Glaiza de Castro gives her side on rift with Nadine Samonte

Glaiza de Castro (main photo) says she and Isabel Oli and Jennica Garcia never directly accused Nadine Samonte of being the source of a news article regarding Isabel. "Speculation lang," Glaiza said. And now she wishes they could be friends again.


Unang nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Nadine Samonte at narinig ang side nito tungkol sa isyu niya kina Isabel Oli, Jennica Garcia at Glaiza de Castro. Kung kailan nagiging close sila bilang magkakaibigan ay nasira yun nang magbakasyon sila sa Boracay.

Ang pinagmulan ng gulo ay ang nasulat na pagdating sa Boracay ng basketeer na si Wesley Gonzales para dalawin si Isabel. That time, may balitang nanliligaw si Wesley kay Isabel.

Si Nadine ang naisip nina Isabel, Jennica at Glaiza na source ng balita dahil ito lang ang iniisip nilang may koneksyon sa press (lalo na sa amin). Inisip ng tatlo na tinext ni Nadine sa PEP ang pagdating ni Wesley kaya lumabas sa diyaryo.

In fairness kay Nadine, iba ang source ng PEP at ng ibang reporters sa balita, pero ayaw maniwala ng tatlo. Ang ending, nasira ang papaganda pa lang nilang friendship at pagbalik nila ng Manila from Boracay, di na kasama sa grupo si Nadine.

"Very cold na sila sa akin at talagang inisip nilang ako ang source ng balita. Alam ninyong hindi totoo yun. Para wala na lang gulo, umiiwas na lang ako sa kanila, pero nasaktan ako dahil wala silang tiwala sa akin. Dapat sa akin sila naniwala dahil ako ang kaibigan nila," pahayag ni Nadine sa PEP.

Isa sa mga araw na ito, gusto pa rin ni Nadine na makaharap at makausap ang tatlo para sila'y magpaliwanagan. Hindi pa lang niya magawa dahil wala pa siyang lakas ng loob na humarap sa tatlo dahil sumama ang loob niya.

GLAIZA'S VIEW. Anyway, sa presscon ng Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin, nakausap namin si Glaiza tungkol sa isyu na ito at nagpahayag din siya ng kalungkutan sa nangyari sa friendship nila ni Nadine.

"Never namin siyang inakusahan directly, speculation lang, pero wala na yun. Gusto namin siyang makausap, tini-text namin siya, pero hindi siya sumasagot. Ini-invite ko pa nga siya sa premiere ng movie ko, pero di talaga siya nagre-reply. Willing kaming makausap siya para ma-settle na ang isyu," panimula ni Glaiza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Itinanggi rin ni Glaiza na lumayo at nilaglag nila si Nadine dahil lang sa pag-aakalang ang actress ang source ng press sa balita.

"Gumawa kami ng move from the very beginning na maayos ang lahat dahil nanghihinayang kami sa nabuo naming friendship sa Gagambino. Sayang kung basta na lang mawawala. In all honesty, tumatawag at nagti-text kami sa kanya para magkita-kita kami. Di lang tumutugma ang schedule namin."

"I want to make it clear na di namin siya nilaglag, may mga tao lang na gustong manira sa amin. Unfair din sa amin na akusahan kaming nilaglag na lang siya basta dahil gusto namin pare-parehong maayos ang dapat ayusin. Sana makapag-usap kami," wish ni Glaiza.

Dagdag pa ni Glaiza, naaawa rin siya kay Nadine at kung makakatulong para maayos ang lahat, siya na ang nag-a-apologize sa nangyari.

"Ang pangit nang lumalabas na nagtutulung-tulong kami nina Jennica at Isabel para sirain siya dahil hindi totoo. Gusto na naming ma-settle ito at ayaw naming i-lead ang tao na kami ang naninira sa kanya, kaya lumalapit na kami sa kanya. Ako, personally, natuwa ako dahil for the first time, nagkaroon ako ng mga kaibigan sa showbiz. Dati, di kami close at di kami nagbabatian ni Nadine 'pag nagkikita kami sa taping ng Gagambino. Nagulat na lang ako na okey pala siyang tao. Kaya nga, nanghihinayang ako na nasira ang mabubuo na sanang close friendship," patuloy ni Glaiza.

PRAISE FROM CO-STARS. Samantala, tuwang-tuwa si Glaiza sa good words ni Jackie Lou Blanco sa acting niya sa Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin. Overwhelmed siya sa narinig sa actress, na originally gumanap sa role na ginagampanan niya ngayon sa TV remake ng movie, na she's a good actress at alam niyang mabibigyan ng justice ang Gladys character.

Ikinatuwa rin ni Gladys na pati si Maxene Magalona, nagpahayag ng paghanga sa husay niyang umarte at masaya itong marami silang eksena together dahil alam niyang madadala siya sa galing ni Glaiza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"First time kong magkontrabida at nag-i-enjoy ako. Maganda ang role ni Gladys, mapaglalaruan at natsa-challenge ako. Tinitiyak kong maiinis ang viewers sa akin at magagalit ang fans ni Maxene, pero 'wag n'yong personalin at seryusohin, acting lang po ito. Ang sarap ng feeling na marinig ang mga positive comments nila at ang feeling ko, nasa right track ka. Lalo kong pagbubutihin ang trabaho ko," pangako ni Glaiza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN