Shaina Magdayao on her presidential bet: "I would like to support silently."

May 3, 2016
<p>Shaina Magdayao has message to fellow voters who engage in hate campaign in social media: "Wala tayo maaabot kung mag-aaway. Pero meron tayong mararating if we're united."</p>

Umiwas si Shaina Magdayao na pangalanan ang kanyang napiling presidential candidate para sa darating na halalan.

Ito ay sa kabila ng kaalamang minsan nang dumalo ang Kapamilya actress sa political rally na pinangunahan ng tambalan nina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Senator Alan Peter Cayetano.

Sagot ni Shaina nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung pinal na ang kanyang desisyong suportahan si Duterte, “I would like to support silently na lang kasi hindi ako nag-endorse.

“But yes, I am supporting some [candidates].

“Like what they said, marami rin tayong kaibigan na nasa politics.

“Imbes na verbal yung support, siguro mas importante yung boto ko sa ninth [of May], which I will do before kami mag-ikot.

“Iikot kami, e, before our premiere night [for My Candidate].”

Bukod sa pagdalo ni Shaina sa political rally nina Duterte at Cayetano noong nakaraang taon, namataan din ang aktres sa motorcade ng senador sa U.P. Los Baños noong nakaraang buwan.

Continue reading below ↓

Nakapanayam ng PEP si Shaina pagkatapos ng presscon proper ng pelikula nila ni Derek Ramsay na My Candidate, na ginanap sa 55 Events Place, sa Quezon City, ngayong Martes, May 3. 

Dito ay nabanggit ni Shaina na naniniwala siyang mayroon pa ring mga pulitiko ang sinsero sa pagbibigay ng serbisyo sa bayan.

“Talagang I learned from my character na meron pang mangilan-ngilan na politician who are still sincere.

“They have a good heart, good intentions for the country and the Filipinos.”

Umaasa rin si Shaina na sa kabila ng iba-ibang napiling kandidato ng kanyang kapwa-botante ay patuloy pa ring maging kasing aktibo ang lahat sa pagtataguyod ng positibong pagbabago sa bansa pagkatapos ng eleksyon.

“Sobrang naha-hype lang din, e, kasi siyempre malapit na ang elections day,” komento ni Shaina patungkol sa mainit na palitan ng mensahe ng netizens tungkol sa mga napili nilang kandidato.  

“But, I think, wala tayo maaabot kung mag-aaway.

Continue reading below ↓

“Pero meron tayong mararating if we’re united.

“Ang Pilipino naman, hindi naman ‘yan magiging okey kapag ang leader lang ang gumagalaw.  

“Siyempre nandun dapat ang cooperation at unity ng citizens.

“And I really pray na kung sino man ang next president natin, sana mag-cooperate lahat.

“Will all act as one, united as one.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Shaina Magdayao has message to fellow voters who engage in hate campaign in social media: "Wala tayo maaabot kung mag-aaway. Pero meron tayong mararating if we're united."</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results