Next Big Star contender Geoff Taylor gets emotional while talking about his American father

Geoff Taylor is one of the finalists in GMA-7's Are You The Next Big Star?. He was part of the first season of ABS-CBN's Pinoy Dream Academy.


Nagulat kami nang umiyak ang Circle of 16 member ng Are You the Next Big Star? na si Geoff Taylor habang kausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanyang American father na nagngangalang Jeffrey Taylor.

"Gusto pong mag-stay nung dad ko dito noon. Pero ang nangyari, parang hindi siya pinayagan ng boss nila. Sa Subic po nagkakilala ang father at mother ko, hanggang sa nagsusulatan sila ng ilang taon. And then, nagkaasawa na siya sa Amerika. Kaya meron po akong half-brother at half-sister doon, pero hindi ko pa sila nakikita. Ang mommy ko, hindi nag-asawa ng iba. Sa mother ko, wala akong kapatid, ako lang, mag-isa po ako," kuwento ni Geoff sa presentation ng Circle of 16 ng Are You The Next Big Star? last Saturday, June 13, Skydome ng SM North Edsa.

Binata na si Geoff noong nagkita sila sa unang pagkakataon ng kanyang ama two years ago, nang hanapin ng programang Nagmamahal, Kapamilya ng ABS-CBN ang American father niya at pauwiin dito sa Pilipinas. That time ay nagsisimula na si Geoff na subukan ang kanyang kapalaran sa showbiz sa pamamagitan ng pagsali sa Mossimo Bikini Summit at sa Season 1 ng Pinoy Dream Academy.

Nabigyan ng daan na mahanap at magkaharap sila ng kanyang ama na never pa niyang nakita.

"Mga four days lang kami nagsama, medyo bitin nga po," banggit niya.

Umiyak ang mag-ama sa una nilang pagkikita.

"Hindi ko po ine-expect. Kasi yun nga din ang sabi ng mga kaibigan ko, 'Grabe yung dad mo, umiyak siya...' E, kasi Navy siya, kaya di ba dapat matigas?"

Nang sabihin namin kay Geoff na kamukha niya ang tatay niya, dun na nagsimula ang pagluha nito. At nang tanungin namin ang aspiring singer kung American citizen na siya ay lalong nagtuluy-tuloy ang pag-iyak nito at halos hindi makapagsalita.

"Nilalakad po namin ang papers ko," aniya. "Yung manager ko, may friend siyang producer. Tapos sabi niya, 'Di ba yung alaga mo gusto niyang maging American citizen, gusto niyang maging blue passport? 'Ayan, magpo-produce ako ng concert ng Cueshe sa Guam this coming May 28.' Sabi niya, 'Kung gusto mo, i-front act natin siya. Pero wala siyang TF, pero may visa siya.' Sila po ang nag-aayos. Hindi po siya blue passport, parang tourist visa lang po siya, hindi naman po talaga gig yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang reason ko kung bakit pupunta sana ako dun kahit walang TF," patuloy ni Geoff, "para maayos ko nga po. Para malakad na namin yung sa amin ng dad ko, para makapag-DNA na ako. Pero hindi po nangyari dahil nasa mainland po siya, tapos nasa Guam ako, malayo po. Yun yung ikinakalungkot ko, kasi hindi kami nagkita."

Hindi naman daw nagkaroon ng pagkakataon si Geoff na puntahan ang ama niya sa U.S. mainland.

"Wala po akong budget kasi. Yun talaga sana yung pakay ko, and then, walang nangyari," paliwanag niya.

Dahil malayo nga, hindi rin siya napuntahan ng tatay niya. Pero may pangako ito kay Geoff.

"Sabi po niya, 'Kung gusto mo, tutal yung visa mo naman is matagal pa...' Parang mag-iisang taon yung visa ko, e. 'Basta within this year, magkita tayo,' sabi niya sa akin. So okay lang din po para mailakad na din yung gusto kong mangyari."

Regular ba ang communication nila?

"Hindi po masyado," sagot ni Geoff.

Nagkakausap sila by phone from time to time?

"Sulat po. Nakausap ko siya sa phone nung nasa Pinoy Dream Academy po ako. Sa personal, sa Nagmamahal, Kapamilya. Yung last, nakausap ko siya twice. Pero kasalanan ko po, nawala po yung SIM card ko before."

Hindi naman totally nawala ang communication nila?

"Hindi naman po, kasi sa letter."

Alam ng asawa ng ama niya ang tungkol kay Geoff.

"Alam niya, pero hiwalay na po siya. Kasi ang asawa niya ngayon, taga-Peru. Yung dati, Pinay din."

Within this year magkikita ba ulit sila?

"Sana po matuloy na." May luha pa rin sa mga mata ni Geoff.

IF HE WINS... Ang dalawang mananalo—one boy and one girl—sa Are You The Next Big Star?, hosted by Regine Velasquez and Keempee de Leon, ay magwawagi ng exclusive GMA-7 management contact, recording contract sa GMA Records, a condominium unit from Avida Land Corporation, and one million pesos each.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kapag pinalad na manalo si Geoff, ang cash prize niya ay gagamitin daw niya para puntahan ang tatay niya at makapagpa-DNA test para matupad na ang mithiin ni Geoff na maging legal na anak ng kanyang ama.

"Siguro po, yun yung unang-una kong gagawin. Pero depende po siguro sa GMA. Kasi siyempre kapag nanalo ka, merong mga schedules, ang dami."

Halimbawang makakausap ni Geoff ang father niya ngayon, ano ang sasabihin niya dito?

"Sana po suportahan niya ako dito [Are You The Next Big Star?]."

To lighten up the mood, pabirong sinabi ni Geoff na sana ay padalhan siya ng pera ng tatay niyang Amerikano.

"Kasi po yung culture ng mga Americans, na kapag na-reach mo yung age na 18, magiging ano ka na, independent," aniya.

Dati naman daw ay pinadalhan siya nito ng financial support.

"In fairness po, nagpapadala naman po. Pero hindi na siya ganun like before. Naiintindihan ko po kasi may anak na siya, tapos may asawa na naman siya."

Kaya maigting ang kagustuhan ni Geoff na gawin ang lahat para magwagi bilang the Next Big Star ng GMA-7.

"Basta promise, if ever... Hindi ko naman po sinasabi na mananalo ako, kahit mag-top 3 ako. After lahat ng mga schedules ko, siguro yun po yung gusto kong mangyari, ang mailakad namin yung mga papeles ko," sabi niya.

Kailangan lang talaga ni Geoff na magpa-DNA testing muna bago siya maging legal na anak ng kanyang ama.

"Kasi sa U.S. Embassy po, yun nga po, lumabas ako dati sa Nagmamahal, Kapamilya, tapos yung CD nung show, ibinigay ko na din sa Embassy. Pati ang lahat ng mga letters ng dad ko, grandma, grandpa ko, pictures nila, lahat dinala ko, lahat yun. Pero kailangan po talaga ang DNA para ma-establish na anak niya talaga ako," sabi niya.

Kapag naisaayos na ang lahat at naging American citizen na si Geoff, sa U.S. na ba siya maninirahan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Actually, gusto kong maging dual citizen. Kasi gusto ko pa din dito sa Pilipinas."

In the meantime, mapapanood si Geoff at ang labinglima pang finalists na abutin ang kanilang mga pangarap ng Are You The Next Big Star? tuwing Sabado ng gabi sa GMA-7.

The other 15 contenders na bumubuo sa Circle of 16 ay sina Bobby Solomon, Anton Cruz, Alex Castro, Greggy Santos, PJ Gonzales, Jay Perillo, Justin Francis, Frencheska Farr, Camille Cortez, Shane Tarun, Rachel Gabreza, Cara Quiapos, Zyrene Parsad, Christine Allado, at Alexa Ortega.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN