Wilma Galvante says Katrina Halili is the unanimous choice for Fedra

GMA-7 executive Wilma Galvante (left) engineers the TV comeback of controversial actress Katrina Halili (right) by giving her the coveted role of Fedra in the primetime series Rosalinda. "Malakas yung role na yun. It's a strong role at bagay na bagay sa kanya. Maa-attack niya nang tamang-tama," the Kapuso SVP says with confidence.


Nakuhanan ng Startalk ang pagpapatawag ng meeting ng SVP for Entertainment ng GMA-7 na si Ms. Wilma Galvante sa maituturing na pinaka-controversial Kapuso star ngayon na si Katrina Halili, at kinumpirma na ng huli ang pagbabalik ng aktres sa telebisyon via the character role of Fedra in the newest primetime soap opera Rosalinda, na nakatakdang ipalabas sa July.

Malaki ang pasasalamat ni Katrina na kahit nasa gitna siya ng mga legal battles at controversy, hindi pa rin siya pinapabayaan ng network by giving her one of the most important roles in the said Mexican series adaptation.

"Gusto ko pang magpasalamat, siyempre, sa GMA, sa support na ibinibigay nila sa akin. At saka, yun, back to work na 'ko. Sobrang excited na po ako dahil medyo matagal-tagal na rin po akong hindi nagtatrabaho. Yung last na ginawa ko pa, Gagambino, so excited akong magtrabaho. Happy ako na yung GMA, nandiyan sila."

Aminado si Katrina na nang magpunta siya ng GMA-7, hindi pa raw siya decided noong una kung babalik na siya sa trabaho.

"Tinanong po nila ako kung gusto ko nang magtrabaho. Kanina, hindi pa ako decided, pero siyempre, na-excite rin naman ako dahil sobrang excited rin nila na gusto na nila akong magtrabaho."

Dugtong pa niya, "Basta, sa pagbabalik ko, sinisigurado ko po na magugustuhan po ng mga tao."

BACK TO WORK. Aside from her TV project, tuloy pa rin daw ang pag-remake niya ng pelikulang Miss X.

"Matutuloy po, medyo kailangan lang ipa-lie-low ang mga issue, pero, tuloy daw po. Nag-meeting na po kami."

Hindi ba makakaapekto sa kanyang mga trabaho ang mga kasong inaasikaso niya ngayon?

"Sa ngayon kasi, pinapaubaya ko na sa mga attorney ko yun. At saka, nandoon na rin naman... pinapaubaya ko na sa kanila. It's about time na rin siguro na kalimutan ko muna yun at magtrabaho na ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Umaasa naman si Katrina na sa kabila raw ng mga pinagdadaanan niya, hindi pa rin nawawala ang suporta sa kanya ng kanyang mga tagahanga.

"Sana nandiyan pa rin ang mga taong sumusuporta sa akin."

UNANIMOUS CHOICE. Mismong si Ms. Wilma naman daw ang nagpatawag kay Katrina at nag-alok dito ng role na Fedra.

Ayon sa GMA-7 executive, "Pinatawag ko siya since siguro it's about time for her to go back to work and may project naman na puwedeng magandang gawin niya. So, she's going to be included in Rosalinda. Siya si Fedra. Malakas yung role na yun. It's a strong role at bagay na bagay sa kanya.

"Maa-attack niya nang tamang-tama because the character she's called for is a very strong woman. So, start taping na siya immediately."

Hindi naman itinanggi ni Ms. Wilma na marami nga raw sa mga artista ng Kapuso ang nag-a-aspire rin na gumanap bilang Fedra.

"Marami talaga ang gustong makakuha ng role na Fedra. Pero, matagal naming pinag-isipan. Unanimous naman na gusto nilang lahat. At pinaka-importante that she will [play the role], her presence will contribute very strongly to the scene."

Nakita naman daw niya na naging masaya si Katrina sa panibagong opportunity na ibinigay ng network.

"Masaya siya when I told her it's hers. She wants it, it's primetime, it will happen soon. It's about time she will work again. Sumaya naman siya, naiyak nga siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN