Are You The Next Big Star's Circle of 16 meets a surprise judge tonight

(Clockwise from top left) Zyrene Parsad, Cara Quiapos, Jay Perillo, Geoff Taylor and Anton Cruz are among the eight young men and eight young women undergoing intense training to face the rigors during the next 10 weeks that will separate the future stars from the wannabes.


Last Saturday, ipinakilala sa Are You The Next Big Star?—ang bagong reality talent search sa GMA-7—ang mapalad na mga contestants na nakapasok sa Circle of 16.

Eight young women and eight young men ang napili ng mga judges ng show, na sa tingin nila'y nangingibabaw at karapat-dapat na panggalingan ng next big stars ng network.

Ngayong Sabado, mas higit pang makikilala ng mga manonood ang 16 contestants na nakapasok sa Circle of 16. Bukod sa mas intense training na ipagagawa sa kanila, papasok na rin ang mas matitinding challenges para masala nang husto kung sino ba sa kanila ang karapat-dapat na tanghalin bilang next big stars.

Tonight, makikilala sa Circle of 16 ang mga sumusunod na male contestants:

Geoff Taylor, 23, former model from Cagayan Valley; Alex Castro, 23, public servant from Bulacan; PJ Gonzales, 18, civil engineering student from Pasay City; Bobby Solomon, 17, commercial model from Pasay City; Jay Perillo, 21, Korean-looking rocker from Tondo, Manila; Anton Cruz, 16, Conservatory of Music student from Quezon City; Greggy Santos, 22, VJ at graduate ng Ateneo de Manila University, Quezon City, at ang Fil-Am from San Francisco, California, Justin Francis, 19.

Ang mga kababaihan naman:

Zyrene Parsad, 23, entertainment host from Las Piñas; Alexa Ortega, 19, theater actress from La Union; Camille Cortez, 19, lounge singer from Antipolo City; ang Batangueñang si Cara Quiapos, 17; ang stunner from Las Pinas City, Frencheska Farr, 16; Shane Tarun, 16, freshman engineering student from Marikina City; ang Cebuanang si Rachel Gabreza, 16, at ang long-time theater actress from Quezon City, Christine Allado, 18.

Tonight, after Pinoy Records, another surprise awaits the Circle of 16 dahil may surprise judge silang haharapin, bukod pa sa big star judges na sina Randy Santiago, Annie Quintos, Mon Faustino, Danny Tan and Pops Fernadez. Soon, the televiewers will also be able vote for their choices among the Circle of 16.

Puwede rin manalo ang mga manonood basta sagutin lang ang mga tanong at i-send sa 4627.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN