Kris Bernal: "If there is one person na mamahalin ko, si Aljur yun."

"Sanay na ako na ang daming lumalapit sa kanya. Mabait kasi siya, romantic, at maalaga. Kapag nag-propose uli siya at nakita kong wala nang ibang babaeng lumalapit sa kanya at kikiligin ako, baka sagutin ko na siya," says Kris Bernal about screen partner Aljur Abrenica.


Magpa-pilot na sa June 29 ang primetime soap nina Kris Bernal at Aljur Abrenica na All My Life. Pero nang ma-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Kris, hindi pa rin ito makapaniwalang bida na sila sa nabanggit na soap sa direksiyon nina Mac Alejandre at Andoy Ranay.

"Hindi ko pa alam kung deserving ba kaming bigyan ng break, hindi pa ako sanay," sambit ni Kris. "Pero masayang-masaya ako sa tiwalang ibinigay sa amin ng GMA-7. Kailangang pagtrabahuan naming maigi ito para matuwa ang mga nagtitiwala sa amin."

Aminadong pressured si Kris sa paghihintay hanggang pilot night at sa magiging resulta ng ratings ng All My Life. Kaya naman wala siyang kapagurang mag-promote para ipaalam, hindi lang sa fans nila ni Aljur, na may aabangan uli silang soap—and this time, primetime na.

"Tuluy-tuloy na pressure ito dahil pagkatapos ng All My Life, ang hihintayin namin ni Aljur ay ang showing ng launching movie namin sa Regal Entertainment na Nandito Ako. Naurong sa July 7 ang first shooting day namin sa Bohol at hanggang July 23 kami doon. Kailangan din naming galingan dahil nakakahiya kina Mother Lily [Monteverde] at Direk Maryo J. de los Reyes. Trabaho lang kami nang trabaho," sabi ni Kris.

Sa dami ng kanyang ginagawa, nakakatulog pa ba siya?

"Oo naman!" sagot ni Kris. "Hindi ko pa naman problema ang pagod at puyat dahil nakakatulog ako at nakakapagpahinga. Ang problema ko ay ang expectation ng tao dahil paano kung hindi namin ma-meet ni Aljur ang ini-expect ng tao? Nakakatakot isipin."

BARON GEISLER. Kasama sa cast ng Nandito Ako si Baron Geisler. Kaya tinanong ng PEP si Kris kung hindi ba siya natatakot sa aktor dahil sa mga nababasa niyang balita tungkol dito?

"Hindi ako takot sa kanya. Hindi ko pa naman siya nakakasama at ayaw kong mag-judge ng tao. I'm excited to work with him pa nga dahil Best Actor [awardee] siya, magaling at napi-pressure ako. Kaya ko kayang makipagsabayan sa kanya?" tanong ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LAST EPISODE. Hindi pa alam ni Kris ang rating ng finale ng Dapat Ka Bang Mahalin? na nag-end noong Friday, June 20, nang makausap siya ng PEP. Umaasa siyang mataas ang nakuha nitong rating dahil nakakahiya kung kailan nagtapos ay saka naman mababa ang rating.

Ayon sa report na nakuha ng PEP mula sa overnight ratings ng AGB Nielsen Philippines, ang final episode ng Dapat Ka Bang Mahalin? ay nakakuha ng 30.5 percent.

LIVE KISSING. Ipinarating namin kay Kris na umiyak ang mommy ni Aljur nang mag-kiss sila sa Showbiz Central kahapon, June 21, dahil first time napanood ng mommy ng young actor na mag-kiss sila nang live.

"Talaga? Nakakatuwa naman," reaksiyon ni Kris. "Love ko yun si Tita at nagpapasalamat ako sa suporta nila sa amin ni Aljur. Happy kaming lahat, pati ang family ko, sa opportunity na ibinigay sa amin ni Aljur. Kailangan na lang, pagtrabahuan naming dalawa."

MARCO ALCARAZ. Naalala namin na may lumabas na isyu na nililigawan si Kris ni Marco Alcaraz kaya inalam sa dalaga kung totoo ang isyung ito.

"Hindi siya nanliligaw sa akin at naging close kami nang magkasama kami sa Dyesebel," tanggi ni Kris. "Ganun lang yun. Hindi ko naramdaman at hindi siya nagparamdam na nanliligaw siya sa akin. Friendship lang ang namagitan sa amin at walang ligawang nangyari."

Paano kung ligawan nga siya ni Marco?

"Right now, hindi pa ako open sa lovelife. And if there is one person na mamahalin ko, si Aljur yun. Siya talaga ang nanliligaw sa akin. Hindi ko pa nga lang sinasagot dahil hindi pa right time. Sabi ko sa kanya, trabaho muna ang unahin namin. Nabanggit ko na rin sa kanya na sasagutin ko siya 'pag buo na ang sincerity na nakikita ko sa kanya," sabi ni Kris.

MAGNET TO GIRLS. Totoo bang takot siyang ma-in-love kay Aljur dahil lapitin ito ng mga babae?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sanay na ako na ang daming lumalapit sa kanya. Mabait kasi siya, romantic, at maalaga. Kapag nag-propose uli siya at nakita kong wala ng ibang babaeng lumalapit sa kanya at kikiligin ako, baka sagutin ko na siya," sagot ni Kris.

Napangiti si Kris nang magparinig si Aljur na siya lang ang kanyang mamahalin nito habambuhay. Si Kris lang daw ang gusto nitong makasama.

"Babes" o "Bebs" ang tawagan nina Kris at Aljur kahit wala pa silang relasyon. Pero nabago ang terms of endearment nila mula nang gawin nila ang All My Life.

"Good Evening Boy" na ang tawag ni Kris sa ka-love team at "Happy Birthday Girl" naman ang tawag ni Aljur sa dalaga. Saka raw masasagot kung bakit ito na ang kanilang batian 'pag nagkikita sa kanilang soap.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN