Cristine Reyes out, Katrina Halili in as Fedra in Rosalinda?

According to a report, Cristine Reyes (left) will no longer play Fedra in the Pinoy version of the Mexicanovela Rosalinda; replacing her is Katrina Halili (right) who met with a GMA-7 executive earlier today. But nothing is certain yet, what with a complication regarding Cristine's contact with ABS-CBN.


Sino nga ba ang gaganap na Fedra sa Rosalinda?

Pormal nang ipinakilala sa publiko ang gaganap sa mga pangunahing tauhan sa Pinoy version ng phenomenal hit na Mexicanovela, ang Rosalinda. Ito ay ang baguhang si Carla Abellana bilang Rosalinda at ang balik-Kapuso na si Geoff Eigenmann bilang Fernando Jose.

Maging ang mga supporting cast ay nai-announce na rin dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal). Pero hanggang ngayon ay wala pa ring announcement kung sino ang gaganap sa papel na Fedra, ang pangunahing kontrabida sa Rosalinda. (Click here to read related article.)

Lately, malakas ang bulung-bulungan na si Cristine Reyes ang gaganap bilang Fedra. Pumayag daw ang StarStruck alumna na maging kontrabida muli sa kanyang napabalitang pagbabalik sa GMA-7, pagkatapos niyang lumipat sa ABS-CBN noong isang taon.

Sa recent interviews ni Cristine ay naging vocal siya sa pagsasabing gusto na niyang bumalik sa kanyang unang tahanan, kahit pa bumalik siya sa pagkokontrabida matapos siyang bigyan ng lead role ng ABS-CBN noon via Eva Fonda. Nasa puso pa rin daw kasi ni Cristine ang GMA-7 kahit pa naging kontrobersiyal ang pag-alis niya noon dito. (Click here to read related article.)

Handa na sana lahat ang pagbabalik ni Cristine sa Kapuso network. Nakatakda na sana siya, at ang kanyang manager na si Veronique del Rosario ng Viva Artists Agency (VAA), na pumirma ng kontrata para sa Rosalinda kahapon, June 15. Pero ayon sa isang source ng PEP, na malapit kay Cristine, hindi natuloy ang pagpirma ng young actress dahil may problema pa raw kasi ang kontrata niya sa ABS-CBN.

Ang latest na balita, nakita ng isa pang source ng PEP ang controversial young actress na si Katrina Halili sa bakuran ng GMA Network Center kaninang hapon, June 16. Ayon sa aming source, umakyat daw si Katrina sa opisina ng SVP for Entertainment TV ng GMA-7 na si Ms. Wilma Galvante para makipag-meeting tungkol sa comeback project ng StarStruck alumna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malakas ang kutob ng aming source na ang project na in-offer kay Katrina ay ang role na Fedra sa Rosalinda. Pero hindi pa raw malinaw kung tinanggap ni Katrina ang offer o hindi.

Meron din kasing offer sa kanya na magbida sa TV version ng pelikulang Angela Markado, na pinagbidahan noon ni Hilda Koronel at idinirek ni Lino Brocka. Isa rin si Katrina sa balitang kinu-consider na gumanap bilang Valentina sa pagbabalik-telebisyon ng Darna, na gagampanan ni Marian Rivera.

Matagal-tagal na rin nang huling mapanood si Katrina sa TV. Ang huli niyang primetime show ay ang fantaserye na Gagambino, kasama si Dennis Trillo. Pagkatapos nito ay napanood siya sa ilang episodes ng drama anthology na Dear Friend.

Naapektuhan ang career ni Katrina nang pumutok ang isyu tungkol sa sex video nila ni Hayden Kho, na umabot pa nga sa Senado. Ilang linggo ring hindi nakapagtrabaho ang aktres dahil kailangan niyang harapin ang reklamong isinampa niya laban sa ilang tao na may kinalaman diumano sa pagkalat ng sex videos.

Kung naging maayos ang meeting ni Katrina with Ms. Galvante, mukhang handa na ulit magtrabaho ang controversial young actress.

As for Cristine, mukhang mauudlot ang pagbabalik niya sa GMA-7 at wala siyang magagawa kundi ang ituloy ang pagtatrabaho niya sa ABS-CBN—sa ayaw at gusto niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN