Piolo Pascual wants to produce different kinds of films

Actor-producer Piolo Pascual has another film coming up after his first venture, Manila, as a film producer. This time, it's a commercial film starring comedienne Eugene Domingo.


Para kay Piolo Pascual, success na in itself ang screening ng Manila sa Cannes Film Festival. Tinampukan ni Piolo ang pelikulang ginawa niya rin bilang co-producer at idinirek nina Raya Martin at Adolf Alix. Habang isinusulat namin ito'y nasa Moscow International Film Festival ang Manila bilang entry ng bansa, at may walo pang invitations dito para umikot sa iba't ibang filmfests abroad.

"Para sa akin, secondary na lang ang kumita, kasi nakuha na namin kung ano ang gusto naming mangyari. Malaking blessing na yung sa Cannes. Gusto ko sanang sumama sa Moscow, kaya lang nagkakapatung-patong na ang commitments ko dito. Depende na rin sa schedule ko kung makakasama ako sa pagsali ng pelikula sa ibang festivals," pahayag ni Piolo nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Sabado, June 20.

May malaking pelikula ring pinoprodyus si Piolo, ang sinasabing launching movie ni Eugene Domingo, Kimmy Dora (Kambal sa Kiyeme). Commercial film naman daw ito.

"Walang duda, gusto ko makapag-produce ng iba't ibang klaseng pelikula," banggit ng aktor.

Tampok bilang kapareha ni Uge rito si Dingdong Dantes. Mahimalang napapayag ang Kapuso leading man para sa pelikulang si Piolo ang nagpo-produce.

Sabi ni Piolo, "Honestly, hindi ko alam kung magkano ang ibinayad kay Dong para sa movie. Hindi ako ang nakipag-usap para doon. Pero marami akong natututunan. Hindi biro ang mag-produce. Pero ipinapaliwanag namang mabuti sa akin ni Bb. Joyce Bernal [direktor ng Kimmy Dora] ang lahat ng kailangan kong malaman."

Wala pa namang balak magdirek si Piolo. Sa ngayon kasi, masaya muna siya bilang aktor at paminsan-minsan nga lang siya magpo-produce.

"Hindi ko rin masasabi kung papasukin ko ang pagdidirek. Pero mahirap na trabaho kasi para sa akin ang pagdidirek."

Ang sistema raw rito kasi ay profit-sharing. Inalam ni Piolo kung magkano ang ibabayad sa bawat isa, at makukuha na lang nila ito pagkatapos na maipalabas ang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"They agreed on that," sabi ng actor-producer. "We got investors. Kung may magtitiwala pa, magpapatuloy kami sa pagpo-produce. Hindi ako sigurado kung magtutuluy-tuloy talaga ito. Sana naman.

"Pero kung gagawa uli kami, wala pa akong naiisip kung sino ang magiging bida sa susunod. Depende kasi 'yan sa material. Kung naaprubahan ang material na gagawin, doon made-determine kung sino ang artista. I talk to different scriptwriters. Depende sa magugustuhang project, hindi kami nagbe-base sa artista. More on script kami."

KC & MARICAR. Sa ibang topic, inamin ni Piolo na isiningit din niya ang intensiyong ligawan si KC Concepcion na kapareha niya sa Lovers in Paris, isa sa mga bagong bubuksang teleserye ng ABS-CBN.

"Humingi ako ng permiso, pero hindi siya agad sumagot. Sabi ni KC, ite-test na lang daw niya ako. Hanggang ngayon, hindi pa siya nagte-text tungkol doon. Masyado siyang busy!" natatawang sabi ni Piolo.

Sa isang banda, tikom ang bibig ni Piolo tungkol sa ibang katanungan tungkol kay KC.

"Yun ang iniingatan ko, yung masyadong magamit ang anggulo dahil may ipo-promote na teleserye. Ayokong lumabas na ganoon. Sana maintindihan ako ng press. Kapag nagsalita ako nang nagsalita about KC, lalabas talagang ginagamit ko siya, which I don't like, kahit may team-up project pa kami. Kaya hanggang ganoon lang ang pupuwede kong sabihin," paliwanag niya.

Mas mabuti sigurong hintayin na lang ang promo period ng Lovers in Paris because, in the meantime, ang ipo-promote ni Piolo ay ang special participation niya sa Nasaan Ka, Maruja? bilang bagong karagdagan sa cast nito.

Kasama rin sa Lovers in Paris ang commercial model turned actress na si Maricar Reyes, na lumitaw sa sex videos with Dr. Hayden Kho. Ayaw makisawsaw ni Piolo sa issue.

"Respeto ko na lang sa babae," aniya. "Naging katrabaho ko si Maricar at wala naman kaming naging problema sa kanya. Mabait siya, and I must admit, she's very pretty. Pero ayoko siyang husgahan. I just feel bad na ganoon ang nangyari, pero wala akong karapatan to pass judgment."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN