Eugene Domingo commends Dingdong Dantes for agreeing to be her leading man

"Nakakatuwa siya. Kahit ibahin niya ang hitsura niya, magpapangit siya... Yun ang sa tingin ko, yun ang kanyang kaibahan sa mga heartthrob natin. Hindi siya natatakot na baguhin ang mukha or maging ka-partner ko, yung ganoon," says comedienne Eugene Domingo about Dingdong Dantes, her leading man in Kimmy Dora.


Pansamantalang nahinto ang shooting ng pinagbibidahang pelikula ni Eugene Domingo, ang Kimmy Dora. Ang naturang pelikula ay mula sa direksiyon ni Bb. Joyce Bernal, with Piolo Pascual as co-producer and Dingdong Dantes as Eugene's leading man.

Pero nakapag-resume na raw sila ng shooting kaya masaya si Eugene nang nakausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Box-Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. (GMMSFI) noong Linggo, June 21, sa RCBC Plaza, Makati City.

"Masayang-masaya kasi nakakapag-shooting na kami ngayon, kasi umaaraw na. So, malapit-lapit na rin kaming ipalabas. Hopefully, sa July, tapos na kaming mag-shooting. Siyempre, mahaba pa ang proseso. Masayang-masaya naman. It's directed by Joyce Bernal, written by Chris Martinez, at ang title ay Kimmy Dora," saad ni Eugene.

Dagdag niya, "Si Dingdong Dantes ang leading man. And as of today, ang balita ko, hindi si Papa P [Piolo Pascual] ang [isa pang] leading man ko, kundi si Zanjoe Marudo."

Bakit napalitan si Piolo?

"Pangit kasi siya! Joke lang!" biro ni Eugene.

Pero aniya, "Actually, busy kasi siya. Bising-busy siya kaya okey lang. Sapat na naman ang pagmamahal niya sa akin."

Pero agreement yata nina Dingdong at Piolo na silang dalawa dapat ang a-appear sa movie?

"Palagay ko, okey lang naman. Walang mga ganoon, okey lang ba? Walang ganoon. Masaya yung ginagawa. Masaya yung pelikula. Masaya si Joyce Bernal. Masaya lang. Wala kaming mga ganoong isyu. At the same time, wala akong disappointment. Napakasuwerte ko na para ma-disappoint, ano ba?" natatawa niyang sabi.

DINGDONG AS LEADING MAN. How was it working with Dingdong in a movie, since nagkasama na sila sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang? This time, iba naman dahil bukod sa pelikula ang ginagawa nila ay magkapareha pa sila.

"Ay, napakabait! Alam ko na hindi lang siya artista dahil balang-araw, magiging director pa yun. Kasi, mahusay, e. Dito sa movie, hindi sa nakikialam, pero alam niya kung ano ang ginagawa. At willing siya na mag-try ng iba naman. Parang ganoon. Imagine, dinare niya ang sarili niya na maka-loveteam ako!" tawa ulit ni Eugene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Makikipagtagisan din ba sa comedy ang kapareha niya?

"Oo, oo!" sambit ni Eugene. "Nakakatuwa siya. Kahit ibahin niya ang hitsura niya, magpapangit siya... Yun ang sa tingin ko, yun ang kanyang kaibahan sa mga heartthrob natin. Hindi siya natatakot na baguhin ang mukha or maging ka-partner ko, yung ganoon."

NO PRESSURE. Posible na by September daw ipalabas ang Kimmy Dora at malamang daw na ang Star Cinema ang mag-release nito.

May napi-feel na ba siyang pressure?

"I don't feel any pressure right now!" tawa niya sa kanyang sariling biro.

Posible kayang mahigitan o matapatan man lang ng pelikula niya ang naging box-office achievement ni Ai-Ai delas Alas sa Ang Tanging Ina?

"Wala namang gumagawa ng pelikulang hindi nangangarap na maging box-office hit, di ba? Pero wala tayong tatalunin. Ang gusto lang natin, masaya ang resulta. Hindi ako mahilig makipag-sabong. Basta gusto ko, masaya ang pelikula, masaya ang manonood, masaya ang mga producers, masaya ang mga katrabaho ko, okey na yun."

BERT MARCELO AWARDEE. Kaya nasa Box-Office Entertainment Awards si Eugene noong Linggo ay para tanggapin ang Bert Marcelo Award, na ibinibigay sa mga natatanging comedians.

"Ay, tuwang-tuwa ako!" bulalas niya. "Touched na touched ako at ikinararangal ko ang Bert Marcelo Award na ibinigay sa akin, kasi nakatrabaho ko si Ginoong Bert Marcelo. At para mabigyan ka ng ganitong award, ibig sabihin, yung katauhan ng award na ibinigay sa 'yo ay nakikita sa 'yo. Kaya nga ibinigay sa 'yo.

"I really made sure na makuha ko 'to tonight, yung walang trabaho. Kasi, isang karangalan. Marami namang puwedeng bigyan, pero ako nga ang pinalad na mabigyan ng award," ani Eugene.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN