Ex-couple Jomari Yllana and Aiko Melendez reunite in Spoiled Brat (Whatever Yaya!)

"It's a big opportunity na ang comeback movie ko is something our son can watch. Hindi pa nga niya alam na gagawa kami ng movie ng mommy niya. Surprise sana namin sa kanya, pero malalaman na niya ngayon sa TV at diyaryo," says Jomari Yllana about doing a movie again with ex-wife Aiko Melendez.


Sabay na nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang dating mag-asawa na sina Jomari Yllana at Aiko Melendez sa first shooting day ng Spoiled Brat (Whatever Yaya!) kahapon, June 16, sa Pacific Village, sa may Alabang, Muntinlupa. Sila ang lalabas na parents ni Angelina, na ginagampanan ni Ogie Alcasid.

Ang pelikulang Kahit Kailan, na ginawa noong 1997 sa direksiyon ni Maryo J. de los Reyes, ang last project together ng dalawa. That time, sabi ni Aiko, hindi pa siya nililigawan ni Jomari.

So, anong pakiramdam na after a long time and after Andrei Yllana (their son) ay muli silang magkatrabaho?

"Okay naman," sagot ni Aiko." Kumportable akong katrabaho si Jomari. Never kaming nagkaroon ng bad blood. Ang maganda sa amin, kahit matagal kaming hindi nagkatrabaho, wala kaming masamang pinagsamahan. Puwede kong asarin si Jom, bumubuwelo pa lang ako."

Ayon naman kay Jomari, "Excited ako, hindi lang dahil kasama ko si Aiko. Matagal ko nang wish na makagawa ng something comic sa TV man o sa pelikula. Tapos ito, pang-family pa at kasama pa namin ang hottest tandem on TV, kaya perfect."

EX-LOVERS CAN BE GOOD FRIENDS. Panay ang asaran ng dalawa na ikinatawa namin. Ayaw ni Aiko sa suhestiyon ng press na magbahay-bahayan na lang sila ni Jomari. Lalong ayaw ng actress-politician ng love scene, kahit sabi ni Direk Mike na lalagyan niya ng love scene ang mga eksena nila.

"Hindi ako ready sa bahay-bahayan at love scene," sabi ni Aiko. "Single nga ang status ko, but I'm not yet annulled. Pero parating na."

So, sila pa rin ni Patrick Meneses? Gaano na sila katagal?

"Kami pa rin," sagot niya. "Hindi ko masabi kung kailan pa kami dahil nothing formal, nothing definite. Basta smooth sailing kami."

Hindi ba nagselos ang boyfriend niya nang malamang magsasama sila ni Jomari sa pelikula?

"Walang selos," ani Aiko. "In-explain ko namang mabuti sa kanya bago ko ito tinanggap. He doesn't meddle sa showbiz career ko. At malaking bagay sa akin to be working with Ogie and Michael V.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni Jomari, "It's a big opportunity na ang comeback movie ko is something our son can watch. Hindi pa nga niya alam na gagawa kami ng movie ng mommy niya. Surprise sana namin sa kanya, pero malalaman na niya ngayon sa TV at diyaryo. Matutuwa tiyak si Andrei dahil super hot sina Angelina at si Yaya, hottest tandem nga, and it's nice to be part of this movie. Iba ang effect nila sa TV at ilu-launch na rin sila sa movies."

"Oo nga, nakakainggit" ang sagot ni Jomari sa sinabi ng press na masaya si Aiko dahil happy ang lovelife nito. Si Jomari kasi ay walang lovelife ngayon, although ayaw paniwalaan ni Aiko na four months nang hindi nagdi-date ang dating asawa.

MEETING POPS. Tinanong si Jomari kung nagkita sila ng ex-girlfriend niyang si Pops Fernandez sa burol ni Douglas Quijano. Ito ba ang first time nilang magkita after their breakup?

"Nagkita nga kami at bumeso ako at nagbigay-pugay ako," pagkumpirma ni Jomari.

May kilig pa ba sa kanya ang pagkikita nila ni Pops?

"Konti," sagot ng aktor. "Nagulat lang ako na nagkita kami. Pero magkikita pa rin kami at babatiin ko talaga siya."

May nagsabi kay Jomari na maganda si Pops that night na nagkita sila.

"Oo naman, lagi naman," sabi naman niya.

Naka-move on na ba siya?

"Oo. Actually, nasa bakasyon ako nang biglang may mangyari kay Douglas. Hindi ko rin alam, nai-commit na niya ako sa pelikulang ito [Spoiled Brat] before he died. Hindi na kami nakapag-usap. Nalaman ko na lang kay Tita Malou [Choa-Fagar] na magsu-shooting na. Biglaan ito at medyo puyat pa nga ako. Wala pa akong tulog, babawi na lang ako," lahad ni Jomari.

THE NEXT MANAGER. Sino na ang manager ni Jomari ngayong wala na si Douglas?

"Ako, ang concern ko ay ang grupo," sabi niya. "We're fine individually, pero grupo kami at alliance ito. At si Douglas ang nagbuo sa amin, para na kaming family. Ang main plan is to put up a foundation for him dahil ang dami niyang scholars, maraming pinag-aaral. Plano rin naming i-absorb ang employees na naiwan niya, like ang driver niya at mga kasambahay. Yun ang binubuo namin. Kung sino ang magiging manager at magha-handle sa amin, hindi pa namin alam."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabanggit ni Jomari na may meeting sila this Wednesday, June 17, para pag-usapan ang itatayong foundation at iba pang bagay. Hindi pa namin alam kung natuloy ito.

Ano sa palagay ni Jomari ang mas maganda—isang manager lang ang hahawak sa kanila o kanya-kanya sila ng manager?

"Ako, gusto ko isang tao lang ang magma-manage sa amin at under one umbrella pa rin kami. Pero ang gulo namin, parang sakit ng ulo. Si Douglas lang ang may kayang i-handle kami. Malay n'yo na ang mag-manage sa amin ay galing din sa grupo namin," pasubali ni Jomari.

AIKO'S POLITICAL CAREER. Balik sa kantiyawan sina Jomari at Aiko nang mapag-usapan ang political career ni Aiko. Ayon sa kuwento, kay Jomari nagpaalam si Quezon City Mayor Sonny Belmonte kung puwedeng tumakbong konsehal si Aiko. Dahil pumayag si Jomari, nagtuluy-tuloy na ang political career ni Aiko. Sa 2010 elections nga ay tatakbong vice mayor ng Quezon City si Aiko, pero hindi pa alam kung sino ang ka-partner niyang mayor.

"Tapos iniwan mo ako!" wika ni Jomari.

"Sana hindi ka nagloko!" buwelta naman ni Aiko, na ikinatawa nang malakas ng aktor.

"Bakit ka nga ba nagloko? Matagal bago ko nalaman. I was the last one to know," hirit ni Aiko na hindi pa rin sinagot ni Jomari.

Tinanong si Aiko kung walang effect sa kanya ang pagpapa-cute ni Jomari.

"Kamukha kasi siya ng anak ko. Nakikita ko ang anak ko sa kanya at hindi ko maintindihan kung bakit nag-krus na naman ang landas namin. Nananahimik na ako!

"But I love Ninong Tony [Tuviera, ninong nila sa kasal ni Jomari], I love Tita Malou and I love the team. Hingi na lang ako ng campaign fund kay Jomari. Hindi lang ang presence niya ang kailangan ko, fund is good," biro niya.

Sabi naman ni Jomari, hindi problema ang hinihingi ni Aiko dahil suportado niya ang pagtakbo nitong vice mayor sa darating na election.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang taas na ng vice mayor, 'no! But of course, suportado at tutulungan ko siya," sabi ni Jomari.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN