Annabelle Rama calls YES! Most Beautiful Stars list "hindi credible" and "fake"

Talent manager Annabelle Rama (main photo) forwarded a text message to the members of the entertainment press containing her reaction to the non-inclusion of her children, Ruffa and Richard Gutierrez (insets), in the 100 Most Beautiful Stars list of YES! magazine.


"Hindi credible" at "fake awards" daw ang inilabas na listahan ng YES! magazine ng 100 Most Beautiful Stars ngayong 2009, ayon sa talent manager na si Annabelle Rama.

Ito ay reaksiyon ni Annabelle sa hindi pagkakasali sa listahan ng mga anak niyang sina Ruffa at Richard Gutierrez. Si Annabelle din ang talent manager ng dalawa niyang anak.

Nagpakalat ng text messages si Annabelle sa entertainment press kahapon, June 23, na nakaabot din sa PEP (Philippine Entertainment Portal). Ang naturang text message ay ipinadala ng talent manager sa isang kolumnista na nagsulat ng artikulo tungkol sa 100 Most Beautiful Stars ng YES! ngayong taon.

Bukod sa kolumnista ay ifinorward din ni Annabelle ang kanyang text message sa iba pang entertainment press, na ang karamihan ay ipinasa naman sa iba ang naturang mensahe dahil sa huli ng kanyang text ay may nakalagay na "Plz pass."

Narito ang kabuuang text message na ipinadala ni Annabelle:

"Hi dis s Annabelle, nabAsa ko yung column mo dis morning re dalawang magkapatid di nasali sa pagpili ng mOst beautiful faces in d showbiz. Ang sagot ko: Wala akong pakialam sa award galing sa isang local magazine na hindi naman credible.

"Importante panalo ng award c Richard for being #1 primetime King. Until now #1 pa rin ang zorRo. Nagpapasalamat c chard sa taong bayan at mga supporters nya sa t.v. and movie, sa walang pagsawang pagtangkilik sa kanya. Mas importante sa akin ang rating ng show at box office receipts ng movie.

"C ruffa naman nakadisplay pa rin ang award nya sa ms. world secOnd pRincesS. Tinalo nya ang mga kasama nyang 83 contestants sa ibat ibang nation.

"Di ba mas boNgGa ang mga awards na natanggap ng magkapatid? Expected naman yun, paano manalo ng awards ang mga anak ko, ang nagbigay ng award galing sa isang taong nakadEmanda dahil sa pagsusulat ng imbentong storya. We don't expect anything from them, specially fake awards. Plz pass."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE SELECTION. Sa launching ng YES! 100 Most Beautiful Stars 2009 noong Lunes, June 22, ay ipinaliwanag ng editor-in-chief nitong si Ms. Jo-Ann Maglipon ang naging basehan nila sa pagpili ng mga nakabilang sa kanilang listahan ngayong taon. (Click here to read related story.)

"If you ask me kung ano yung criteria for choosing, it's a mix. It's an alchemy, it's a chemistry that's very hard to explain. But you know that we put together the attitude of the star, the look of the star, the spunk of the star, the intelligence of the star, or the acting prowess of the star, the longevity of the star, or the hotness of the star... Hindi namin tinitingnan lang sa mukha o katawan. It's a whole chemistry that led itself to being beautiful," paliwanag ni Ms. Maglipon.

Sinagot din ng editor-in-chief ng YES! ang tanong kung bakit hindi nakasali sa listahan ang mga anak ni Annabelle na sina Ruffa at Richard.

Aniya, "Many of the stars that you saw in Edition 1 and Edition 2—including Ruffa, Gretchen Barretto, Kris Aquino—are not in this list now. It's just because of the categories that we chose and, like I said, the YES! list is always going to be subjective as any list on beauty will be.

"Laging hinahanapan ng kulay ang lahat ng bagay. Pero honestly, as an editor, I don't move from all this baggage. I try to work as cleanly and as honestly and uprightly as I can."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN