Megan Young clueless about rumored affair of former Betty La Fea co-stars

"I love being a kontrabida. So, gusto ko, sana balang araw ako naman yung main kontrabida sa isang teleserye," says Megan Young.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang young star na si Megan Young sa nakaraang AkoMismo concert noong Biyernes, June 12, at nabanggit niya sa amin na wala naman daw siyang napansing namumuong relasyon sa co-stars niya noon sa I Love Betty La Fea na sina John Lloyd Cruz at Ruffa Gutierrez, na nali-link ngayon.

"Ako, I don't know anything about them," sabi ni Megan. "This is the first time I've heard the issue lang."

Matagal nang natapos ang ABS-CBN primetime soap, at wala nang update si Megan sa cast ng naturang show, kung saan gumanap siya bilang si Marcella, girlfriend ni Armando (John Lloyd) at kapatid ni Daniella (Ruffa).

DREAM ROLE. Mahusay ang pagkakaganap ni Megan sa I Love Betty La Fea bilang kontrabida ng karakter ni Bea Alonzo as Betty, kaya naman naitanong din ng PEP sa kanya kung may bago bang offer ang ABS-CBN na bagong show.

Ayon kay Megan, mayroon nang ibinigay sa kanya ang Kapamilya network ngunit hindi niya ito maaring sabihin dahil hindi pa raw tapos ang mga detalye.

Ngunit kung may role siyang nais hilingin, ito ay ang maging isang successful na kontrabida.

"I love being a kontrabida. So, gusto ko, sana balang araw ako naman yung main kontrabida sa isang teleserye," sabi ni Megan.

Pero gaano kahirap ba ang gumanap na kalaban ng bida?

"Well, para sa akin, mas madali kaysa sa sweet. Kasi 'pag ako nagpapa-sweet, nagmumukha akong bata, e. I don't know how to evolve that character yet into a more mature way. So para sa akin, mas madali magkontrabida," paliwanag niya.

Pero kung kontrabida siya, paano ba niya naiiiwasang mawala ang ganda niya dahil sa pag-arte na laging galit? Ano ba ang beauty secret niya?

"Ang secret ko lang milk. Di ba nga ang sabi nga nila, water at milk? At siyempre, huwag mong i-stress yung sarili mo," sagot ng StarStruck alumna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano kung maging endorser siya ng gatas?

"Kung puwede lang!" tawa ni Megan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN