JC Tiuseco will not show off his hunky body in his first afternoon soap

"Actualy, ayaw po nila na ipakita ko ang body ko. Kasi ang role ko dito, parang lampa ako. Kahit sando hindi puwede. Hindi ko lang po alam sa bandang huli kung may pagbabago. Pero as of now, like 'pag nagte-taping kami, ang mga pambahay ko, hindi puwedeng sando, kailangan t-shirts,"says JC Tiuseco about his character in Kung Aagawin Mo ang Lahat Sa Akin.


Sa mga umaasa na makita ang hunky body ng first Pinoy Sole Survivor na si JC Tiuseco sa upcoming afternoon soap na Kung Aagawin Mo ang Lahat Sa Akin, medyo madi-disappoint sila dahil mukhang hindi ito mangyayari.

Portraying the role originally done by Tonton Gutierrez sa film version noong 1987, isang lampa, tahimik, sakitin, at mahiyaing probinsiyano ang role ni JC sa latest Sine Novela ng GMA-7.

"Actualy, ayaw po nila na ipakita ko ang body ko. Kasi ang role ko dito, parang lampa ako. Kahit sando hindi puwede. Hindi ko lang po alam sa bandang huli kung may pagbabago. Pero as of now, like 'pag nagte-taping kami, ang mga pambahay ko, hindi puwedeng sando, kailangan t-shirts," saad ni JC nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Kung Aagawin Mo ang Lahat Sa Akin.

Mukhang ito ang magiging challenge sa role ni JC—kung paano siya pagmumukhaing lampa at sakitin, pero hunk na hunk ang porma ng katawan niya.

"Kaya kailangang medyo i-minimize yung galaw ko. Kung maaari, yun nga, lagi lang akong tahimik," aniya.

Siguradong hahanapin ng mga fans ni JC na makita ang hubad na katawan niya.

"Tingnan po natin, baka sa mga latter part ng show, e, biglang... Di ba? Hindi ko pa sure, hindi ko pa po alam," nakangiti niyang sabi.

Gusto niya ba na ipakita?

"Kung ano po yung sasabihin nila na makakaganda sa show," sagot niya.

Pero hanggang saan ang kayang ipakita ni JC?

"Siguro kung trunks, yung parang shorts, cycling shorts. Hindi po ako nagta-trunks, hanggang cycling shorts lang ang kaya ko... Hindi po ako comfortable, lalo na ngayon, endorser po ako ng Penshoppe."

Casual wear daw ang ini-endorse ni JC.

"Wala po akong underwear endorsements," sabi niya. "Hindi ako kumportable dun sa thought. Hindi ko alam... Actually kahit noong nagmo-model ako, hindi ako sumali sa mga ganun, sa mga bikini contests. Sa Century Tuna kasi, shorts ang suot ko, board shorts. Actually kahit nga po noon, hindi naman talaga ako nagta-trunks, e. Kahit noong nagmo-model pa lang ako, hindi ako nagta-trunks. Shirtless, okay lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SINE NOVELA. Honored si JC na sa unang pagbibida niya sa isang Sine Novela, sila ni Maxene Magalona ang gaganap sa mga papel na unang ginampanan noon nina Tonton at Sharon Cuneta sa movie version ng Kung Aagawin Mo ang Lahat Sa Akin.

"Kabado rin po," sambit niya. "Pero siyempre, prepared ka dapat sa pinasok mo, na ready ka sa ibinigay sa 'yong opportunity. Ipinagkatiwala po sa akin ang ganitong role kaya gagawin ko ang best ko."

Si Patrick Garcia naman ang gaganap sa role noon ni Ricky Davao with Glaiza de Castro sa papel noon ni Jackielou Blanco, na kasama rin sa TV adaptation nito.

"Actually si Patrick naman po, siyempre po iba naman po ang role ni Patrick sa role ko. Ang role ni Patrick is maangas na sporty, mas on the other side ng role ko. Sa first part pa lang, makikita ninyo na yung role ko is iba," sabi ni JC.

Magsasapawan kaya sila ni Patrick dito?

"Ah, hindi naman po. Actually, iba nga kasi yung sa akin. Si Patrick po is magaling na aktor. Kasi like yung mga scenes namin, talagang makikita mo talaga na veteran actor na siya. Nakaka-inspire po na makatrabaho siya, silang lahat. At the same time, happy rin ako na sila ang katrabaho ko kasi inaalalayan nila ako."

Ano ang ginawa ni JC para huwag siyang lamunin sa mga eksena nila ni Patrick?

"Ah, yun po, nag-workshop po ako. Tapos 'pag may gagawin kaming eksena, 'pag magti-take na kami, yung acting coach namin sa mismong set, talagang nakikinig po ako kung ano ang dapat gawin, kung anong emotions ang dapat ipakita, kung paanong attack ang dapat kong gawin sa eksena," pagtatapos ni JC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN