Jennylyn Mercado says she cannot wear two-piece in public

Jennylyn Mercado recalls the time when she auditioned for the role of Darna during Angel Locsin's time. But when she saw the two-piece costume that she had to wear, she cried and walked out.


Sa gitna ng excitement ng marami sa pagiging bagong Darna ni Marian Rivera sa GMA-7, naitanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kauna-unahang StarStruck Ultimate Female Survivor na si Jennylyn Mercado kung hindi ba pumasok sa isip niya na gampanan ang papel ng Pinay superhero kung bibigyan siya ng pagkakataon.

"Hindi ko carry! Pinanghihinaan ako ng loob talaga," sagot niya.

Para sa mga hindi pa nakakaalam, noong bago pa man nag-Darna si Angel Locsin sa Siete, isa si Jennylyn sa mga ipinatawag ng management para sa audition kung sino ang gaganap ng Pinay superhero na nilikha ni Mars Ravelo.

"Kasi ang story niyan, before pa maging Darna si Angel, kasama ako sa mga nag-audition. Pero hindi ako tumuloy. Dahil for one reason, yung outfit, hindi ko carry na mag-two-piece, hindi ko talaga kaya. Kahit kunwari Dyesebel, na fin lang tapos walang bra, nanghihina talaga ako, hindi ko kaya," paliwanag ni Jennylyn.

Pero pumunta ba siya sa audition?

"Nandun na ako. Sa Filmex ang audition nun, nandun na ako sa dressing room. Tapos nung ipinakita nila yung outfit, umiyak ako. Sabi ko, 'Uwi na po ako.' Umuwi ako, umiiyak ako. Until now, ayoko. Pinanghihinaan na ako ng loob kapag two-piece na ang pinag-uusapan, ayoko talaga.

"Kung mapapansin ninyo yung FHM ko, hindi ako nag-two-piece, hindi ako nag-bra at panty. Shorts 'tsaka lingerie ang suot ko. Tapos nung sa Maxim ko, naka-costume ako ng Super Noypi," pagbabalik-tanaw ng aktres.

Hindi raw talaga kaya ni Jennylyn na magsuot ng two-piece.

"Hindi talaga, manang na manang ang level ko 'pag 'yon ang usapan!" tawa niya. "Nagalit pa nga si Direk Joel [Lamangan] nun, siya ang nagpapa-audition. Nagalit siya kasi nag-walkout ako na umiiyak."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN