Rochelle Barrameda wishes murdered sister's children come to the wake

"Sabik na sabik po kami na makita ang mga pamangkin ko. Noong mawala po si Ruby, nang maghiwalay sila, hindi na rin po namin nakita ang mga pamangkin ko. This time po, nakikiusap kami na sana, sa huling sandali ng kapatid ko, ay makasama at makapiling naman niya ang mga anak niya... Pero may nakapagsabi na mismo raw si Marga ang pumipigil sa kanya na pumunta rito kasi baka raw may masama kaming gawin sa lola niya, sa lolo niya, at sa uncle niya," says Rochelle Barrameda (m


Halata pa rin ang lungkot sa tinig ni Rochelle Barrameda sa pagpanaw ng kapatid niyang si Ruby Rose Barrameda-Jimenez na halos dalawang taon ding hinanap ng pamilya nang ito'y biglang mawala. Idagdag pa rito ang karumaldumal na pagkamatay ng kapatid.

Through a phone-patch interview ay nakapanayam ni Ricky Lo sa Startalk si Rochelle noong Sabado, June 13. Una nitong itinanong at kinumusta kung nakadalaw na raw ba sa wake ng kanilang ina ang dalawa nitong anak.

"Hindi pa po. Actually, tumawag po sa akin si Congressman Daza ng Gabriela. Pinaalam lang po niya sa akin na nakausap na niya po yung abogado ng mga Jimenez na si Attorney [Mario] Aguinaldo, na kung pupuwede nga pong papuntahin yung mga anak ni Ruby dito sa burol niya.

"Kaya lang, ang sagot daw po ni Atty. Aguinaldo, sinasabi ko na ayokong papuntahin ang mga Jimenez dito sa burol ng kapatid ko. Siguro naman po, malinaw naman po sa lahat and I'm very vocal about my feelings na hindi po namin kaya na makita si Manny [Ruby Rose's husband Manuel “Third" Jimenez III] or si Attorney Jimenez [Manuel Jimenez Jr., Ruby Rose's father-in-law].

"Sabik na sabik po kami na makita ang mga pamangkin ko. Noong mawala po si Ruby, nang maghiwalay sila, hindi na rin po namin nakita ang mga pamangkin ko. This time po, nakikiusap kami na sana, sa huling sandali ng kapatid ko, ay makasama at makapiling naman niya ang mga anak niya."

Dugtong pa niya, "Kasi, napanood ko yung isang interview ni Manny na ipinaalam na niya kay Marga [Ruby Rose's eldest daughter] kung ano yung nangyari sa mommy niya at iyak daw nang iyak ang bata. Gusto na raw niyang makita at makasama yung mommy niya. Pero may nakapagsabi sa akin kagabi na mismo raw si Marga ang pumipigil sa kanya na pumunta rito kasi baka raw may masama kaming gawin sa lola niya, sa lolo niya, at sa uncle niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala naman po kaming ganung kakayahan para nga na may gawing masama. Ang sa akin lang, hinihintay po namin na makasama ang mga anak ni Ruby sa ganitong sitwasyon ng kapatid ko."

CUSTODY. Tanong naman ni Ricky Lo, anong balak nina Rochelle sa custody ng mga pamangkin?

"Sa ngayon po, naka-focus po kami sa wake ni Ruby. Talaga pong inaano namin, sa panahong ito na makasama niya yung mga dumamay po sa amin from the very beginning. So, yung sa kaso po na anuman, iniisang tabi muna po namin."

Bakit hindi kasama ang brother-in-law niya sa sinampahang kaso na "murder?"

"Kasi nga po, wala naman po siya sa nasabi po sa witness. Pero may mga ano rin po kami na, siyempre, hindi rin po ito mangyayari kundi dahil sa gulo nilang mag-asawa."

Sa Lunes, June 15, ang preliminary investigation ng Department of Justice. Anong inaasahan ni Rochelle na kalalabasan nito, tanong ni Ricky.

"Hindi ko po alam... Kasi sa ngayon, ang hirap po kung ano ang mangyayari. Lalo na nga po preliminary, tapos nakaburol pa po si Ruby. Ngayon po, talagang naka-focus kami dun sa kapatid ko."

Ayon kay Rochelle, sa Tuesday, June 16, ang libing ni Ruby Rose.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN