Wendy Valdez reveals issue between her and Bruce Quebral's mom

"I'm just hearing some stuff from other fans na nakakausap ng mom ni Bruce. Parang she's saying stuff about me... Hayun, ewan... Pero I don't know, salin lang ng salita. So I can't really tell," says Wendy Valdez about the mother of her boyfriend Bruce Quebral.


Kung si Wendy Valdez ang tatanungin, going strong pa rin ang relationship nila ng boyfriend niyang si Bruce Quebral. Ito ay sa kabila na si Bruce ay mas nag-e-enjoy na sa kanyang trabaho bilang flight steward sa Emirates, samantalang si Wendy ay busy naman sa kanyang showbiz career.

Nagkakilala sina Wendy at Bruce nang kapwa sila maging housemates sa Pinoy Big Brother Season 2 ng ABS-CBN.

Ayon kay Wendy, hindi raw sila nagkasama ni Bruce during her birthday last June 2. Pero may advanced gift na raw ang boyfriend sa kanya—isang Coach bag na gamit-gamit niya last June 15 nang ipa-presscon siya, along with other Star Magic June birthday celebrators, sa 14th Floor ng ELJ Building ng ABS-CBN.

"Pero ginamit ko lang siya after na ng birthday ko," nakangiting sabi ni Wendy sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Noong birthday ko, hindi kami magkasama. Nagkaroon lang ako ng parang konting party, yung mga fans ang nag-prepare. Tapos, nag-ano siya [Bruce] dun, nag-phone patch.

"Pero okey na rin naman, kasi almost every month naman he can come over, kapag layover or leave niya. At saka kapag nalulungkot kami, we always tell na we're lucky to have that. Unlike yung mga OFW na taon bago nila makita ang pamilya nila, tulad ng tatay ko."

FAMILY PROBLEM. May nakarating na balita sa PEP na parehong may problema sina Wendy at Bruce sa kani-kanilang pamilya, at nakumpirma namin ito sa birthday wish ni Wendy.

"Sana maging okey na lahat ng situation sa families namin," sambit niya.

May problema ba?

"Palagi namang may problema!" natawa niyang sagot. "Kasi, di ba, breadwinner kami at saka hindi naman kami ganoon kalalakas kumita pa lang? So, yung mga bagay na we have to deal with pa."

Tinanong din namin si Wendy kung may problema ba sa kanila ng kanyang ina, although during the presscon ay kasama niya ito. May balita kasing nagkaroon daw sila ng problema dahil very vocal daw ang mommy niya na ayaw nito kay Bruce para kay Wendy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo nga, bakit may ganun?" nagtatakang sabi ni Wendy. "Parang baligtad yata. Si Bruce, like siya ng mom ko. Ewan ko lang sa mom niya [Bruce]."

So, ang mommy pala ni Bruce ang ayaw sa kanya?

"Hindi, hindi... Ang sabi ko lang, ewan ko lang," sabi niya.

Halata sa mukha ni Wendy na may problema talaga ngayon sa pagitan nila ng ina ni Bruce. So, we asked her kung saan nagsimula ang isyu.

"Well, with my mom, kasi dati, ang mommy ko naman, wala naman talaga siyang gusto na kung puwede lang, hindi ako magka-asawa or magka-boyfriend. Pero dumating din siya sa point na dahil mabait naman si Bruce... Like, kapag dumarating nga po si Bruce dito, kapag may layover, pinapadalhan niya ng kutsinta. So, alam mo yun? I really feel na they are okay.

"Ako, I love to talk, madaldal ako. Same thing with my mom, and Bruce is a good listener. So, there are times na kapag magkasama kami, sila lang ang nagkukuwentuhan. In other words, they are very much okay. Sabi ko nga sa kanya, 'O, napa-ano mo ang mommy ko. Baka kapag niloko mo ako...'"

So, what happened between her and Bruce's mom?

"I'm just hearing some stuff from other fans na nakakausap ng mom ni Bruce. Parang she's saying stuff about me... Hayun, ewan... Pero I don't know, salin lang ng salita. So I can't really tell," sabi ni Wendy.

"We used to talk" ang sagot ni Wendy sa tanong kung may communication ba siya sa ina ni Bruce. Pero alam naman daw ni Bruce lahat ng nangyayari.

"Alam niya 'yan. Alam naman niyang lahat ang nangyayari. Nasasabi ko sa kanya kung ano ang napi-feel ko, and sometimes I really feel bad about it. I just pray about it.

"I guess, there's just some stuff that they really have to fix first within their family na, feeling nila, it's happening because of me. I think they should fix it and if I'll talk about it to them, what's the point? Kasi, hindi naman sila makikinig."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


FINANCIAL SUPPORT. Hindi kaya iniisip ng ina ni Bruce na kay Wendy na ibinibigay ni Bruce ang suweldo nito?

"Hindi, e," sabi ni Wendy. "Kasi, I never make pakialam sa kung anuman ang nangyayari sa kanya. Kunwari nga, may gusto siyang bilhin sa akin, talagang sinasabi ko na baka ang mahal-mahal. Talagang sobrang hindi ko siya inaano.

"At saka before, noong ako ang mas kumikita sa amin, there are times... For the first time in my life, since mahirap lang din ako, na nagbibigay ako sa date. So, parang nai-stress ako na parang ako yung ibi-blame. Gaya ng sinasabi mo na may ganoon, di ba? Parang hindi tama yun."

Iginiit ni Wendy na hindi siya sinusustentuhan ni Bruce.

"Never, never... Zero!" diin niya. "Actually, before nga, yung first month na umuwi siya, since training pa nga lang, wala pang kita, bigay nga lang niya sa akin, mga ref magnets lang. Mga ganoon lang. So ako, if I hear things or hear stuff, I'm really frustrated."

Hindi ba niya naiisip na baka mahirap ituloy ang relasyon nila kung as early as now ay may mga isyu na sa mga in-laws-to-be?

"Actually, ilang beses ko na sinasabi na ayoko na!" natatawa niyang sabi. "But I think God will always lead us naman if there's a situation like that. Siguro pinapatatag lang niya ang relationship namin."

She must really love Bruce kung ganun?

"Sa ginagawa sa akin? Oo naman!" tawa ni Wendy.

Worth naman si Bruce ng love niya?

"Oo naman," sagot niya. "I feel naman na kaya niyang ipaglaban. Pero ako naman kasi, kahit hindi paniwalaan... Kung sakali that we'll get married and we'll have kids, gusto ko pa rin yung family ties na bisita pa rin. Bisita kami sa family niya, bisita kami sa family ko. I don't close doors and I always tell him na ayusin kung anuman ang problema nila. But, ewan ko ba!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MARRIAGE ISSUE. Nilinaw rin ni Wendy ang tungkol sa pagpapakasal diumano nila ni Bruce sa isang probinsiya noong March 2009. May National Statistics Office (NSO) document kasing ipinadala ang isang anonymous sender sa ilang entertainment press. Maging si Wendy ay nakatanggap din ng e-mail na ito.

"Alam n'yo, nag-type din ako ng birthday ko, pero wala naman. Kasi yung mga fans, parang gustung-gusto nila... Ewan ko if they do that. Hindi ko rin naman masabi kung galit sa amin yung gumawa kasi gusto talaga nila na makasal kami.

"Kasi, I remember before, may nagtanong din sa akin, 'You got married na raw February 1?' Tapos meron daw January 8. So, parang ilang beses na kaming nagpakasal. Tapos ngayon naman, with matching NSO certification pa."

Dagdag ni Wendy, "Wala naman talagang ganoon. Noong malaman ni Bruce, wala lang, natawa lang siya. Kasi palagi naman kaming may isyu na ganoon. At saka gusto namin kung magganyan talaga kami, gusto namin, we have our families with us. Sasabihin namin sa mga tao."

ON MARICAR REYES. Pagkatapos ng presscon ay magte-taping si Wendy para sa Precious Hearts Romances episode nila ni Will Devaughn. Kasama rin niya rito ang model turned actress na si Maricar Reyes, na nakasama rin ni Wendy sa I Love Betty La Fea.

Tinanong namin si Wendy kung ano ang reaksiyon niya sa pagkalat ng sex videos ni Maricar kasama si Hayden Kho.

"Maricar is really nice. I feel really bad for her. It's like ruining people's lives," sabi niya.

Naging close ba sila ni Maricar?

"Nakakakuwentu-kuwentuhan. She's very mahinhin, very nice. The way she talks, she's very soft-spoken. I think she's really having a hard time. Nasa abroad na raw yata. I don't see her anymore, but I really feel bad for her."

Napanood ba niya ang sex video?

"Oo, lahat, yung sa kanilang dalawa. Curious ako, e," pag-amin ni Wendy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na-imagine ba ni Wendy kung may sex video rin siyang lumabas?

"Baka magpakamatay ako!" bulalas niya. "I don't know...people are so mean. I know that. I've been through that. Napaka-judgmental ng mga tao."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN