VJ Greggy Santos is out to prove he can also sing via Are You The Next Big Star?

"Actually, it's really nice for me to at least prove to people na kaya ko rin po talagang kumanta. Na being a music VJ, especially music po yun, meron akong magagawa, at least na musical. I mean, na I can sing other than hosting," says Greggy Santos, one of the finalists in Are You The Next Big Star?.


Isa sa mga ipinagmalalaking talents ng STAGES si Greggy Santos, na kabilang sa Circle of 16 ng Are You The Next Big Star?, ang talent search hosted by Regine Velasquez at Keempee de Leon sa GMA-7.

Paano siya nakapasok sa STAGES, ang talent-management agency nina Carlo Orosa at Audie Gemora?

"Na-discover ako nina Sir Carlo and Sir Audie sa Shangri-La. Kumakain ako, tapos nilapitan nila ako. Nung time na yun, may banda pa po ako nun. 'Underscore' po yung name, pero disbanded na po kami ngayon," umpisang kuwento ni Greggy nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press presentation ng Circle of 16 last Saturday, June 13, sa Skydome ng SM North Edsa.

Pati raw ang band niya ay managed by STAGES noong simula.

"Nung nag-disband kami, they [STAGE] chose to stay with me para i-develop me more as a solo talent. Nag-start kami 2004, na-disband kami 2007. Nung na-disband, ako yung ni-retain nila Sir Carlo," sabi ni Greggy.

Nagkaroon ng commercials si Greggy. Isinali rin siya ng STAGES sa reality show ng Q11, ang Hired, na noon ay naghahanap ng isang male video jock.

"Nanalo po ako dun," kuwento niya. "Then, inilagay po nila ako sa show sa Q11 na Living It Up! kasama ko sina Raymond Gutierez at Tim Yap. Ako po yung music VJ nila dun. I was there for six to seven months. After that, na-stop na yung show, tapos nag-workshop naman po ako sa GMA. Tapos, nagkaroon ng competition, ito nga pong Are You The Next Big Star?, pinasali ako nila Sir Carlo."

Anong feeling ni Greggy nang makapasok siya sa Circle of 16 ng Are You The Next Big Star?

"Sobrang saya ko kasi music is my first love!" bulalas niya. "Actually, it's really nice for me to at least prove to people na kaya ko rin po talagang kumanta. Na being a music VJ, especially music po yun, meron akong magagawa, at least na musical. I mean, na I can sing other than hosting."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang genre ni Greggy bilang singer?

"Mainly alternative and pop-rock," sagot niya. "Pero if ever na kakanta ako ng ibang kanta, like Michael Buble songs, puwede din po siguro. Mahahaluan lang ng konting alternative."

GREGGY'S IDOLS. Kaya hindi raw sila puwedeng ikumpara ni Christian Bautista, na prime talent ng STAGES, o maging ni Sam Concepcion.

"Hindi po, kasi sila Christian, si Sam, more on ballad yung kanta nila. Yung malilinis na walang distortion. Ako may distortion sa gitara, ako yung medyo edgier na version nila, but still clean in a way," paliwanag niya.

Bilang "kapatid" niya sa STAGES, may naibigay na bang tips and advice sa kanya si Christian?

"Si Christian, bihirang-bihira kong makita. Pero kapag nagkikita kami, kapag nag-usap kami, sinasabi lang niya na parang hang on lang, tiyaga lang daw po."

Favorite daw ni Greggy ang American Idol Season 7 winner na si David Cook, na last month ay bumisita sa Pilipinas for a concert with runner-up David Archuleta.

"I tend to think na parang lighter version ako ng idol kong si David Cook," sabi niya.

Although ayon kay Greggy, medyo may "ingay" ang style ni David Cook.

"Number 1 fan niya ako. Kaya lang, para sa akin, baka hindi tangkilikin ng kultura natin ang medyo ganun lagi kaingay. Kaya ako, lighter version niya. 'Tsaka para hindi din masabi na ginagaya ko lang yung idol ko."

Sino naman ang mga paborito niya among local artists?

"Sa local band, Hale po ang gusto ko, e. Tapos si Top Suzara. Si Christian, may mga songs siya na kinakanta ko dati. Like sa kotse, yung 'Invincible.' Yung first single niya, yung revival, yung 'Hands To Heaven.' Tapos yung live album niya, marami siyang kinanta na classical songs, maganda po."

Kapag hindi siya nanalo sa Are You The Next Big Star?, ano ang fallback ni Greggy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"If ever bigyan ako ng chance ng GMA or ng Artist Center na magka-project, I'm really game to do that. Nakapag-workshop na ako sa GMA, sa acting and singing. Sa acting, I think I did pretty well. So I hope mabigyan nila ko ng chance, and hosting din. I really love hosting. As of now, I'm just waiting for whatever opportunity na dumating," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN