Aljur Abrenica unperturbed by sexual-harassment accusation

"Hindi ko po alam kung ano ang nagtulak sa kanila, pero wala na po akong magagawa, desisyon po nila yun, e. Ako, ang importante po kasi i-defend ko ang sarili ko. Ipaglaban ko kung ano talaga yung totoo," says Aljur Abrenica.


Mukha namang hindi problemado at apektado si Aljur Abrenica tungkol sa reklamong pambabastos na isinampa kontra sa kanya sa National Bureau of Investigation (NBI) ng isang 15-year-old na dalaga at ng ina nito. Bagkus, masaya siyang humarap sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa grand launch ng primetime series na pinagbibidahan nila ng ka-loveteam niyang si Kris Bernal, ang All My Life.

Sa presscon ng All My Life kagabi, June 23, sa Studio 5 ng GMA Network Center, kinumusta ng PEP si Aljur kung ano na ang status ng naturang reklamo laban sa kanya.

"Ayun po, lahat po ng charges sa akin, nasagot na po ng lawyer ko. And 'eto kami, nakatayo pa rin kami sa posisyon namin. Hindi pa rin kami naaano. At saka lahat ng sinabi niya, lahat ng binabato nila sa amin ay walang katotohanan talaga," sambit ni Aljur nang ma-interview siya ng PEP.

Magkakaroon ba ng mga hearing sa korte?

"Wala pa po. Pero kung yun ang ano, e, haharapin po natin."

Ano ang naging reaksiyon niya nang malaman niya na may nagrereklamo sa kanya ng pambabastos?

"Nung una natawa ako, nagulat. Nung lumalala na, nagdasal po ako."

Ano sa tingin niya ang motibo ng mga nagrereklamo sa kanya?

"Hindi ko po alam kung ano ang nagtulak sa kanila, pero wala na po akong magagawa, desisyon po nila yun, e. Ako, ang importante po kasi i-defend ko ang sarili ko. Ipaglaban ko kung ano talaga yung totoo," saad ng young actor.

Dati na ba niyang kilala ang girl na ito?

"Hindi po. Dun ko lang po siya nakilala sa place na yun [Puerto Galera]."

Sino ba ang kasama niya noon sa Puerto Galera?

"Kasama ko po ang family ko, kumpleto po kami. Nandun din po ang mga kaibigan ko [Roadfil at James ng Moymoy Palaboy]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero totoo bang nag-meet sila doon ng girl?

"Dun lang po kami nagkita."

May pagkakataon bang sila lang dalawa ang nagkasama ng dalagitang ito?

"Wala, wala pong pagkakataon na nagsolo kami. Grupo, grupo po. Kuwentuhan, ganun po."

Bakit mas dapat siyang paniwalaan ng mga tao kaysa sa dalagitang nagrereklamo kontra sa kanya?

"Wala naman po akong sinasabing ganun. Pero ang sa akin lang po talaga, ipinaglalaban ko yung katotohanan," mariing sabi ni Aljur.

So, hindi totoong hinarass niya yung dalagita?

"Hindi po, wala po akong ginawa."

Ayaw na ring magbigay ng detalye ni Aljur bagkus sinabi niyang, "Sinabi na po lahat ng lawyer ko 'yan kaya hindi ko na po kailangang ulitin."

Anong feeling na marami ang sumusuporta sa kanya sa laban na ito?

"Masaya ako dahil yung mga kaibigan nandiyan para suportahan ako na ipaglaban ko kung ano yung katotohanan, especially sina James at Roadfil, at ang aking ka-loveteam na si Kris Bernal. Pati ang GMA-7, talagang sinusuportahan nila ako dahil alam nilang totoo yung sinasabi ko."

Sa stature niya bilang artista, mahirap ba talagang maging lapitin ng babae? Yun ba ang lesson na natutunan niya rito?

"Ito yung mga consequences na kailangan kong harapin sa showbiz," ani Aljur.

Mas careful na ba siya ngayon?

"Yeah, careful na po talaga ako."

May message ba siya dun sa girl?

"Hindi naman po kailangang magpadala pa ng message, e. Alam naman po nila yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN