John Lloyd Cruz on Ruffa Gutierrez: "Magkaibigan lang kami. Tapos."

"When love happens to a person, wala ka namang choice. Kahit na may naging asawa pa 'yan, may naging anak pa 'yan, kumbaga, hindi naman judgmental ang love, e. Yung buong pagkatao ng taong yun ang tatanggapin mo," says John Lloyd Cruz.


Marami ang nakapansin na malungkot at maluha-luha si John Lloyd Cruz sa birthday presentation niya sa ASAP '09 noong Sunday, June 14. Dala ba yun na tumanda siya ng isang taon—he will turn 26 on June 24—o talagang may pinagdadaanan siyang problema?

Ilang araw kasi bago ang birthday celebration ni John Lloyd ay hinamon siya ni Annabelle Rama na aminin sa publiko ang tunay na nararamdaman niya para sa anak niyang si Ruffa Gutierrez. Si John Lloyd ang sinasabing dahilan ng pag-alis ni Ruffa sa kanilang tahanan sa Dasmariñas Village, Makati City. (Click here to read related article.)

"Birthday blues lang yun," sagot ni John Lloyd.

Pero halatang malungkot ang mga mata ng aktor nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa rehearsal ng Star Magic World Concert Tour last Sunday, June 14.

NO BIRTHDAY CELEBRATION. Wala raw balak si John Lloyd na i-celebrate ang birthday niya. Gusto niya ay dumaan na lang ito. Sa June 23 ang dating niya sa Los Angeles at kaarawan na niya the following day.

"This year, lilipas lang talaga ang birthday ko. Wala akong major plans. So, 'ayun, dun ako magbi-birthday. Then, [June] 25, punta na ako sa Ontario [Canada] para dun sa show. Kasi may rehearsal, may blocking pa kami dun," sabi niya.

Iniintriga na ngayon na magkikita sila ni Ruffa sa L.A. dahil papunta rin ang actress-TV host doon sa panahong nandoon din si John Lloyd.

"Bakit naman hindi?" rason niya. "I mean, why not kung makita ko siya? Ang talagang kikitain ko ay yung mga kaibigan ko. Pero siyempre, meron kaming medyo the same group of friends in L.A. Pero may sarili siyang lakad dun at parang may party siya para sa Roof A Child Foundation.

Kung may gift siyang gustong matanggap galing kay Ruffa sa birthday niya, ano yun?

"Wala. Sabi ko nga, wala ako sa mood mag-celebrate. Wala talaga akong hinihiling talaga ngayon, e. I'm not even expecting a party for myself. A simple text message on the day of my birthday from the three of them [Ruffa, Bea Alonzo, Sarah Geronimo], yun lang masaya na ako. The fact na naalala nila ako sa birthday ko, okey na yun," malaman niyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

What about kay Annabelle?

Tumawa muna si John Lloyd bago sumagot. Aniya, "Wala... Wala akong ini-expect from her. Unang-una, hindi naman kami close. Bakit naman niya ako reregaluhan?"

Ano naman ang ireregalo niya kay Ruffa, na ka-birthday niya sa June 24; although she is turning 35?

"Tingnan ko," sagot ni John Lloyd. "Punta ako sa States, baka may mahanap ako dun.

"Shoes? Tingnan ko. Sinukat ko sapatos nun, e! Kasya sa akin!" natatawang sabi ng aktor.

THE REAL SCORE. Ano ang comment niya sa pahayag ni Ruffa na hindi pa man lumalalim ang "friendship" nila ay parang nawawala na rin dahil sa intriga?

"Yun ang sinasabi ko dati na nangyari kay Carmen [Soo]," paalala ni John Lloyd. "Parang we just wanted to be friends. Di ba, ang sarap na meron kang friends na taga-Malaysia na pagpunta mo dun? At saka masarap yung marami kang friends. E, dati, parang medyo napigilan yun dahil inunahan ng balita.

"Parang ganito ang nangyayari ngayon. Although this time, magkaibigan kami ni Ruffa. And nahihirapan lang kami to act like normal real friends dahil inunahan na naman ng intriga, although extreme yung mga naglalabasan. Kung paano naaapektuhan yung pagkakaibigan namin. Parang ang hirap i-sacrifice, e. I mean, para saan? Kasi may mga naglalabasan na hindi magagandang balita," saad niya.

Against daw ang kampo niya kay Ruffa? Totoo ba ito?

"Ang lawak naman ng narating ng isyung ito," reaksiyon ni John Lloyd. "Ang para sa akin, sobra na. Masyado nang lumawak ang kinapuntahan ng isyung ito. Para sa akin, tama na. Hindi na dapat ito pahabain nang pahabain. Kami ni Ruffa ay magkaibigan lang. Tapos. Yung mga nagki-create ng kung anu-anong intriga out of it, kasi masarap nga namang pag-usapan.

"Ako, kagagaling ko lang sa isang relationship. Siya, galing sa isang matagal nang hiwalay. Di ba, parang hot item? Pero huwag naman at our own expense, kasi may mga pangalan na nagsa-suffer. May mga relationship na nagsa-suffer. Sana ma-consider lang naman nila. Magkaibigan lang kami. Tapos. Hindi na kailangang pahabain pa na ayaw ni kampo ng ganito, ayaw ng kampo ni..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng iba, "You and and me against the world" ang nangyayari sa relasyon nila ni Ruffa.

"Exag! Sobra...sobra...sobra talaga yun!" natawa niyang reaksiyon.

Ano ang masasabi niya sa mga nanghuhusga sa kanila ni Ruffa?

"Sa mga ganitong pagkakataon, mga friendship ang nagsa-suffer,e. Alam mo yun? So, parang sayang naman, di ba?" aniya.

ANNABELLE'S REACTION. Ano naman ang masasabi niya sa reaction ni Annabelle sa nababalitang relasyon nila ni Ruffa

"Ayaw ko kasing mag-comment dun kasi pag sumagot ako, sasagot na naman siya. So, hindi matatapos. I think ganito na lang, I will keep my silence na lang. As long as nagkakausap naman kami ni Ruffa at nagkakaintindihan naman kami. Alam niya ang totoo, alam ko rin ang totoo. Puwede silang mag-usap ni Tita Annabelle," paliwanag ni John Lloyd.

Nalulungkot ba siya kung napapanood niya at nakakarating sa kanya ang mga sinasabi ni Tita Annabelle tungkol sa kanya?

"Ayaw kong mag-comment, di ba?" natatawang paalala ni John Lloyd. "Hindi naman sa na-sad. Kumbaga, kung meron dapat mag-usap, sila. Si Ruffa ang mas makakapagpaliwanag sa mommy niya kung anuman yung totoo."

Ano ang reaksiyon ng pamilya niya sa mga sinasabi ni Annabelle sa kanya?

"Sabi ko nga, napaka-personal ng approach ko sa mga bali-balita, mga intriga, and what more para sa pamilya ko, di ba? Kung anuman yung napag-uusapan namin within the family... I mean, para sa pamilya yun. I cannot speak for my family. Irerespeto ko yung privacy ng buong pamilya namin.

"Para sa akin, pag nandun ako, yun ang personal ko, at hindi lang sa akin. Kaya mahirap i-share, e. Ayaw ko namang tumayong nagmamarunong na parang nagsasalita ako on their behalf. Ano lang ako, bunsong anak lang ako," paliwanag niya.

Bata pa raw siya para kay Ruffa. Ano ang masasabi ni John Lloyd dito?

"Talagang bata pa ako," pagsang-ayon niya. "Sinagot ko na 'yan noon. Ang sabi ko, when love happens to a person, wala ka namang choice. Kahit na may naging asawa pa 'yan, may naging anak pa 'yan, kumbaga, hindi naman judgmental ang love, e. Yung buong pagkatao ng taong yun ang tatanggapin mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"With our case, ang nangyayari, pinag-uusapan na yung love, e, magkaibigan lang kami. Hindi naman nag-e-exist yung word na yun. Medyo naapektuhan yung friendship namin. Kasi may mga write-ups from the past na naibabalik na naman ngayon na hindi ko na babanggitin. Mga negative write-ups na napaka-unfair kasi ang nangyari noon, tapos na yun, e. Pero dahil sa nangyayari ngayon, naibabalik. Hindi ko alam kung bakit. Parang na-struggle mo na, pinagdaanan mo, naghirap ka na para dun, tapos dadaanan mo na naman. Hindi siya fair.

"I think naapektuhan kami. Pero on individual perspective, I'm still a friend to her. Pero parang ang sabi ko nga sa kanya muna, 'Medyo kailangang huwag muna tayong lumabas para hindi na makadagdag sa intriga, di ba? Kasi, hindi naman natin kayang pigilin yung balita at pilitin silang paniwalaan kung ano ang sinasabi natin. Parang sila naman ang nasusunod, e, di huwag na tayong gumatong.'

"In that sense, naapektuhan talaga kami. Pero kaibigan ko pa rin yung tao. Ipagtatanggol ko pa rin siya in the same way kung paano ko ipagtatanggol ang iba kong mga kaibigan," mahabang pahayag ni John Lloyd.

Pero totoo bang nireregaluhan niya si Ruffa at dinadalhan ng pagkain?

"Hindi," sagot ni John Lloyd. "Isang pagkakataon lang ang alam kong nagpadala ako ng pagkain. Kasi naman sa Betty [La Fea] dati, pag nagpapadala ako ng pagkain, para sa lahat. One time, naalala ko, meron akong pasta na hindi nakain sa taping ng Betty. Kesa naman masayang, tinanong ko yung assistant niya, baka gusto ni Ruffa. Very casually, yung mga bagay na ganyan, ginagawa ko 'yan kahit kanino, e, nabibigyan lang ng ganyang hindi magandang inclination."

Totoo bang nag-date sila ni Ruffa sa yate ni Willie Revillame at dun sila nag-usap nang masinsinan?

"Ha? Bakit naman kami magya-yate pa?" tawa ni John Lloyd. "Nag-usap lang kami over the phone. Mahal, ha! Siyempre pag pumasok ka ng yacht club, iba na yun. Hindi naman sa kuripot. Kumbaga, there's no sense na doon kami mag-usap."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Handa na ba siyang ma-in love ulit?

"I'm not ready. Right now, concentrate... Ang dami kong na-miss sa personal life ko. Trabaho ko nandiyan. Trabaho pa lang, hinigop na ng energy ko," pagtatapos ni John Lloyd.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN