Shaina Magdayao won't let love conflict with her career

Shaina Magdayao is thrilled to have another niece, Ceana, daughter of sister Vina Morales, for her to play doting aunt, but she's not ready to settle down with steady beau John Prats, especially not with all the breaks coming her way, like lead roles in TV's Kambal sa Uma and the movie Villa Estrella.


Obviously, happy si Shaina Magdayao sa kanyang lovelife. Kapag nagkukuwento siya tungkol sa mga pamangkin niya, lalo na't nadagdagan na naman ang mga ito nang magsilang ng anak na babae ang kapatid niyang si Vina Morales, mapapansin na mahilig talaga sa mga bata si Shaina. Hindi tuloy nangimi ang press na magtanong kay Shaina ngayon na baka siya na ang sumunod sa mga kapatid niya na mabuntis at magka-baby.

"Huwag naman," tili ni Shaina. "Hindi kami nag-uusap ni John [Prats] tungkol sa ganyang mga bagay. Malayo pa yan, although John is already 25 years old, ako naman ay 19 pa lang, and I'm too young to think about those things.

"Kami ni John ay nag-e-enjoy sa relasyon namin na hindi kailangang mag-resort sa ganyang mga bagay na alam naming makakapagpabago sa aming mga plano sa buhay. May kanya-kanya pa naman kaming career, at ako naman, parang ngayon pa lang nag-uumpisa."

True enough, mukhang ngayon pa lang ang panahon ni Shaina pagkatapos na mag-hit sa masa ang Kambal sa Uma, heto at kasama siya sa cast ng Star Cinema horror flick na Villa Estrella.

"Maraming changes na mapapanood sa akin, like okey lang sa akin ang roles na bagay sa age ko. Kung may kissing scenes or love scenes, I don't see anything wrong with that, basta ba justified, will be done in good taste, walang problema yun.

"Kami ni John, hindi dahil may relasyon kami, would resort to things na baka pagsisihan namin. Hindi ako nagsasalita nang patapos, but as much as possible, gusto ko naman yung nasa ayos ang lahat. Hindi ko rin kasi masasabi kung anong age ako talaga lalagay sa tahimik, basta, kung kailan mangyari yun, gusto ko lang na mas ideal. Yung nakapag-ipon naman kami, yung ready na kami sa lahat," pagtatapat ni Shaina.

"BATA PA KAMI!" Yun nga ang pinakadiinan ni Shaina, ayaw niyang magsalita nang patapos tungkol sa ganyang mga bagay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero wala lang dahilan para magmadali kami," sabi pa niya. "Bata pa kami, huh! Basta, ang sigurado sa amin, we don't think about those things yet. Ang iniisip namin, yung para sa kanya-kanya munang future, at hindi naman kasama roon yung sa aming dalawa.

"Darating din yun sa tamang panahon," nangingiting dugtong pa ng young actress.

Maski sa career, hindi sila ibinebenta ng ABS-CBN as a love team. Para kay Shaina, mas gusto niya yun.

"Pero, kung may magandang project na bagay sa aming dalawa, why not?" sabi pa ni Shaina. "Sa ngayon kasi, may kanya-kanyang plano para sa aming career. Separate talaga. Sa akin, I still have to do more TV projects, maski sa movies, na kailangang mag-mature na rin ang roles ko.

"Palagay ko, ready na rin naman ako. I just see to it na naka-focus ako sa mga ginagawa ko. As it is, hindi puwedeng sabihing nagkaka-conflict ang lovelife ko sa career. Hindi ko rin papayagan na magkaganoon," paliwanag pa niya.

Pero, doting aunt talaga si Shaina, hindi lang kay Ceana na anak ng kanyang Ate Vina, kundi pati sa iba pa niyang mga pamangkin.

"Lalo na kung babae, type na type kong ayusan," sabi pa niya. "Nakatutuwa kapag binibilhan ko sila ng mga damit at gamit.

"But, that doesn't mean na gusto ko nang magka-baby. Marami akong mga pamangkin. Ayoko namang dagdagan agad sila by having my own baby. Mahirap ang buhay ngayon. Hindi ganoon kadaling mag-baby.

"At saka hindi pa nga namin iniisip ang kasal, baby na agad? Ayoko talaga. Marami pa akong gagawin bilang single at enjoy pa rin ako sa current status ko," nangingiting pagwawakas ni Shaina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN