Anne Curtis says she is still a Kapamilya

Young actress Anne Curtis guested on The Buzz last Sunday, June 14, where she talked about her recent vacation in Europe and about new issues being thrown at her.


Sa live guesting ni Anne Curtis sa The Buzz last Sunday, June 14, masayang ikinuwento ng aktres sa host na si Kris Aquino ang kanyang month-long vacation sa Europe mula May 5 hanggang June 5.

Kris: O, magkuwento ka. Ano yung mga pinakabonggang experience?

Anne: Yung bridge jumping sa Barcelona, grabe yung adrenaline! Kasi parang five seconds yun of free falling, feeling ko talaga mamamatay na ako!

Kris: You have to pay pa for that, e, di ba? How much?

Anne: Yeah, you have to pay for it, 70 Euros.

Kris: O, di ba, magbabayad ka pa para takutin ang sarili mo?

Anne: I know. Pero sobrang saya. And then also I attended a music festival.

Kris: I was with Liz [Uy, stylist ni Kris at kaibigan ni Anne na nakasama ng aktres sa isang stop niya sa Europe] last Thursday, Friday. Sa sobrang fun daw ng inyong experience, may mga nights daw na less than two hours daw ang tulog n'yo. Bakit? Kuwento mo nga, paano? Give me a typical day.

Anne: We'd wake up. Have breakfast.

Kris: Ano ang oras ng bangon?

Anne: Siguro mga 9 or 10 a.m.

Kris: Ang mahal daw ng kape?

Anne: Yeah, but worth it naman. And then, magbe-breakfast kami. And then we'll do sight-seeing, whether it'll be castles, cathedrals.

Kris: Yun nga ang sabi niya [Liz], mga castles, cathedrals, and musuems daw ang nakita n'yo. How cultured! Ako, puro mall lang ang pupuntahan ko! O, tapos?

Anne: Yun nga yun mga pinuntahan namin. And then sa gabi, mga bars.

Kris: Ang tanong, who did you meet?

Anne: Maraming-marami kaming na-meet.

Kris: Nagandahan sila sa iyo?

Anne: Hindi ko alam.

Kris: Anne, ang sagot diyan, 'Of course, ate!" Ano ang feeling nila sa personality mo?

Anne: Well, they know we don 't look Filipino, kasi si Liz naman looks Chinese. Ako naman...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kris: Oo, para kayong United Nations...

Anne: I don't know wala naman silang sinasabi, but they could tell na mix ako. They would always ask, what are you mixed of?

Kris: Meron ka bang bonggang nakilala? Kasi you flew alone. Minsan meron mga cutie-cutie.

Anne: Marami akong na-meet.

Kris: Sa airplane, wala?

Anne: Sa airplane, wala. Lagi akong tulog sa plane, e. It was more when I would go around... in Majorca or in Marbella, dun meron akong na-meet.

SAM MILBY. Sumunod namang inalala ni Kris ang time na umiyak si Anne sa kanya dahil sa breakup nila ni Sam Milby.

Kris: I'm counting, ha, September ba tayo nag-iyakan or October?

Anne: September.

Kris: O, June na tayo. Nine months na, nakabuo na ng baby in that amount of time. So, okay ka na?

Anne: I am good.

Kris: Really? Communication, nagto-talk kayo ni Sam o hindi?

Anne: Yes, we keep in touch from time to time.

Kris: Pero wala na?

Anne: Ahh... [Hindi nakasagot si Anne.]

Kris: Bukas ang pintuan?

Anne: Who knows? I mean, as of now, we're very happy as friends.

Kris: You're dating?

Anne: I'm open to it na.

Kris: Oh, you are. Sa Europe may na-date ka?

Anne: Meron, meron.

Kris: Oh, good for you. Dito, meron na?

Anne: Dito sa Philippines? Meron din.

HAYDEN KHO. Hindi rin pinaligtas ni Kris si Anne sa pagsagot sa kumakalat na isyu na kasama raw si Anne sa mga babaeng na-video ni Hayden sa controversial sex video scandal.

Kris: O, this is your moment, i-clear mo na yung kay Hayden?

Anne: Huh!? Bakit ako?

Kris: Hello, ang dami ko na ngang inaway about diyan. Sabi ko, hello, I'm so sure, hindi. Magkamatayan na tayo, ganun talaga ako.

Anne: Wala talaga, wala talaga. I can really assure everyone that there is nothing, no video.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kris: Sobra naman siyang sinuswerte, di ba? Parang ganun. That was my opinion.

Anne: There is none. And as much as possible, I'd rather not comment on that issue kasi I'm not there naman. Wala talaga. Walang video.

HAPPY LIFE. Kung inakala ng marami na magtatanong si Kris about Liz and John Lloyd Cruz na nag-break na raw, nagpauna na agad si Kris na hindi nila pag-uusapan ito.

Kris: I don't want to ask you about Liz. So, dedma na kay Liz. I'm sorry about that. When she's ready to talk, she can talk. But if she doesn't want to talk, she's not an artista, so she doesn't have to talk.

Anne: Yes.

Kris: So, ikaw? Ikaw ang ginagamit ko sa kanya na, "O, you don't have to be crying-crying, ha?" Pero now, look at you, you're happy.

Anne: Yes, I'm very happy. I'm happy!

Kris: Okay, The Wedding...

Anne: Yes, finally sa June 29 na... The Wedding. It's very cute. Directed by Jeffrey Jeturian. Na-preview ko na yung first week. I'm very excited na mapalabas siya. Sana magustuhan siya ng mga tao.

Kris: You're still a Kapamilya?

Anne: Yes.

Kris: O, ba't ganun lang yung yes?

Anne: Yes, I still am! [Sa mas malakas na tono.]

Kris: Are you happy to be a Kapamilya?

Anne: Yes!

Kris: Really? Just making sure. So, you're happy for Sam? Only You is doing good, ha.

Anne: Yes, I'm happy for him.

Kris: Talaga?

Anne: Happy talaga ako.

Kris: E, kasi sometimes may bitterness. Pero wala na, I feel you're happy.

Anne: Thank you.

Kris: You look wonderful. The Wedding looks wonderful. Mukhang ano... I always say na I learn so much from you. Because of the travels, parang sabi ko sarili ko, I'm so kulang sa experiences in life, kundi amusement park, shopping mall lang. So, I'm gonna be like you. For my next trip, museums, cathedrals, universities and castles na din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anne: Yes, it's amazing to learn and experience new things in life. So, by the next tour naman.

Kris: Where?

Anne: I don't know. Maybe South America or South Africa, we'll see.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN