Annabelle Rama and PEP chief editor Jo-Ann Maglipon set aside differences at Douglas Quijano's cremation

Annabelle Rama (right) graciously handed out promotional Zorro fans and umbrellas to the people attending Douglas Quijano's cremation on June 20, including to Jo-Ann Maglipon (left) whom she's suing in court. It wasn't exactly a peace offering, but at least, the PEP editor-in-chief told Startalk, "She's not out to kill me pala."


Last June 20 at Heritage Park, kung saan ginanap ang huling misa bago ang cremation ng namayapang talent manager na si Douglas Quijano, muling nagkasama si Annabelle Rama at ang editor-in-chief ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na si Ms. Jo-Ann Maglipon.

Marami ang nakakita na isa si Ms. Maglipon sa inabutan ng payong at pamaypay ni Annabelle na may tatak na Zorro. Posible kayang hudyat na ito ng pagkakasundo nila at paano naman kaya ang kasong isinampa ng anak ni Annabelle na si Richard Gutierrez laban sa PEP?

Ayon kay Annabelle, "Actually, lahat naman binibigyan ko ng payong kasi alam ko na mainit papunta doon sa cremation. Namimigay rin ako ng pamaypay. Nagkataon lang na ang ipinamimigay ko, Zorro.

"Yun naman kasing available sa akin, anytime, Zorro na payong at pamaypay. So, noong binibigyan ko lahat ng artista, tamang-tama, sa table ni Joey Marquez, nandoon si Jo-Ann Maglipon. Sabi ko, 'Day, kahit magkaaway tayo, bigyan pa rin kita ng payong para hindi ka mainitan, at saka pamaypay,' yun lang."

Dugtong pa ni Annabelle, "Siyempre naman, lahat naman ng nandirito kay Douglas, magkakaibigan lahat. Dito kay Douglas, magkakaibigan kami. Pero sa outside, siyempre, tuloy pa rin ang kaso na idinemanda ni Richard para sa kanya."

Ang kasong tinutukoy ni Annabelle ay ang libel case na isinampa ng kanyang anak laban sa PEP.

Posible kayang bumalik ang pagkakaibigan nila? "

"Siguro... after ng ano... depende... depende... panahon lang naman 'yan, e," sagot ni Annabelle.

Pero nagkabati na ba sila?

"Hindi naman bati yun. Basta binigyan ko lang siya."

"SHE'S NOT OUT TO KILL ME PALA." Nakapanayam din ng Startalk kahapon si Ms. Maglipon. Ayon sa kanya, wala naman daw talaga siyang masasabing personal na away ni Annabelle.

Aniya, "Tita Annabelle and I have never had bad blood between us. We've always gotten along until now. Until this issue. Wala kaming masamang pinagsamahan kaya noong nag-gesture siya na lahat kami bigyan ng pamaypay, bigyan ng Zorro at saka payong ng Zorro, it felt natural.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang nakakatuwa, yung mga alaga ni Tito Dougs na biglang nag-'Uy, uy!' When I came to the mass, wala akong maupuan. Ang tanging upuan, yung sa tabi ni Jun Lalin [publicist of the Gutierrez family], sa mesa nila Tita Annabelle at Tito Eddie [Gutierrez] at hindi ako nag-hesitate na kunin. Maybe, if she had not given me the payong and the pamaypay, I would have not thought of it. I don't know, parang naging natural na kunin ko yung tanging upuan na naroon. Kasi, ang alternative, tatayo ako. Okey lang naman na tumayo ako, pero parang hindi na mabigat na maupo doon sa tabi nila," lahad ni Ms. Maglipon.

Posible kayang in-orchestrate or ginawan ng paraan ni Tito Dougs ang naturang pangyayari?

"Palagay ko," nangingiting sabi ni Ms. Maglipon. "Tito Dougs kasi has the kind of character that brought people together. Tito Dougs is the kind of character who brings people together. So, even in death, parang ganoon ang nangyayari."

Kung tungkol naman sa kasong isinampa nga ni Richard laban sa PEP, ayon kay Ms. Maglipon, "Kahit na nandiyan pa ang kaso, mas magaan isipin na she's not out to kill me pala. And she's not out to stab me. It's a relief.

"Hindi naman ako nagsasalita nang patapos kung maayos ito or wala, kasi nandoon na sa ano, e, sa piskalya. Pero, gumaan," pag-amin ng editor-in-chief ng PEP.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN