PEP asks the stars: What's the best gift you ever gave your father?

(Clockwise from top left) Geoff Eigenmann, JC Tiuseco, Heart Evangelista, Maja Salvador and Meryll Soriano are five of the 10 celebrities who talked about the tangible and intangible things their fathers gave them and how they've tried to reciprocate, but not just on Father's Day.


Most of the time, ang mga magulang ang nagbibigay ng regalo sa anak. More than themselves, madalas ay inuuna pa nila ang mga bagay na sa kanilang palagay ay makakapagpasaya or kakailanganin ng mga anak. For the parents, having a child is already the best gift God has given them.

Our stars, like other children, try to reciprocate their parents' good deeds, especially their fathers on this Father's Day. PEP (Philippine Entertainment Portal) asked some of our stars kung ano ang maituturing nilang pinaka-best gift na naibigay na nila sa kanilang mga daddy, papa, tatay... not only on Father's Day, kundi may okasyon man o wala ay sa palagay nila'y sobrang na-appreciate ng mga ama nila.

HEART EVANGELISTA. "I think, it's the wisdom na na-gain ko through experiences in life. Kasi, mas na-appreciate ko yung mga sinabi nila sa akin, yung mga efforts nila sa akin. At kung wala ang pamilya ko, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin."

LUIS ALANDY. "Every Father's Day naman, nagkakaroon kami ng dinner kasi lahat ng kapatid kong lalaki, father na. So, yun... hindi nga exactly ako ang nagti-treat kasi parang sharing. Parang kapag Father's Day, hindi yata ako nakakapagbigay ng gift, kapag Christmas lang na normal na nagbibigayan ng gifts. Pero isa pa, noong binigyan ko siya ng polo na linen ang tela, kasi gustong-gusto niya ng ganoong damit."

GEOFF EIGENMANN. "Kami kasi, especially with my dad and my mom din, never kaming materialistic talaga, e. It's always usap kami. Usap na masinsinan if there's something bothering like my mom with me, kakausapin niya ko about it. And we've always been open with our emotions with each other. So I guess that's the best thing na naibibigay namin with our family dahil open kami sa lahat."

MERYLL SORIANO. "I think, yung picture pa rin na ibinigay ko sa card at inabot ko sa kanya noong nasa hospital siya. Kasi, hindi rin niya akalain na may picture ako nun. As in, ang bata ko pa talaga, one year old pa lang yata ako nun at nasa kama kami, naglalaro. Tapos, tawang-tawa ako kasi kinikiliti niya ako. I think that's priceless, di ba? Kahit ako noong nakita ko yun, tawang-tawa ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JAKE CUENCA. "Ang best gift na naibigay ko sa dad ko ay kotse. Yung Ford Explorer. I gave it to him, I think, three years ago."

MAJA SALVADOR. "Noong mag-shopping kami ng mga shoes, mga damit. Yung papa ko naman, kahit alam niyang may ipon ako, hindi naman siya yung, uy, pabili naman ako ng ganyan. Alam naman ng papa ko na kailangan ko rin mag-ipon para sa future namin."

WENDY VALDEZ. "Siguro when I forgave him of everything na nangyari sa amin. Kasi, we don't see each other na nga po talaga, e. Matagal ko na rin namang nabigay sa kanya yun. Naiyak pa nga siya... Now, we're very much okay. Nahiya siya, e. Ayaw niya na bibigyan ko siya kasi nga po, feeling niya, siya dapat."

CHYNNA ORTALEZA. "When it comes to gifts, well, this Father's Day, I'm planning to give him a new phone since yung cellphone na gamit niya, old phone na kasi. I hope na magustuhan niya."

JC TIUSECO. "It's a bag, parang messenger bag yun na tingin ko naman, nagustuhan niya at na-appreciate niya. Ngayon ko lang din kasi siya niregaluhan ng ganoong klase. May mga gifts na rin akong naibibigay sa kanya before, siguro lang, ito yung pinaka-medyo malaking gift ko na sa kanya."

PATRICK GARCIA. "Siguro kapag naipakita ko na sa kanya ang anak ko [with Jennylyn Mercado], biro lang... pero siguro, the best gift that I can give my dad is to let him feel and know that I'll be okay. That I can handle myself and take care of myself. For me, yun na siguro ang best gift na maibibigay ko sa kanya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN