Smiley JC Tiuseco takes on serious role in Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin

"Ako naman, first choice, second choice, third choice... But as long as sa 'yo ibinigay ang project, sa 'yo ipinagkatiwala in the end, sa akin, okey lang. So, ako po, super happy talaga," says JC Tiuseco about being the second choice to play his role in Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin.


Unti-unti nang naaabot ng first Survivor winner na si JC Tiuseco ang kanyang goal na maging isang aktor. Pagkatapos ng kanyang roles sa episodes ng Maynila at Dear Friend, this time ay isang afternoon series na ang ginagawa niya—ang TV adaptation ng pelikulang Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin.

JC plays the character that Tonton Gutierrez portrayed in the original 1987 movie directed by Eddie Garcia, also starring Sharon Cuneta, Jackie Lou Blanco, and Ricky Davao.

"Sobrang happy, sobrang thankful ako sa management ng GMA-7 na binigyan nila ako ng ganitong role or ganitong klase ng project," sambit ni JC nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin kagabi, June 17.

Instead na kabahan, mas na-excite daw siya nang mapanood niya ang movie.

"Na-excite ako noong pinanood ko, parang 'eto ba, 'eto ba, ang gagawin ko?' Siyempre, kapag original, hindi mo makikita. Pero 'eto, napanood mo yung movie. Parang nakaka-excite na ito pala ang mga gagawin ko."

Masasabi ba niyang kahit paano'y magagaya niya ang paggawa ni Tonton sa role?

"Siyempre, iba, e," sabi ni JC. "Yung sa akin ngayon, may mga iba nang scene na nangyayari. Dati, sobrang probinsiyano, ngayon, siyempre, modern probinsiyano ka na. So, marami rin nabago, hindi mo puwedeng gayahin ang ginawa niya."

May pressure ba na this time ay kailangan niyang i-prove na puwede siyang maging aktor?

"Siyempre, may pressure," pag-amin niya. "Pero iniisip ko na lang na ibinigay nila sa akin ang ganitong klase ng project, so may tiwala sila sa akin. Siguro, sa mga napanood nila sa Dear Friend. Ibig sabihin, meron na rin siguro kong napatunayan sa kanila na puwede. "

Nakakapag-acting workshop daw si JC sa University of the Philippines. So, confident na ba siya sa pag-arte?

"Confident na po ako, pero, marami pa rin po akong dapat na matutunan," sabi ng model turned actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aware naman daw si JC na second choice lang siya sa kanyang role. Originally, si Geoff Eigenmann ang gaganap dito pero ibinigay sa kanya ang role na Fernando Jose sa Pinoy remake ng Rosalinda.

"Ako naman, first choice, second choice, third choice... But as long as sa 'yo ibinigay ang project, sa 'yo ipinagkatiwala in the end, sa akin, okey lang. So, ako po, super happy talaga."

MAXENE MAGALONA. First time naman ni JC na makatrabaho si Maxene Magalona. Malaking bagay raw sa baguhang aktor na magkaroon ng chance na makapareha ang dalaga.

"Sobrang saya ko na nakatrabaho ko si Maxene," sambit ni JC. "Ang bait. Ang daling makasama. Ang daling pakisamahan at saka inaalalayan ka in a way na hindi ka maiilang sa kanya.

"Dito lang kami nagkakilala and okey naman. Madalas kasi siya ang kaeksena ko at saka si Rich Asuncion. So, kaming tatlo yung nagkukuwentuhan nang madalas kapag nasa set."

Physically, maa-attract ba siya kay Maxene?

"Oo naman! Chinita. Hindi ko alam kung bakit gusto ko ang chinita, siguro dahil Chinese ako!" natatawa niyang sabi.

Nagkatawanan kami habang nag-i-interview dahil palagi siyang nakangiti tuwing sumasagot. So, we told him na hindi kaya sa sobrang smiling face niya, ma-stuck lang siya sa mga mababait na roles?

"Hindi naman," ngiti pa rin ni JC. "Like, nakikita ng mga tao sa akin, palagi akong tumatawa, palagi akong nakangiti. Pero dito naman sa show, palagi akong kinakawawa, palagi akong malungkot. Parang yun nga...palagi akong inaagawan. So, bihira mo lang akong makikitang ngumiti rito."

E, yung siya ang mang-aapi, kaya niya ba?

"Siguro po. Like may fight scene kami rito na galit na galit ako," aniya.

SURVIVOR PHILIPPINES 2. Malapit nang i-launch ang second season ng Survivor Philippines. Would he say that he's still a survivor?

"Survivor pa rin! At fan pa rin ako ng Survivor," sagot ni JC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala ba siyang kaba na meron na namang bagong survivor na madi-discover?

"Wala akong kaba. Nandiyan naman ang network at tutulungan ako. Like, heto nga, meron akong bagong project at happy naman ako."

Sa ngayon, wala raw siyang panahon kahit sa lovelife.

"Sobrang ano nga ako... Ngayon lang, ha, yung schedule ko, MWF ang taping ko [sa Kung Aagawin Mo...], may TThS ako for Unang Hirit; Sunday, nag-e-SOP naman ako. Pero okey lang po, kasi priority ko po talaga ang work ko. At yung opportunity po na dumarating, siyempre, dapat alagaan din po."

Nag-suffer ba talaga ang lovelife niya nang mag-showbiz na siya?

"Parang ganoon na nga po," pag-amin niya. "Pero ako naman po, naniniwala ako kung para kayo talaga sa isa't isa, kayo po talaga. May kaibigan nga po ako, kababata ko... Sila, nagkahiwalay, nag-asawa yung girl, nagkahiwalay rin, pero naging sila ulit. So, kahit anong gawin n'yo, kung kayo po talaga, kayo po talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN