... Obviously, mali yun.

"Pangalawa, ang sabi niya, si Dra. Belo asked him to come over to her house para to help her open the computers. And yet, on the same affidavit, sinasabi niyang it was Dra. Belo who gave the password.

"So, kung alam na niya ang password, why would she call Erik Chua? But this is one important fact. Minsan kasi, kapag gumagawa ka ng affidavit, nakalimutan mo na you have [a] few witnesses.

"Ang sabi ni Erik sa affidavit niya, after he downloaded the videos, nauna siyang umalis sa bahay ni Dra. Belo. Hindi po totoo 'yan. Because, ang hindi naalala ni Erik Chua, every time na pumasok ka sa bahay ni Dra. Belo, may security guard doon.

"And the security guard will record who you are, and also what time you arrived, what time you left. We took a look at the logbook at kinausap namin yung mga security guard.

"Si Erik Chua arrived at Dra Belo's house at 5:45 ng hapon. Si Dra. Belo umalis ng 7:25, at si Erik Chua left the house at 8:55. Meron pang isang oras at kalahati that it was just Erik Chua with the computer and the videos. Doon pa lang sa affidavit ni Erik Chua, hindi na totoo ang sinasabi niya.

"We have witnesses. Two security guards and documentary evidence, meaning, yung logbook mismo na nagpapakita na hindi totoo yung sinasabi niya."

HARD EVIDENCE. Dugtong ni Butch Francisco, meron daw logbook sa bahay ni Dra. Belo way back December 2008 pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yes, in fact, sa affidavit po ni Dra. Belo, we have made it part. We are submitting yung content ng logbook, yung affidavit ng security guard at ito pa, nakakalimutan ni Erik Chua na baka may witness.

"Sa restaurant, tulad nga sa sinabi sa affidavit ni Dra. Belo, pumunta si Erik at doon niya inabot yung video which was against the instruction of Dra. Belo. Dra Belo's instruction was to delete all the videos."

Dugtong pa ni Atty. Tamano, "Ang problema kay Erik Chua, we have a witness, may nakakita sa kanya. Her name is Jacqueline Zhang. Kakaiba, 'no? Kasi, Singaporean po siya. She is a Singaporean national and she's not an employee of Belo Medical Group. She's a consultant at nakita po niya na inabot ni Erik Chua ang video kay Dra. Belo. So, dun pa lang, on our side, meron kaming matibay na ebidensiya to show na yung sinasabi ni Erik Chua ay hindi totoo. So, hindi na po ito mga haka-haka, paratang or akusa. This is hard evidence."

DON'T INVOLVE CHILDREN. Darating ba at sisipot si Dra. Belo sa hearing?

"Yes," mabilis na sagot ni Atty. Tamayo. "Hindi po yun per order ng korte because this is still a proceeding sa DOJ [Department of Justice]. So, tulad ng sinabi namin, from the start, whether sa Senate, sa NBI [National Bureau of Investigation], or kahit anong imbestigasyon po, we will cooperate. Kung kailangan siyang pumunta roon, pupunta siya dahil wala pong itinatago si Dra. Belo.

"At ang katunayan, inosente siya. But what...should [be remembered] is that, the burden of proof is not on Dra. Belo to prove that she's innocent. Dapat ang magpapakita ng matibay na ebidensiya ay yung mga nagpaparatang and those that are accusing Dra. Belo."

Yung na-mention ni Direk Quark Henares na nag-attempt daw si Erik na ibenta yung video na hawak niya sa isang TV station, may bearing ba yun sa kaso?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You know, may relevance yun. I think, may bearing pa rin yun sa kaso. But ako, as a lawyer and as someone who started to care about Dra. Belo's family, I don't want the children to get involved, kasi sobra na rin silang masyadong... psychological pain and [suffering] for this, parang ayoko na rin silang masangkot pa or madagdag pa sa kaso."

UNEDITED VERSION. Si Lolit naman ang tinanong ni Butch kung ngayon daw na nailabas na ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang edited version ng audio recording ng meeting niya with Dra. Belo, Hayden Kho, Mrs. Irene Kho, Atty. Lorna Kapunan, at ang PR person na si Reli German sa tahanan ni Dra. Belo—nakahanda na raw ba siya kung sakaling lumabas din ang unedited version?

"Anytime!" sagot ni Lolit.

Dugtong pa niya, "O, e, wala naman akong dapat katakutan. Mabuti nga para makita nila kung ano talaga ang content ng pinag-uusapan. Pero sa akin talaga, I can see, wala talagang kinalaman.

"May mga taong nang-iintriga sa akin na bakit daw lalabas yun, baka si Vicki raw ang nagpalabas. Pero ako, masasabi ko, Vicki is innocent."

Pahabol naman ni Atty. Tamano, "Even yung affidavit ni Erik Chua, nang pinapunta siya ng NBI a couple of weeks back, hindi siya nag-attend at hindi siya nag-submit ng affidavit. Kami, noong sinabi ng NBI na mag-submit kayo ng affidavit, nag-submit kami, ahead of everyone."

ERIK'S ERROR. Tuluy-tuloy na nagpaliwanag ang legal counsel ni Vicki Belo tungkol sa hawak nilang ebidensya.

"Why ahead of everyone? Ahead of Dr. Kho, Erik Chua, dahil wala kaming itinatago. Erik submitted his affidavit two weeks after everyone submitted their affidavit. Kaya ang daming... even yung date na sinasabi niya that the incident happened, mali. Kasi, kinopya niya ang date from our affidavit.

"After we look at yung logbook, na-verify namin na mali pala yung date na December 18, the incident happened December 12, ayon doon sa logbook. Kasi minsan, when you interview yung mga accused, yung mga dates, hindi mo na natatandaan masyado. But when you see, like ito, it's not fabricated. This is a logbook of the security company, not Dra. Belo's company. Nakita namin na December 12."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang susunod nilang hakbang ngayon?

"Well, eto, 'no, we will cooperate with all the investigation. Nag-file na po kami ng supplemental affidavit at ini-explain namin na maraming butas po yung affidavit ni Erik. Sa DOJ, we will also file our affidavit.

"At the end of the day, kapag nakita ng mga tao, we will show all the affidavit, pati mga ebidensiya namin. Basta makita lang ng tao ang ebidensiya, people will realize that Dra. Belo is innocent here."

Sundot naman ni Butch, at pinagtaksilan daw?

"Hindi," mabilis na sagot si Lolit, "Ang kasalanan lang ni Vicki ay na-in love siya sa... gago ba ang tawag du'n? Okey, maling lalaki! I love you Vicki Belo!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN