Angelina and Yaya invade the movies

"Pang-big scene ang ginawa namin dito at saka mga hindi ginagawa sa TV ay gagawin dito. Kung gusto ninyong malaman ang origin ni Yaya, dito ninyo malalaman. Ipapaalam na rin ang apelyido ni Yaya Rosalinda. Kailangan at importante yun," says Michael V. (right as Yaya) about invading the movies with Angelina (Ogie Alcasid).


Naimbitahan ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa first shooting day ng pelikulang Spoiled Brat (Whatever Yaya) nina Ogie Alcasid at Michael V. sa isang bahay sa Pacific Village sa Alabang, Muntinlupa, kahapon, June 16. Mula sa direksiyon ni Mike Tuviera, ang pelikula ay may September playdate na.

Nang ma-interview namin sina Ogie at Michael V, ipinahayag ng dalawa ang katuwaan nila na hindi na lang sa Bubble Gang at Hole in the Wall mapapanood sina Angelina at Yaya dahil may pelikula na rin sila.

Ani Michael V, "Ginawa lang naming segment sa Bubble Gang, pang-one time lang sana. After that, parang ang daming ideas na pumasok sa mga writer at ang daming puwedeng scenario. Idea ito ni Direk Uro [dela Cuz]. Nag-isip siya kung paano gigisingin ang mga magulang na inaasa na lang ang mga anak sa yaya. Ang daming nakaka-relate."

Sinegundahan ito ni Ogie at na-feel daw niya agad na may recall sa tao.

"Natutuwa sila at meron ding naiinis," aniya. "So, may ingay ang tandem nina Angelina at Yaya. Sabi ko kay Bitoy [palayaw ni Michael V], puwede nating gawing pelikula."

Sino ang peg ni Yaya Rosalinda?

"Parang sama-samang karakter ng mga yaya. Lahat ng mga kasambahay. Saka, mahilig siya sa mga driver, bangkero, construction workers," sabi ni Michael V.

Ano ang kaibahan nito sa TV?

Ani Ogie, "Mas malaki ang pelikula. Story na ito at hindi lang sketch at may cast pa."

Dagdag naman ni Michael V, "Pang-big scene ang ginawa namin dito at saka mga hindi ginagawa sa TV ay gagawin dito. Kung gusto ninyong malaman ang origin ni Yaya, dito ninyo malalaman. Ipapaalam na rin ang apelyido ni Yaya Rosalinda. Kailangan at importante yun."

Sabi ni Ogie, Arespacochaga ang apelyedo ni Angelina. Ayon naman kay Michael V, seven years old si Angelina at kaya ganun ang edad nito ay dahil GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May mga true-to-life scene si Angelina rito, based sa akin dahil spoiled ako noong bata pa ako," sabi ni Ogie. "Kung wala akong pagkukunang experience, hindi ko ito magagawa nang tama. Angelina is not only spoiled, scheming and conniving din siya."

Hindi alam ni Michael kung lalabas sa pelikula si Edward George, ang lifeguard sa Hole in the Wall, at si Sean Phillip, ang crush ni Angelina. As of today, ang confirmed guests pa lang sa pelikula ay sina Regine Velasquez at Dennis Trillo, na posibleng maging si Sean Phillip.

Kasama naman sa cast sina Jomari Yllana at Aiko Melendez as Angelina's parents, Roxanne Guinoo, Sheena Halili, Victor Aliwalas, Leo Martinez, at Iza Calzado.

Ipinagmalaki ni Michael V na ang gamit nila ni Ogie ay HD makeup, especially made for HD camera na binili ng producer nilang si Mr. Tony Tuviera. Ibinalita naman ni Ogie na maglalabas sila ng soundtrack at sila ni Michael V ang gagawa.

MICHELLE'S WEDDING. Tumiyempo rin ang PEP na tanungin si Ogie tungkol sa nababalitang November wedding ng ex-wife niyang si Michelle Van Eimeren sa fiancé nitong si Mark Murrow. Natawa kami dahil biglang tumaas ang boses nito na parang ayaw sagutin at pag-usapan ang tungkol dito.

"Hindi ko alam ang tungkol diyan. Narinig ko lang," sabi niya.

Sinabi namin sa kanya na in-announce kasi ni Michelle sa Facebook account niya na nakabili na siya ng wedding gown.

"Ano bang Facebook 'yan!" dedma pa rin niyang sagot. "Kung in-announce man niya yun, for her friends siguro. Hayaan n'yo na sila, private sila. Respetuhin na lang natin. But I'm very happy for them, of course."

Dadalo ba sila ni Regine sa kasal? 'Tsaka susunod na ba silang magpapakasal?

"Hindi ko puwedeng sagutin 'yan. Sana puwede kong sagutin. Alam n'yo naman," iwas ni Ogie.

May participation ba sila ni Regine sa kasal ni Michelle?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sana puwede kong sagutin," ulit ni Ogie sa mataas pa rin nitong boses.

Paano kung i-request ni Michelle na kumanta sila ni Regine sa kasal niya?

"Hindi ko talaga alam kung puwede akong sumagot. Kakantahan ko na lang kayo," patuloy na pag-iwas niya.

Naiintindihan namin kung bakit ayaw sumagot ni Ogie dahil nasa korte pa nga ang annulment case nila ni Michelle, at baka mas magkaproblema kung magsasalita siya tungkol sa mga plano nila ni Regine. Marami naman ang umaasa na sana madesisyunan na ng korte at mapawalang-bisa na ang kasal nila ni Michelle para naman makasal na sina Ogie at Regine, na very much in love sa isa't isa.

"Sana talaga, puwede akong magsalita," huling hirit ni Ogie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN