Mother Lily Monteverde on Tito Dougs: "I owe him a lot. Without him, there's no Regal."

"I always recall the past when we were together. And then, ang laking bagay that Douglas came into my life, with my family. Not only in business. Everytime na may away kami ng mga anak ko, he's the one to settle everything," says Mother Lily Monteverde about the late Douglas Quijano.


Ang film producer na si Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment ang isa sa matagal na nakasama at nakatrabaho ng yumaong talent manager na si Douglas Quijano. Kung kaya't hindi nakapagtatakang halos gabi-gabi ay nasa wake ni Tito Dougs sa Heritage Memorial Park ang Regal matriarch.

Ayon kay Mother Lily, hindi lang business partner ang turing niya sa namayapang manager kundi isang matalik na kaibigan. Kasama kasi ni Mother Lily si Tito Dougs na nagtatag ng Regal Films.

"He's not only as business partner, he's someone that strikes my heart," simulang pahayag ni Mother Lily nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press.

Since kadalasan ng time ni Tito Dougs bago siya mamatay ay ginugugol niya sa kanyang rest house sa Lucban, Quezon, madalas ay sa telepono na lang daw sila nagkakausap.

"He will always call me and say, 'How are you, Mother? Are you okay?' And I said, 'I'm okay, I'm very good.' And I said, 'How are you naman? If you need anything, just let me know,'" kuwento ng film producer.

Tinanong ng PEP si Mother Lily kung ano naman ang pinakamami-miss niya kay Tito Dougs.

"He's something really dear to my heart, very, very dear! He's in my heart," ang mangiyak-ngiyak na sabi niya.

"I always recall the past when we were together," patuloy ni Mother Lily. "And then, ang laking bagay that Douglas came into my life, with my family. Not only in business. Everytime na may away kami ng mga anak ko, he's the one to settle everything."

Sa tinuran ni Mother Lily na yun, minsan pa ay napatunayan na isa sa magandang quality ng namayapang manager ang pagiging peacemaker o mediator nito sa mga taong malalapit sa kanya na nagkaroon ng isyu or tampuhan.

Pakiramdam din daw ni Mother Lily ay may isang bahagi ng katawan niya ang nawala sa pagpanaw ng kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I owe him a lot. Without him, there's no Regal," tahasan niyang sabi.

"So Dougs, leave well and I'll see you soon!" ang natatawa na niyang mensahe rito.

Halos lahat ay nagulat noong umaga ng Sabado, June 13, sa mga text messages na nagpasalin-salin tungkol sa balitang pagpanaw ni Tito Dougs. Ano ang naging reaksiyon ni Mother Lily nang matanggap niya ang malungkot na balita?

"It's something that always bother me actually these past few days. Parang he's always in my mind these past few weeks, although nagkakausap naman kami nang madalas. Nalaman ko yung news around 10:30 a.m. So many people calling me," lahad niya.

May mga bagay ba siyang hindi nasabi kay Tito Dougs?

"Lahat, lahat ng mga problema ko, nasabi ko sa kanya. I talked to him and he gave me advice very well."

Sa mga taong hindi nakasama o hindi nagkaroon ng pagkakataong makilala ang butihing manager, paano niya ito ilalarawan?

"Talagang hindi ko made-describe. He's a very, very nice guy, and he's very generous. He can spend all his money just to help people. Ang laking bagay nga sa movie industry," saad ni Mother Lily.

Karamihan ng mga naiwang alaga ni Tito Dougs ay nagsimula sa bakuran ng Regal Films, at karamihan sa kanila ay aktibo pa rin na gumagawa ng pelikula sa film company ni Mother Lily. Maipapangako ba ng film producer na hindi niya pababayaan ang mga naiwan nitong alagang artista?

"Ah, yeah, of course! We also talked last night. Sabi ko, 'If there's anything that you need me...' Sila Joey Marquez, sila Janice de Belen, sila Gelli de Belen... But of course, I said, 'I don't want to be your manager!'" natatawang sabi niya.

Nakatakdang i-cremate ang mga labi ni Tito Dougs bukas ng umaga, June 20.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN