Dingdong Dantes cancels Hong Kong trip over swine flu pandemic

Dingdong Dantes opted out of a Globe event in Hongkong because of a GMA-7 memo informing all its artists, staff and crew that those traveling abroad will need to commit themselves to a self-quarantine for at least five to ten days upon their return to the Philippines, a restriction that would wreak havoc on the much-in-demand actor's heavy schedule.


Ngayong araw, June 20, ay paalis sana ang actor na si Dingdong Dantes papuntang Hong Kong kunsaan magkakaroon ng event ang Globe bukas, June 21.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang manager ni Dingdong na si Perry Lansigan na lahat halos ng events/schedule ni Dingdong na out of the country ay pansamantalang kinakansela dahil sa pandemic alert ng World Health Organization hinggil sa mas dumarami pang kaso ng swine flu (AH1N1).

Naka-ready na nga raw sana si Dingdong na magtungong Hong Kong for the event, pero naglabas kailan lang ang GMA-7 ng memo sa lahat ng artista, staff, and crew na lumabas ng bansa na pagdating sa Pilipinas ay kinakailangan nilang self-quarantine for at least five to 10 days.

Nagkataong sa kaso ni Dingdong, magiging malabo raw ang mag-self- quarantine siya pagdating sa bansa ng June 22 dahil pagdating na pagdating pa lang niya ay may importante na siyang pictorial na gagawin, one of the many things na kasama sa mga projects na ilu-launch ng aktor ngayong taong ito.

Sa June 23 naman ay may naka-schedule na siyang shooting for his movie KimiDora. Maliban pa ang iba pang schedules at commitments ng aktor na maaaring matamaan sa kahit limang araw lang na self-quarantine.

JOLINA WENT AHEAD. Supposedly, sina Dingdong at Jolina Magdangal sana ang magkasama sa naturang event sa Hong Kong. But unlike Dingdong, natuloy si Jolina sa Hong Kong dahil ayon na rin sa singer-actress, hindi magiging masyadong conflict ang memo na ibinaba ng GMA-7 dahil may sapat pa siyang panahon to quarantine herself since her next taping sched is set for June 27.

Naging maayos naman daw ang pagpapaalam ng manager ni Dingdong sa Globe na hindi makakarating ang aktor, kalakip ang memo na ibinaba ng GMA-7. Kaya't naunawaan naman ng mga ito kung bakit hindi matutuloy ang aktor sa Hong Kong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

On the other hand, gusto ring iparating ni Dingdong na walang problema sa kanya ang magpunta ng Hong Kong o kahit anong bansa pa na may swine flu kung wala lang sanang puwedeng matamaan na mga commitments niya sa pag-uwi ng bansa.

Ayon sa kanya, posible pa rin naman daw matuloy ang mga commitments niya out of the country once na nag-subside na rin ang pandemic or kung mas maayos ang schedules niya ahead of time upang pagbalik niya he will still have enough time to quarantine himself.

As much as possible, iniiwasan na lang daw ng aktor ang maging mas kumplikado ang lahat. For the safety of his family and his co-workers na rin daw at pagsunod na rin sa hiling ng Department of Health at ng kanyang network.

Dahil hindi nga natuloy siya out of the country, sigurado raw na makakarating ang aktor, instead na VTR na lang sana, para personal na tanggapin ang award nila ni Marian Rivera as Phenomenal Loveteam on TV sa Box-Office King & Queen Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Awards bukas ng gabi, June 21, sa RCBC Bldg., Makati.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN